Piping nagdasal siya na sana naman ay di siya matunton ng mga lalaki, ayaw niyang mapunta sa poder nito. Mas gugustohin niya pa na magpa molistiya kay Dalton kaysa mapunta sa kanyang ex fiancee. Bagamat puro kapilyuhan ang ipinapakita ng lalaki sa kanya ay dama naman niyang di siya nito kayang saktan, physically. Panay ang tulo ng mga luha niya habang sakbibi ng takot ang kanyang puso. Natatakot siya sa maaring mangyari, what if saktan ng mga ito ang dalawang kasama niya para lang lumabas siya. Paano na? Di niya pa makontak si Dalton. Ito lang ang naiisip niyang tao na maaring tumulong sa kanila ng mga sandaling iyon. Hindi na niya magawa pang kumilos muli upang tawagan si Dalton. Para kasing nanghina siya ng makitang pumasok si Phil sa may silid nila ni Dalton. Sinipat nito ang bawat su