Chapter 3

1763 Words
KESHA UMUWI ako ng bahay na walang pumapansin sa akin. Sanay naman na ako kaya nag dire-diretso na ako sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng damit at kinuha ang notebook, ball pen at wallet ko na may lamang iilang piso. Pupunta ako ng pisonet sa kabilang kanto para makagawa ng research ko. Pababa na ako ng sala namin nang makita ako ni Mama. "Saan ka pupunta?" tanong nito na parang hinuhusgahan na ako. "Sa kabilang kanto po, magpipisonet po ako, may research po kami at bukas na ipapasa," tugon ko sabay yuko dahil kumunot ang noo n'ya. "Research?! Kahit naman anong gawin mo ay hindi ka naman makakakuha ng mataas na grado kaya mamaya mo na gawin iyan dahil aalis ako! Walang mag-aasikaso sa mga kapatid at tatay mo pag nag sidatingan sila," saad nito. Agad na umangat ang ulo ko para sana tumutol pero hindi ko na nagawa at yumuko na lang ulit dahil nakasinghal na agad ito sa akin. "Wag kang magreklamo! Ang dali-dali lang n'yang kurso mo! Kahit ang sumunod mong kapatid kayang sagutan iyan! Ewan ko ba naman kasi bakit tatanga-tanga ka?!" singhal nito at kinuha ung bag n'ya at mabilis na lumabas ng bahay. Nanlulumo kong binaba ang mga dala ko at naupo sa sahig ng bahay namin. Tinignan ko ang oras at nakita kong mag aala singko na din, sana naman maaga makarating sila Ate para makahabol ako bago mag sara iyong pisonet. Tumayo ako para maglinis ng bahay, magsaing at magluto ng ulam para pagdating ng mga kapatid ko ay kakain na lang sila. Mabilis kong natapos ang gawain na dapat kong gawin at hindi pa dumating sila Ate, nag handa na ako paalis dahil hanggang alas siete lang ang pisonet sa kanto. Maiintindihan naman siguro nila mama 'to dahil ginagawa ko ito para maging proud sila sa akin. Para hindi na sila mahiya na kasama ako sa mga pupuntahan na kasiyahan. Nakangiti akong umalis ng bahay namin at naglakad papunta sa destinasyon ko. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin at huminto dahil naubusan na ako ng oras, ipinaprint ko na lang ang ibang impormasyon na dapat kong aralin sa bahay. Masaya akong lumakad pauwi dahil may nagawa ako sa research ko at kampante ako lalo na ako lang mag-isa ang gumawa nito. ------------------ "WOW! May gawa ka, Kesha?" may panunuksong saad ni Joyce nang makitang may nakahanda akong papel na maipapasa sa teacher namin. "Hoy, bobo! Baka pinasagutan mo iyan sa mga kapatid mong matatalino ah! Wala kaming laban d'yan!" sigaw ng isang lalaking kaklase ko. Nakayuko lang ako at hindi nagsasalita, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko na ako ang gumawa nito pero may maniniwala ba? Eto lang naman ako. Tanga at bobo ang tingin ng lahat dahil naiiba sa mga kapatid ko. "Hey! Stop na nga kayo! Wag n'yo ngang awayin si Kesha, she's our friend," saad bi Ella sabay tingin sa akin na may ngiti sa labi. Napangiti na lang din ako dahil sa ginawa n'ya. Kaibigan pala ang tingin niya sa akin, masaya ako kung ganon! Nakangiti akong lumapit dito para magpasalamat. "Thank you, Ella!" "No problem," saad nito tapos ay kumuha ng wallet n'ya. "Pero pwede bang favor? Ibili mo naman ako ng maiinom sa canteen, I'm so thirsty na kasi," habol n'ya na hindi ko naman tinanggihan. Kinuha ko ung pera n'ya na inabot at mabilis na pumunta ng canteen. Masigla kong inabot sa kan'ya ang tubig na binili ko. Ngumiti ito ng pilit 'ska kinuha ang tubig