"Wear something decent." Sabi nito na naupo sa kama. Kinakabahan siya sa sinabi nitong ipapakilala siya nito sa mga tao sa labas. Ni minsan ay di pa niya nakaharap sa personal si Phil, nakita niya ito sa malayo. Pakiramdam niya ay di pa siya handang makadaupang palad ang dating nobyo. Para kasi sa kanya ay isang masamang tao ang lalaki, tuso at higit sa lahat ay mapanglamang sa kapwa. Kaya di niya yata makakayang magpahawak maski dulo ng kanyang buhok. "Bakit?" Parang tanga niya pang tanong dito. Napangisi ito sa kanyang naging tanong dito. "Kasi po, di naman kita pwedeng iharap sa mga kaibigan ko at sa mga pulis na ganyan ang suot. Kung ako lang ang kasama mo, I don't mind if nakahubad kapa." Sabi nito sa kanya. Bigla naman siyang napahiya, masyado siyang nerbiyosa dahil sa ex niya. "