Chapter 2

2215 Words
"SINIRA mo ang kinabukasan ko Uncle." Inis na sabi ko dahil sa isang linggo niyang pagdagit sa'kin papuntang Cebu para maggirl hunting. Isang linggo ang itinaggal namin doon na wala akong napala. Isang linggo ko na ring hindi nakikita ang future husband ko. Ang huli naming pagkikita ay noong nagkabanggaan kami sa isang fast food chain. Isang linggo akong tigang dahil sa walanghiya kong Uncle na kung kailan kwarente y uno na ang edad ay syaka pa nagdecide na lumandi. Hindi naman talaga dapat ako sasama pero kapag tumanggi ako ay tatanggalin niya ako sa trabaho, though alam kong panakot lang 'yon at hindi niya magagawang totohanin pero bilang pagrespeto na rin. "Ang OA mo, susuportahan naman kita sa panliligaw mo e." Sabat niya. "Nasayang ang isang linggo ko sa wala." Pagmamaktol ko pa rin, papauwi na kami sa apartment ko dahil ngayon palang kami umuwi pagkatapos ng isang linggo sa Cebu. "Hindi nasayang ang isang linggo mo, may kapalit ang pagpapasama ko sa'yo." Doon niya naagaw ang atensyon ko, bumaling ako sa kanya habang siya ay tutok sa pagdadrive. "Anong kapalit?" Sabik kong tanong. "Here." Sabay abot niya sa'kin ng brown envelope na nasa dashboard. "Aanhin ko 'to?" "Try mo kagatin crunchy 'yan." Biro niya na ikinairap ko. Corny! "Seriously speaking, it's an application form sa Castillion Brother Entertainment, pwede kang mag-apply bilang DJ nila. Nasa first floor ang office niyan katabi ng office ni Third Castillion. You know, he want his office in first floor para madaling mareach ng mga employee, gan'on siya kabait kaya malas niya lang sa'yo." Kahit may pang-aasar sa dulo ay tuwang tuwa pa rin akong napayakap sa kanya. "Waaaa! Thank you boss, this is a big help, magkakaroon ako ng rason para maglabas pasok sa building niya." "Kung hindi lang lalagpas palagpas sa kalendaryo ang edad mo ay hindi ko talaga sasakyan ang kabaliwan mo." Aniya. Yeah, malapit ng lumagpas sa kalendaryo ang edad ko. I'm 29, never been kiss never been touch kaya atat na atat si Uncle na mag-asawa ako bago pa mag-expired ang bahay bata ko. Imagine 29 years akong tikang, laan ko kasi 'yon sa mapapangasawa ko kaya nag-ala Maria Clara ako ng mga kapanahunan ko pa. "Paki baba nalang ako sa CBE building boss ngayon na ako mag-aapply." Tumango naman siya. "Wait, paano nga palang nangyaring may hiring sila last week ng e-check ko ay full na ang slot sa hiring?" "May nagresign na DJ sa CBE dahil tutungo raw sa ibang bansa sakto at kakilala ng kaibigan ko kaya sinabi ko na ikaw nalang ang ipalit, napag-usapan kasi namin ang kabaliwan mo." Natatawang sagot niya. "Whatever." I rolled my eyes. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa harap building. Dali dali akong bumaba at hindi na nagpaalam pa kay Uncle agad niya rin namang pinasibad ang sasakyan paalis. Pinasadahan ko muna ng tingin ang suot ko. Nakapekpek short ako kaya lantad na lantad ang mapuputi kong hita at pinaresan ko iyon ng see through loose shirt na kita ang pusod ko, sa ilalim n'on ay isang itim na sports bra. Para akong model ng sexy magazine. Lalo pang naging hot dahil sa red stiletto na suot ko. Deadly weapon ang nasa loob ng takong ko for emergency purposes. "Hi manong." Bati ko sa guwardiya wearing my sweet-innocent smile. Ngumiti rin ito. "Bakit po ma'am?" "Saan po ang area para mag-apply for DJ?" Magalang kong tanong, kailangan kong maging magalang para mapalapit sa mga tao dito. Empleyado sila ni Third my hubby kaya dapat lahat ng may connect sa magiging asawa ko ay kilala ko. Nasabi na sa'kin ni Uncle kung saan pero gusto kong makasiguro, sa lawak ba naman ng first floor baka masayang lang ang oras ko. "Pasok lang po kayo sa lobby tapos makikita niyo agad ang sign kung saan ang hiring sa bandang kanan po." Aniya. "Thank you." Mas lalo pa akong ngumiti. Sa'kin napunta ang atensyon ng lahat ng tao sa lobby. Matamis pa rin ang ngiti ko at binabati ang lahat. Napansin kong karamihan sa mga empleyado ay lalaki at bibihira lang ang nakikita kong babae. Actually nabibilang lang ng kamay ko sa daliri. Well, ayos na rin 'yon atleast sa loob ng company ng future husband ko ay konti lang ang porsyento na maaari kong maging karibal. Maganda ang loob ng company, simple yet relaxing ang ambience, iyong tipong mararamdaman ng papasok ang