na dala ko. Matapos kong maabot sa kan'ya iyon ay hindi na muli nila akong kinausap. Ayos lang! At least pinagtanggol nila ako kanina doon sa nang aaway sa akin. Kahit wala akong maintindihan at naiinggit ako sa mga pinag-uusapan nila ay hinayaan ko na lang at patuloy na nakinig sa kanila. Dumating ang oras na kailangan na naming ipasa ung research namin at masaya akong ipinasa iyon. "Mukhang confident ka, Kesha. Mukhang tinulungan ka ng mga kapatid mo dito sa research mo," saad ng teacher namin. "Hindi po, ako po ang gumawa ng lahat ng iyan," magalang na sagot ko. Tumaas naman ang kilay nito kaya napayuko na lang ako. Sumagot lang naman ako ng tama. Bawal na ba mag rason? "Let's see if you really answered it. Go back to your seat!" singhal nito. Bumalik na lang ako sa upuan ko na nakayuko dahil nakarinig ako ng mahinang tawa sa mga kaklase ko. Mabigat man ang pakiramdam, pilit kong pinasigla ang sarili ko. 'ayos lang iyan, Kesha! Nagawa mo nang maayos ang research mo!' Kausap ko sa sarili ko para mawala ang bigat na nararamdaman ko. Sa bahay ko na lang muli ito ilalabas katulad ng lagi kong ginagawa. Kinabukasan, tahimik akong pumasok ng room namin habang ang mga kaklase ko ay masayang nag kukwentuhan about sa ginawa nila sa birthday ng isa naming kaklase. Naririnig ko pa silang nagtatawanan dahil sa hindi magandang boses na pagkanta ng isa pa naming kasama sa room. Meron pa na nagkaroon ng inuman. Nakakainggit, sa edad kong labing walong taong gulang, bilang lang sa daliri ko kung ilan beses akong naimbitahan sa kaarawan ng kaklase, minsan naa-out of place pa ako dahil hindi naman ako makarelate sa usapan nila. Idinukdok ko na lang ang ulo ko sa lamesa ko at bahagyang hinilot ang dibdib ko sa tapat ng puso ko dahil para akong napaparalisado sa sakit na nararamdaman ko. Nakakapagod mag-isip kung bakit hindi nila ako gusto? Nawawalan na ako ng gana sa mundong kinabibilangan ko. Nawawalan na ako ng dahilan para maging masaya. "Hernandez! Top 3 sa research!" malakas na sigaw ng guro namin nang ianunsyo n'ya ang mga nakakuha ng pinakamataas na marka sa research na ginawa namin. Ang kaninang malungkot kong mukha at pakiramdam ay napalitan ng pagkatuwa at puno ng kagalakan! "Say thanks to your siblings later, I'm sure they answered some of the questions in our research," Agad na bumagsak ang balikat ko dahil sa ituran ng guro ko. 'Ako lahat ang gumawa nito! Hindi ako nagpatulong sa kanila!' Gusto kong isigaw iyon pero hindi ko magawa. Hindi naman sila maniniwala. "You're so unfair, Kesha! Nakuha mo lang iyang top 3 dahil mga kapatid mo ang sumagot n'yan! If I know napagod na silang maging bobo ka kaya naman sila na ang sumagot sa research mo para naman maipagmalaki ka nila kahit top 3 lang!" sigaw ni Ella sa akin nang makalabas na ang teacher namin. "A-ako ang gumawa ng research ko! Wala akong hininging t-tulong sa kanila!" tugon ko na halos magkanda utal-utal na. "Kung ikaw ang gumawa n'yan, paniguradong nasa lowest ka kasi tanga at bobo ka! Doon ka nararapat! Uto-uto, boba, walang kwenta at walang utak! Kaya nga hiyang-hiya kaming isama ka kasi isa kang mangmang! Kaya din miski pamilya mo, ikinahihiya ka!" sigaw nito sa akin. "Pakiramdam siguro ng mga magulang mo, ikaw na ang pinakamaling ginawa nila sa buhay nila!" kantyaw pa ni Joyce sabay tulak sa akin. "Hindi totoo yan!" tugon ko sabay punas sa luha