“Labas!” ang utos ni Jerome nang mahuli niya kami Tyler sa shower, hubo’t-hubad at muntik nang maghalikan. Napayuko ako. Hindi makatingin sa kanya. “Kung ayaw mong lumabas, sasali ako sa inyo at tayong tatlo ang mag-shower d’yan. Pagkatapos, pipili ako kung sino sa inyong dalawa ang bubugbugin ko,” Ang dugtong niya. At dahil nagdalawang-isip akong lumabas, nagsimula siyang maghubad. Hinila niya ang dulo ng kanyang T-Shirt at pagkatapos ay ibinaba naman niya ang kanyng suot na short, kasama na ang brief. Humantad ang kanyang buong katawan. Seryoso siya sa kanyang sinabi. Dahil doon ay dali-dali akong nagbanlaw. Tamang-tama naman na nang pumasok na siya ng banyo, ako naman ay tapos na sa pagbabanlaw. Hindi na ako nakapagshampoo sa pagmamadali. “Sige kayo na lang ang magsex d’yan. Enj