sinasabing feel at home. Maraming mga rooms na may nakalagay kung para saan, may dressing room rin akong nabasa sa isang pintuan sa kaliwa na hindi ko na pinansin pa dahil sa kanan ang tungo ko. "Gotcha." Ngumisi ako nang sa wakas ay mapatapat ako sa pinto na magkasulat na hiring for DJ's, pero ang mas ikinasaya ng puso ko ay dahil nabasa ko ang nakasulat sa tabi nitong pinto. Office of the President, Third Castillion. Nakakaturn on talaga ang kabaitan niya. Biruin mo siya pa ang mag-aadjust ng office para lang madaling mareach ng employees. Balita ko dati nasa top ang main office niya at lumipat dito sa baba sa kadahilanang gustong maging kaclose ang mga empleyado. So kind. Napasimangot ako. So kind pero hindi siya gan'on sa'kin. Nang magkasalubong kami sa fast food chain at dinamba ko siya ng yakap ay alam kong hindi niya nagustuhan. Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag bigla ka nalang niyakap ng hindi mo kilala at sasabihing siya ang magiging asawa mo? Kung ako siguro sa lagay niya ay nabaril ko na ang bumbunan ng magtatangka, unless siya ang magtangka. Imbes na sa unang pinto ako pumasok ay sa office niya ako tumuloy. Namiss ko siya dahil isang linggo akong nasa ibang lupalop ng Pilipinas pero sa mga araw na 'yon hindi naman ako pumalya sa pagpapadala ng mga bulaklak. Isang rose kada araw, hindi ko kasi afford ang bouquet mamumulubi ako sa dalawang buwan kapag 'yon ang araw araw kong ibibigay sa kanya. "Hello my future husband." Sigaw ko ng makapasok. Lahat ng tao sa silid ay napabaling sa'kin, doon ko napagtanto na hindi siya nag-iisa. Nandito ang mga kapatid niya pero hindi ako nakaramdam ng hiya dahil wala ako n'on. Idinipa ko ang mga braso ko at lumapit sa kanya para yumakap. Bakas ang gulat sa mukha niya gan'on rin ang mga kapatid niya sa biglaan kong pagdating kaya nagkaroon ako ng chance na mayakap siya. Nakaupo siya sa swivel chair niya habang ang mga kapatid ay nakaupo sa katapat na sofa. I know they are his brothers dahil nagresearch ako tungkol sa kanya. "Mga bayaw." Nakipagbeso ako isa isa sa kanila at doon lang sila natauhan. "Yow bayaw." Si Second ang unang nag-approach sa'kin. Ngumiti ako sa kanya. "Hot." Usal ng isa at nanglingunin ko ay si Fifth iyon. "Thank you bayaw pero my bad hindi tayo talo e, baka magselos ang asawa ko." Sabay nguso kay Third na ngayon ay masamang masama ang tingin sa'kin parang gusto akong balian ng buto. "What are dong here woman?" Walang modo niyang tanong. See? Hindi siya mabait sa'kin, sa iba lang. Dahil nakipagbeso ako sa mga kapatid niya ay nasa dulo ako ng sofa kaya kailangan kong maglakad papalapit sa kanya para sabihin ang totoo kong pakay. May matamis na ngiti sa aking labi at taas noong naglakad papunta sa harap niya. Umupo ako sa mesa siya sabay lapag ng envelope kung saan ang application ko. "Here." Kita ko sa peripheral vision ko na nakamasd sa'min ang mga kapatid niya. Animo nanonood ng sine at popcorn nalang ang kulang. "What's this?" Madilim ang mukhang tanong niya. "Tingnan mo kaya kaya ko nga ibnibigay sa'yo e. Tsk." Pagtataray ko, kahit naman loves na loves ko siya hindi ko kailangang baguhin ang sarili ko at mangpanggap dahil ito ang totoong ako. I hate fakes! "Don't 'tsk' with me woman kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas." Ngumiti ako sa mga kapatid niya na may iba't ibang expression ang mukha pero all in all gulat. "No, you can't do that dahil kapag ginawa mo papasabugin ko 'tong building mo." Akmang magsasalita siya ng putulin ko. "Don't try me hubby hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." Marahas siyang tumayo. "Wag mong puputulin ang mga sasabihin ko, I'm the boss here." Nagtatagis na ang kanyang mga bagang habang ako ay kalmado lang. Umalis ako sa pagkakaupo sa mesa niya at ako ang umupo sa swivel chair niya. Agad ko iyong nagawa dahil nakatayo siya, ipinatong ko ang mga paa ko sa mesa while sitting exposing my legs. "You're not my boss not until you accept me as your employee, hubby." Sinadya kong lambingan ang boses ko nagbabakasakaling madala siya pero mas lalo lang nagalit sa'kin. Pabalang niyang ibinababa ang mga paa ko na nasa mesa. "In your dream woman." Angil niya. Napairap ako dahil konti nalang mapipikon na rin ako pero dahil ako ang nanunuyo dapat mas mahaba ang