ko at itinaas ung research ko. "Ipagmamalaki na ako nila Mama dahil nakatop 3 ako!" sigaw ko at mabilis na kinuha ung bag ko. Umalis ako ng school at hindi muna umuwi ng bahay dahil mamaya pa ang tapos ng klase ko. Paniguradong sesermonan na naman ako ni Mama pag umuwi ako ng maaga, sasabihin na naman nitong nagcutting ako. Nagpunta muna ako sa isang park at doon nagpalipas ng oras. Kinuha ko ung bag ko at inilabas ang research paper ko. "'di ba, Kesha? Sabi sa iyo kaya mo e! Aral lang talaga!" saad ko habang may ngiti sa labi. Kahit na malungkot ako dahil sa mga sinabi nila Ella sa akin. Wala akong paki-alam at least lumabas na mismo sa bibig nila na ayaw nila akong kasama. Masaya aking umuwi ng bahay nang alam kong dapat ay nandoon na ako. Sakto naman na nandoon na sila Papa at nanonood ng T.V. Umakyat muna ako sa kwarto ko at ibinaba ang gamit ko, kinuha ko ung research ko at excited na lumabas mg kwarto ko. "'Ma, 'pa," tawag ko sa kanila kaya naman kunot noo akong tinignan ni Mama, si Papa naman ay hindi ako binalingan ng tingin. Nakangiti ako at hindi pinapansin ung mga itsura nila. Masaya kasi ako! Masayang-masaya, na sa wakas maipagmamalaki din ako nila Mama. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan, Kesha? Mas nag mumukha kang tanga," saad ni Mama tapos ay tumingin ulit sa T.V. "Nakatop 3 po ako sa research namin," masiglang saad ko at pilit inalis sa isip iyong sinabi n'ya. "Oh? Ano naman?" saad ni Papa na hindi pa din ako tinitignan. "Top 3 lang? Ung kapatid mong bunso, nasa top 1 sa project nila, ung isa kakapanalo lang sa quizbee! Apat na lang kayong nag-aaral at tatlo sa inyo ay nasa top 1! Dapat ba kaming maging masaya dahil nasa top 3 ka?! Kailan ka ba magiging katulad ng mga kapatid mong laging nasa top 1! Mahiya ka naman, Kesha! Mas bata sayo ung tatlo pero nalalamangan ka!" sigaw na nito sabay bato ng remote control sa upuan at tumayo. "Nakakawalang gana! Walang dapat ipagdiwang d'yan sa top 3 mo! Wala ka pa din sa kalingkingan ng mga kapatid mo!" Mabilis itong lumakad at pumasok sa kwarto nila. Napaigtad naman ako nang isara nito ang pinto nang sobrang lakas. "Oh! Bakit galit si Papa?" tanong ni Ate nakakapasok pa lang. "Eto kasing si Kesha! Nawalan tuloy ng gana ang papa n'yo!" singhal ni Mama sabay turo sa akin. "Ano na namang kahihiyan at katangahan ang ginawa mo?" tanong ni Ate. "Masayang-masaya na s'yang nakatop 3," sagot ni mama dito dahil hindi naman ako nag sasalita at nakayuko lang habang pilit pinipilan ang hikbi ko. "Ayon lang masaya ka! Ako nga na exempted sa research dahil matatas ang grades ko. Ilan kayong gumawa? Tatlo?" pangungutya nito. "Umakyat ka na nga doon at wag magpakita kay papa! May pasalubong pa naman ako," habol n'ya. Nanghihina man, pilit ko pa ding hinakbang ang mga paa ko paakyat at papasok ng kwarto ko. Lahat ng saya at kagalakan na meron ako ay naglaho. Para silang bula na bigla na lang pumutok. Akala ko ipagmamalaki na ako, akala ko sapat na iyon dahil kahit paano ay nakatungtong ako ng top 3 pero hindi pa pala sapat. Hindi pa din sapat! Umiiyak kong pinunit ung research ko, nilamukos ko ito at hinagis sa kung saan, kinuha ko ung unan ko at doon sumigaw at muling tinanong ang sarili. Tama sila Ella, ako ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ng mga magulang ko! ?????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD