KESHA
"SO before matapos ang ating program ngayon, gusto ko lang magpasalamat sa inyo dahil nagpunta kayo dito sa aming My Kaibigan Party!" panimula ni Ate Cloe.
Patapos na ang programang inihanda nila para sa amin at siya na nga ang nagsasalita para magpasalamat.
"Hindi lang dito natatapos ang party natin dahil sa sunday, bukas! Magkaroon tayo ng mas malaking kasiyahan at doon marami tayong makikitang kaibigan ng iba pa naming kaibigan kaya naman sana ay makapunta kayo," pag anyaya nito at sinabi lang ang details kung saan at anong oras ang nasabing event.
Matapos nitong mag paalala, muli kaming magdasal. Akala ko ay tapos na ngunit hindi pa pala dahil binigyan kami nito ng magkain. Binigyan din nila ako ng isang jar na maraming nakalagay na mga sulat sa labas ng jar tapos sa loob merong mga papel na pwede mong sulatan ng kahit anong gusto mong ilagay.
"Ano yung mga nakasulat?" tanong ko kay Patrice na nasa tabi ko lang na kumakain lang din.
Tinuro ko pa ung mga nakasulat sa labas ng jar.
"Uhm! Eto?" tanong nito sabay turo din sa tinuturo ko kanina. "Mga encouraging bible verse ito. Iba-iba ang nilagay namin diyan; may for friendships, meron din para sa mga taong malungkot, naghahanap ng kausap, meron din para sa may mga fear and anxiety at marami pang iba," tugon niya sabay hiram ng bote na hawak ko. Tinitigan niya ito at ngumiti. "Itong nakuha mo, halo-halo! Nandiyan halos lahat ng mga binanggit ko," saad niya sabay balik sa akin ng bote.
Muli ko itong tinignan at may nakaagaw ng pansin ko doon.
Matagal akong nakatitig dito dahil hindi ko din naman gaano maintindihan hanggang sa tinapik ni Patrice ang balikat ko.
"Gusto mo malaman kung anong ibig sabihin ng mga verse na nandiyan?" tanong nito.
Marahan naman ako umiling.
"'ska na siguro," tugon ko na ikinatango lamang nito.
Napukaw lang ng mata ko pero hindi ko naman gustong alamin kaya, 'ska na siguro.
Matapos naming kumain, nagpaalam lang si Patrice sa mga kaibigan nito.
"Ate, una na muna kami ha. Kita na lang tayo bukas sa church," paalam nito.
"O'sige! Ingat kayo ha," paalam ni Ate Cloe at bumeso kay Patrice bago tumingin sa akin. "Thank you sa pag attend, Kesha. Bukas sana makasama ka ulit. Marami kang makikilalang ibang kaibigan doon," saad nito sabay himas sa braso ko.
Bigla akong kinilabutan, hindi dahil sa takot kun'di sa kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na parang may isa kang ate na mahinahon na kumakausap sa iyo.
"Sige po," tugon ko na ikinangiti nito.
"Asahan kita bukas ha," paninigurado niya at matamis na ngumiti sa akin.
Muli lang akong tumango at tipid na ngumiti.
Matapos naming mag paalam sa kanila. Muli kaming naglakad papuntang sakayan. Parehas kaming tahimik at mabagal ang lakad.
"Sana nag-enjoy ka sa mga palaro kanina," basag niya sa katahimikan namin.
"Nag-enjoy naman ako, nakakatuwa ung mga games," saad ko sabay yuko.
"Buti, bukas ulit ha. Sunduin ulit kita pero this time sa building na tayo ng church namin," masigla nitong turan.
Tumingin ako dito para tignan kung nakangiti siya at tama nga ako.
"Bakit lagi kang masaya?" tanong ko dito dahil gusto ko din maging katulad niya.
Nagtataka naman itong tumingin sa akin.
"Hoy! Grabe ka sa tanong mo ha!" singhal nito pero nakangiti. "Pero, bakit nga ba ako laging masaya? Simple lang kasi alam kong may isang taong nagmamahal sa akin at hindi nauubos ang pagmamahal noon kahit pa sino ako o ano pa ako," tugon nito.
Isang tao? Sino naman kaya iyon? May kasintahan pala siya. May nagpapahalaga pala sa kan'ya kaya masaya siya.
"Mabuti ka pa," bulong ko at yumuko muli ngunit napaangat ulit dahil sa biglang pag akbay ni Patrice.
Nakangiti na naman ito na parang walang problema.
"Lika! Uwi na tayo at baka hanapin ka pa sa inyo. Kanina medyo natakot ako kay tita noong kinausap niya ako tapos gusto niya ang isama ko ay yung isa mong kapatid, gusto ko naman siyang isama pero ikaw muna ang priority ko!" saad nito.
Para namang may humaplos sa puso ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon.
Priority? Pwede pala akong maging priority...
Naweweirduhan ako sa nararamdaman ko. Kinikilabutan ako dahil sa kakaibang pakiramdam. Marahil ay masaya ako kaya hindi ako mapalagay... ngayon lang ulit, ngayon lang ako nakaramdam nito.
Na may taong nagpapahalaga sa iyo..
Pero katulad nang laging nangyayari, ang saya na nararamdaman ko ay agad nawawala at mas nababalot ng lungkot at pag-iisa.
Nang makauwi ako sa bahay namin, ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko at walang may gusto sa akin.
Walang may pakialam kung nakauwi na ako at nandoon na ako sa bahay. Walang bumati, pumansin, ngumiti, tumapik ng balikat o nangumusta sa akin.
Muli akong nakulong sa madilim kong kwarto kung saan nakakalat pa din ang ibang mga gamit ko.
Bakas pa din ang mga dugong natuyo na lamang sa tagal ng panahon.
Muli akong napayakap sa aking mga binti at ibinaon ang mukha doon. Lahat ng saya ko ay nalusaw at muli akong umiiyak dahil sa pag-iisa ko.
Gusto ko mang bumaba at makinig sa mga kwento ng mga tao sa sala ngunit paano ko gagawin kung sa tuwing titingin sila sa akin ay parang may malaki na agad akong nagawang kasalanan? Paano ko gagawin kung papansinin man nila ako ay puro insulto lang ang maririnig ko? Paano ko gagawin kung lahat ng kilos ko ay mali sa kanila? Paano ko gagawin kung ipinapamukha nila sa akin na may mali sa pagkatao ko, na hindi ako belong sa kanila.
Kung dati ay kaya ko iyong gawin ang baliwalain ang mga pang-iinsulto nila sa akin, ngayon hindi na dahil para na akong nasisiraan ng bait tuwing maririnig ko ang kanilang mga masasakit na salita.
Muli akong napatingin sa labas ng bintana ko at nakita ko na naman ang buwan kung saan may nakasabit dito.
Naaakit na naman akong sundan siya... naaakit na naman akong gayahin siya...
Akmang tatayo ako nang biglang magflash ang ngiti ni Ate Cloe at Patrice sa isip ko.
'Asahan kita ha,'
'Bukas ulit ha, sunduin kita!'
Bigla akong napaupo at napaiyak... napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok sa sobrang gulo ng isip ko..
Ilang beses kong nasuntok ang sarili kong dibdib dahil sa hirap huminga..
Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.. hindi na tama lahat ng iniisip ko!
Pati sarili ko, sinasampal sa akin na may mali na naman akong magagawa..
?????