pasensya para hindi mabusted. "Wag mo 'kong irapan." Padabog akong tumayo at tinaasan siya ng kilay, namewang ako sa harap niya kaya mas lalong tumaas ang damit ko pero wala akong pakialam. "Lahat nalang bawal, tangna, f**k, s**t! Kainis." Malulutong ang mga murang pinakawalan ko. Wala na, agad na naubos ang pasensya ko sa kanya, pinilit kong maging sweet pero napaarte niya. Nakipaglaban ako ng masamang tingin sa kanya. "Kung magmumura ka mabuti pa umalis ka na bago pa ako mawalan ng kontrol at samain ka sa'kin." Kinuha ko ang cellphone na nasa short ko at agad na tinawagan si Anton. "Hello Anton?" Walang sumagot pero alam kong nandoon lang siya, tinanggap niya ang tawag e. Napatayo si Second kaya napangisi ako. Patay na patay talaga 'to sa kaibigan ko e. Muli akong bumaling kay Third na masama pa rin ang tingin sa'kin, napanguso ako dahil sa sama ng tingin niya. "Hindi mo 'ko tatanggapin?" "No." Pinal niyang sagot. "Okay." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa nanawala kong inis kapag nasisilayan ko ang gwapo niyang mukha. "Anton di ba inalok kita kung sasama ka sa'kin sa Greece? Bukas ang alis ko ano go ka?" Napangisi ako lalo ng makita ang pagkataranta ni Second. Lumapit ito sa kapatid. "f**k! 'Bro tanggapin mo na kung ano man ang trabaho na gusto niya mukha naman siyang mapagkakatiwalaan." Kumbinse niya sa kapatid. Pinatay ni Anton ang tawag dahil alam niyang nababaliw na naman ako at gumagawa ng kalokohan. 'Yong pagpunta asa Greece biro lang 'yon gusto ko lang na tulungan ako ni Second dahil alam kong hindi tatanggi sa kanya ang kapatid. "Mapagkakatiwalaan tingnan mo nga ang suot mukhang strip dancer sa club." Ouch! Ang cheap ko pala sa paningin niya. Pero minsan ko na rin namang pinasok ang trabahong 'yon dahil sa trabaho kong pagiging Agent, para mas mabilis mahuli ang target. "Gusto mo strip dance kita? Samahan ko na rin ng lap dance." Biro ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Umalis ka na." Taboy niya. "Hey, 'bro baka tuluyan niyang kunin sa'kin si King wala na mag-aalaga sa'kin." Dinig kong bulong ni Second, gusto kong bumunghalit ng tawa dahil para siyang batang anytime mawawalan ng laruan. "Don't mind her 'bro, don't mind her baliw ang ang babaeng 'yan." Sagot ni Third. Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil sa katigasan ng bungo niya. Sa ganda kong 'to kung tanggihan niya ako wagas tapos tatawagin pa akong baliw. Akala ko simpleng ayaw niya lang sa babae pero sa nakikita ko ngayon parang nag-iiba ang pananaw ko sa kanya, di kaya bakla siya? "Bakla ka ba?" Lakas loob kong tanong dahilan para matahimik ang lahat na parang nay anghel na dumaan. Ilang sandali pa ay bumunghalit ng tawa ang kanyang mga kapatid. "Hell, bakla ka raw 'bro?" Kantiyaw ni Fifth na sinundan rin ng tawa ng mga kapatid niya. Humakbang papalapit sa'kin si Third at basta basta nalang akong hinila palabas, dahil nasa first floor kami ay madali niya akong nadala sa labas ng building. Kumakaway ako sa lahat ng nakakasalubong namin para sabihing ayos lang kami ng boss nila, mabait pa rin ito sa kanila nga lang. "Wag ka ng babalik sa building ko." Sigaw niya at pabalang akong binitawan. Muntik na akong sumubsob sa semento mabuti naang ay maagap akong napakapit sa leeg niya at dahil malakas siya ay hindi kami nabuwal. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa bewang ko kaya lihim akong napangiti. Mabait nga talaga siya 'yon nga lang nasasagad ang pasensya dahil panggugulo ko. "Clumsy." Asik nito. Nag-init ang mukha ko ng mapagtantong magkadikit na ang mga ilong namin. Kung ibang babae siguro ang nasa sitwasyon ko ay pabebeng lalayo pero dahil iba ako sa kanila I grab the opportunity. Kinabig ko ang batok niya at mabilis na hinalikan. Hindi ako gumalaw dahil ang totoo ay hindi ko alam kung paano humalik. "Sarap." Bulong ko, bago niya pa ako maitulak ay ako na ang humiwalay. Napahagikhik pa ako dahil nagkalat ang lipstick ko sa labi niya, masyado ko sigurong nadiinan. "Ciao! Bye hubby, love you." Malalaki ang naging hakbang ko papaalis sa lugar. "Tanggapin mo ang application ko ha?" Pahabol ko na hindi na siya nagawang lingunin dahil alam kong masama na naman sa'kin ang tingin. Ganito pala ang first kiss, ang tamis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD