Makapangyarihang Bakya

8372 Words

“B-bakit ka umiyak?” ang tanong ni Tyler sa akin. “Wala... birthday mo kasi. Tapos ikaw pa itong nandito lang sa bahay, nagkulong, naghintay sa akin. At heto, madaling araw na, lumampas na ang petsa ng birthday mo ngunit naghintay ka pa rin sa akin.” Binitiwan niya ang isang matipid na ngiti. Niyakap niya rin ako. “Wala iyon. Ang importante ay nandito ka, sinamahan mo ako sa pagsi-celebrate. At kahit naman birthday ko o hindi basta kasama kita, masaya ako, eh. Pero syempre, special ngayon.” “Kaya nga eh. Nahihiya ako sa iyo.” “Aysus! Nahihiya pa. Huwag na nga tayong magdrama! Ampangit mo kapag umiiyak ka!” ang biro niya habang pinunasan gamit ang kanyang palad ang mga luha sa aking pisngi. Pagkatapos ay pinisil niya ang aking ilong. Nangigigil. “Pangitttt!” Napangiti na lang din ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD