Ang Mapa Ng Sri Lanka

6695 Words
Agad ko siyang nilapitan. Inalog ko ang katawan niya. Doon ko naaaninag na duguan pala siya. “Jerome! Jerommeeeee! Sagutin mo ako, tangina mo! Jeromeeeee!” ang sigaw ko. Doon na ako nahimasmasan nang umungol siya. “Tulungan niyo po ako! Tulungan niyo po ako!” ang sigaw ko nang may dumaaang mga estudyante. Ngunit dahil kilala nga si Jerome na notorious na bully, hindi palakaibigan kaya siguro dinaanan lang nila kami. Ang iba ay nakiusyoso, may nag-video pa kahit med’yo may kadiliman sa parteng iyon. Hindi ko naman din sila masisisi. Ako man ay ganoon din siguro ang gagawin dahil sa inis ko sa kanya at sa awa ko na rin sa mga estudyanteng na bully at nabugbog niya. Ngunit wala akong magawa sa pagkakataong iyon kundi ang tulungan siya. Hindi lang dahil ako ang kasama niya, ako ang ka-kuwarto nya, ngunit dahil siguro kahit sino man na may nagyaring ganyan na nangangailangan ng tulong ay dapat tulungan, regardless kung criminal siya, or r****t siya, magnanakaw… hindi importante ang issue niya sa buhay. Ang importante sa sandaling iyon ay kailangan niya ng tulong, at lalo na urgent ang kalagayan niya, maaaring between life and death. At kahit papaano din naman ay pinakitaan niya ako ng kabaitan sa araw na iyon sa pamamagitan ng paghatid at sundo sa eskuwelahan. “Dalhin kita sa ospital!” ang sambit ko. “Huwag na. Uuwi na lang tayo sa boarding house. Kaya ko ito.” Ang sagot niya habang pinilit ang sariling tumayo. Doon ko talag napansin ang tapang niya. Tila normal lang sa kanya ang nangyari. Feeling ko ay mas ako pa ang takot. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya kayang tumayo. Kitang-kita ko sa kanyang mukha na nasaktan siya habang pilit niyang igalaw ang kanyang katawan. “Dalhin na nga kita sa ospital.” Ang sabi ko. “Wala akong pera, ‘Tol. Wala akong pambayad. Sa boarding house mo na lang ako dalhin.” ang galit niyang sabi. Hindi na ako umimik. Dahil wala namang tumulong at wala ring dumaang tricycle, kinuha ko ang bisekleta, pinatayo iyon at isinandal siya sa aking tagiliran. Sa kabilang tagiliran naman ay hinawakan ko si Jerome at pilit na ipinatayo. “Magbisekleta tayo. Kaya mong sumakay?” ang tanong ko sa kanya. “K-kaya ko iyan.” Ang sagot niya. Tinulungan ko siyang makaangkas muna bago ako sumakay. Nahirapan man at namilipit sa sakit, pinilit niya ang kanyang sariling maupo sa likurang upuan. “Kapit ka sa akin upang hindi ka malaglag.” Ang utos ko nang nakaupo na siya at handa ko nang patakbuhin ang bisekleta. Kumapit naman siya. Inilingkis niya ang kanyang braso sa aking baywang. “M-may saksak ako sa may kaliwang balikat... sa bandang kilikili. Myroon din sa kanang braso nang nasangga nito ang saksak sana na sa dibdib ko tatama.” Ang sambit niya nang pinapatakbo ko na ang bisekleta. “Yan! Tapos ang sabi mo ay huwag magpa-ospital. Gago ka!” at pinagalitan ko talaga siya. Dahil sa sinabi niyang iyon ay inilihis ko ang bisekleta sa daan patungo sa ospital imbes na sa daan patungo sa boarding house. Nang napansin niyang lumihis ako ng kalsada, doon na siya nagalit, “Saan mo ba ako dadalhin? Dapat sa boardinghouse!” ang pilit niyang pagsasalita bagamat halatang nahirapan. “Tumahimik ka nga!” Hindi na siya nagsalita. Marahil ay nawalan na siya ng lakas dahil napansin kong lumuwag ang pagkapit niya sa akin. Dahil doon ay binilisan ko ang pagpadyak sa bisekleta. Hanggang nakarating kami sa ospital. Doon ko na nakita na halos mabalot ng dugo ang kanyang damit ast pantalon, at noon ko lang din naramdaman na may dugo rin ang aking kamay at basa ang aking likod. Inasikaso naman siya kaagad ng mga taga Emergency. kinuha ang mga basic na information sa akin dahil halos mawalan na nang malay si Jerome. Tinawagan ko ang aking inay. Hindi ko kasi alam ang aking gagawin. “Ma… si Jerome! Nabugbog at may saksak siya sa katawan! Nandito ako ngayon sa ospital ma!” “Oh my… Sige nak, pupuntahan kita ngayon din. Hintayin mo ako!” “Sir… kilala niyo po ba ang mga magulang o kamag-anank na nasaksak?” ang tanong sa akin ng nurse. “Hindi po Miss eh.” “Kailangan kasi niya ng dugo… dapat ay maabunuhan siya agad.” Dahil wala akong ibang maisip, “M-miss, p-puwede kaya akong mag-donate? Kung puwede ang dugo ko?” ang nasambit ko. Dali dali akong dinala sa laboratory at ineksamin ang aking dugo. Sa isip ko ay sana, pareho nga kami ng dugo ni Jerome upang hindi na siya gagastos pa sa pagbili ng dugo. Nang lumabas ang resulta, doon na ako natuwa dahil puwede raw akong magdonate ng dugo sa kanya! Agad akong kinunan ako ng dugo. Doon na rin ako naabutan na inay sa laboratory. “Kumusta ka na anak?” ang tanong ng inay na nakaupo sa gilid ng aking kama kung saan ako kinunan ng dugo. “Okay naman, ma…” “Akala ko ba ay galit ka kay Jerome.” Ang sambit ng inay. “Walang choice ma. Roommate ko siya at nagkataong ako pa ang sakay sa bisekleta niya nang binugbog siya.” “Sumakay ka sa bisekleta niya?” “Opo ma. Mali-late na kasi ako sa test ko kaya niya ako hinatid. Tapos pag-uwi ay sinundo rin niya ako.” “Mabait naman pala…” ang sambit ng inay. “Siguro nga ma. Nang binugbog na siya, prinotektahan pa talaga niya ako. Inutusan niya ako na tumakbo upang hindi madamay. Nang may humabol naman sa akin na isa sa mga bumugbog sa kanya, hinabol din niya ito at sinipa, pinaulanan ng sinuntok. Kaya hayun, siya ang napuruhan.” “Hmmm.” “Tulungan natin siya, ma. Ayaw sana niyang magpa-ospital gawa nang walang pambayad. Hindi ko rin alam kung paano ma contact ang pamilya niya eh. Nakakaawa naman.” “Okay anak. Tulungan natin siya sa mga bills niya sa ospital.” Ang sagot ng aking inay. “So… hindi ka na lilipat pa ng boarding house?” “Lilipat ako, Ma… hintayin lang natin na gumaling na si Jerome. O kung may kamag-anak siya na tutulong sa kanya, puwede na akong umalis sa boarding house.” “May kilala ka bang kamang-anak niya?” “Hindi ko alam, ma eh. Magtatanong pa ako sa mga kasama namin sa boarding house.” “Okay anak. Siguro naman kung susulpot ang mga kamag-anak niya ay matutulungan siya.” Dahil hindi namin alam ang mga kamag-anak niya, ang inay muna ang nag-shoulder sa lahat ng gastusin ni Jerome sa ospital. Mag-uumaga na nang tinungo namin ng inay ang kuwarto ni Jerome. Nakita ko ang dugo na dinonate ko sa bag na may tube patungo sa pupulsuhan ni Jerome kung saan naman ay nakaturok ang karayom sa kanyang ugat. May nakalagay ring oxygen tubes sa kanyang ilong. Nakabitin ang kanyang kanang paa na may semento dahil may bali raw ito. Naka hubad ang pang-itaas niyang katawan ngunit may bendahe ito dahil sa saksak sa kanyang balikat at braso na may bendahe rin. “Ligtas ka na.” Ang sabi ko sa kanya. “Puwede bang umalis na ako mamaya?” “Tatalong araw ka pa raw dito. Obserbahan pa nila ang kalagayan mo.” “Kahit bukas na lang?” “Sasabihin ko sa doktor.” Ang sagot ko. “Saan ba ang mga kamag-anak mo Jerome?” ang tanong ng inay. Tiningnan niya ang inay atsaka ibinaling ang kanyang paningin sa kisame. “Wala na akong mga magulang, Steff. Kung mayroon man, wala silang pakialam.” Nagkatinginan kami ng inay. Nahiwagaan sa kanyang sagot. “Anong ibig mong sabihin?” ang tanong uli ng inay. “Ah, basta wala akong mga magulang.” Ang sagot uli niya na tila ayaw pag-usapan ang tungkol sa kanyang mga magulang. “Ah okay...” ang sagot na lang ng aking inay. “Wala ka rin bang kapatid?” ang dugtong niyang tanong. “Huwag na natin silang pag-usapan, Steff. Ayoko ng drama.” Ang sagot niya uli habang binitiwan ang isang pilit na ngiti. “Okay, it’s up to you, Jerome. I’ll respect that kung ayaw mong sabihin.” “Pasensya ka na pala doon sa inasta ko sa pag-invite mo sa akin.” Ang sambit niya sabay tingin sa akin, pahiwatig sa kanyang pang-aasar sa akin sa tagpo na iyon. “Kay July ka manghingi ng sorry, Jerome. Siya ang nasaktan mo.” Tiningnan ako ni Jerome. Tiningnan ko rin siya, iyong halatang may inis. “Galit iyan sa akin eh.” “Hindi iyan galit. Siya nga ang nagdala sa iyo rito, di ba? At iyang dugo na inabuno sa iyo” turo niya sa bag ng dugo na nakalambitin sa gilid ng kama niya. “Sa kanya iyan…” Ang sambit ng inay. Napatingin si Jerome sa dugo ng bag. Pagkatapos ay ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin, binitiwan ang isang matipid na ngiti. “Sorry…” ang sambit niya. Ewan. Ngunit sa pagkarinig ko sa sorry niyang iyon ay tila lumutang ako sa ulap. Iyong may halong kilig na sobrang saya. Alam kong sa nature ni Jerome, wala sa bokabularyo niya ang salitang sorry. Para sa kanya ay isang weakling ang taong nagso-sorry. Ngunit binanggit niya ito sa akin. Hindi ko sinagot ang sorry niya. Hindi naman sa hindi ko tinanggap iyon. Ngunit parang may nag-udyok sa akin na huwag ipakita sa kanya na kuntento na ako sa sorry niya. “May galit pa talaga sa akin, Steff.” Ang sambit niya sa aking inay. “At ano naman ang gusto mong isagot ko? ‘Thank you, come again’ ganoon? Tapos, pagbalik mo sa boarding house, ganoon na naman ang ugali mo!” ang mataray kong sagot. Napangiti naman ang aking ina. Iyong ngiti na pilit itinatago. “Bat’t ka napangiti, Ma?” ang inis kong tanong. “Naala ko lang ang Tito mo, ang kuya ko. Parang ganyan din kami. Nag-aaway, nag-aasaran...” “Hay naku Ma... hindi mo lang alam.” Ang sambit ko na lang. “O sya, sya... huwag na tayong mag-argumento. Aalis muna ako upang makapaligo at papasok na sa work.” Sumabay ako sa aking inay sa pag-uwi. May pasok pa kasi ako. Idinaan niya ako sa boarding house. Alas 6 ng gabi nang matapos ang klase ko. Dinaanan ako ng aking inay at dumeretso kami patungo sa ospital. Nang mapansin ko ang mga prutas sa likurang upuan ng sasakyan, biniro ko siya. “Ang caring-caring mo naman!” “Syempre, may karamdaman ang best friend mo.” Ang sagot din niyang biro. “Ma!!! Ayoko ng ganyang biro ah! Hindi ko iyan puwedeng maging kaibigan.” Ang inis ko namang sagot. “Ok, fine. Sasabihin na lang natin na dinalhan natin ng prutas ang kaaway mo.” Ang sarcastic ding sagot ng inay sabay tawa. Nakitawa na rin ako. Nang may naalala ako. “Hindi ba kailangan niya ng mga personal na gamit sa ospital ma?” “Ah oo nga pala. Baka kailangan niya ng tooth brush, tooth paste, shorts, brief. Kahit wala na siguro ang T-shirt at may damit naman uniporme ang mga pasyente.” Ang sagot ng inay. “Okay. Bili na lang tayo ng tooth brush at tooth paste doon sa drugstore sa harap ng ospital. Iyong short at brief naman, baka need din niya ng T-shirt, daanan ko na lang sa boarding house.” Ang sagot ko Kaya iyon ang ginawa namin. HInalungkat ko ang cabinet ni Jerome. Sobrang kalat ng mga gamit niya. Naghalo ang malinis at gamit na niyang mga damit at gamit. Kaya upang malaman ko kung bagong laba o kaya ay gamit na, inamoy ko talaga. Madali akong nakahanap ng bagong-labang t-shirt at shorts. Pero ang brief ay nagsawa talaga ako sa ka-aamoy. Di ko kasi malaman kung alin ang gamit na o hindi pa. Iyong iba, ay amoy singit at panis na polbos. Iyong iba naman ay parang may parteng inalmerol na may halong amoy panis na chlorox, iyong iba naman ay may bakat ng tila mapa ng Sri Lanka sa harapang bahagi ng brief. Mayroon ding may amoy NH3. Naghahanap nga rin ako kung mayroon siya noong may bakat at amoy ng durian eh. Ngunit in fairnees, wala pa siya noon. Pero nag-enjoy naman ako sa kaka-amoy sa kanyang brief. Sa totoo lang, tinigasan ako doon. Na-imagine ko lang iyong bakat ng harapan niya habang natutulog siya tapos hayun, inamoy-amoy ko na ang brief niya. Pero dahil galit ako sa kanya, nag-aalburoto pa rin ang isip ko. Parang may sumisigaw sa utak ko ng, “Galit ka sa mga bakla ha! Binubugbog mo sila??? Sige gaganti ako sa pamamagitan ng pag-aamoy ng mga brief mo! Tangina mo! Wala ka nang maipagmamalaki pa! Kilala ko na ang baho mo!” Parang ganoon. Sa pag-aamoy lang ng brief niya naipalabas ko ang aking galit sa kahayupan niya. Siguro ay masasabi kong achievement na iyon. Nagawa kong ipaghiganti at ipaglaban ang dangal ng mga bakla. Isa akong bayani. Puwede na akong gawan ng rebolto na itabi sa mga rebolto nina Lapu-lapu at Andres Bonifacio. May hawak silang itak samantalang ako ay may hawak na brief. Pagbalik ko sa kotse ay dala-dala ko na ang mga personal na gamit ni Jerome. “Uy... parang masaya ka ah! Nakangiti pa!” ang sambit ng aking inay. “Fresh na fresh ang feeling.” Ang sagot ko. “Bakit ano ba ang nasinghot mo?” Napatingin naman ako sa aking inay. Iyong tingin na pahiwatig na kumukontra sa kanyang sinabi. At sinagot ko na lang siya ng, “Secret!” Siguro ay totoo nga ang sinasabi nilang sadyang matindi ang pang-amoy ng mga ina. Nang dumating kami sa kuwarto ni Jerome, wala nang nakakabit sa kanya. Normal na siyang nakahiga. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang ibayong tuwa. Bagamat hindi siya nagsasalita, ramdam ko iyon sa kanyang pagtitig sa akin. “May dala kaming prutas Jerome.”ang sambit ng inay. “Binili ng mama iyan.” Ang pagsingit ko. “At may dala rin kaming mga personal mong gamit, si July ang kumuha niyan mula sa iyong cabinet.” “Sa utos ng mama ko iyan.” Ang pagsingit ko uli. Napatingin naman sa akin ang aking inay. Iyong tingin na nagtataka. “Di ba ikaw ang nagsuggest na magdala tayo ng personal na gamit niya?” ang sambit niya. “Nabasa ko lang iyon sa isip mo, Ma. Kaya ako na ang nagsabi para sa iyo.” Ang sagot ko. Napangiti na lang ang inay na napailing. Napangiti rin si Jerome. “Nakakahiya naman sa inyo.” Ang sabi niya. “Talagang nakakahiya.” ang sambit ko. Gusto ko pa sanang dugtungan ng, “Bistado na kaya kita. Naamoy ko na ang lahat ng baho mo! At alam ko na ngayon na hawak mo ang lihim na mapa ng Sri Lanka! Wala ka nang maipagmamalaki pa!” Ngunit sa isip ko na lang iyon. Nang nakita ng inay na pinilit ni Jerome na i-angat ang pang-itaas nyang katawan, agad na lumapit ang inay at tinulungan siya. Hinawakan ng inay ang kanyang dibdib, halos iangat na lang si Jerome. May inggit naman akong nadarama. Nang nakaupo na si Jerome nang maayos, dinala ng inay ang prutas niya atsaka Pinakain si Jerome. Sinubuan niya ng ubas at kinagat naman niya. Ngunit kunwari ay wala lang sa akin iyon. Dinampot ko ang magazine na nasa sofa at kunyari ay nagbabasa ako samantalang paminsan-minsang sinusulyapan sila. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” “Ayos na ako, Steff. Kaya ko na ang katawan ko.” “Mabuti naman. Ano ba talaga ang nangyari?” “Naunahan lang ako. Binanatan ba naman ako ng dos por dos sa ulo kaya doon ako nanghina. Pero kahit papaano, may mga baling buto rin ang dalawa roon. Nadale ko ang dos por dos at iyon ang hinataw ko sa dalawa. Kaya nagsi-atrasan din sila. Kung hindi lang ako nasaksak ng mga iyon, kaya ko sila.” “Sana naman Jerome ay huwag mo nang tahakin iyang magulong buhay...” ang sambit ng inay. “Steff, simula pa lang noong bata pa ako, magulo na ang buhay ko. Sanay na ako. Maswerte nga’t kahit papaano ay nag-aaral ako. Ngunit baka mahinto rin ako. Ewan kung matatapos ko pa itong semester na ito.” Doon ako naantig sa sinabi niyang iyon. Parang may malalim siyang pinaghugutan sa buhay. At iyong hindi na makapag-aral, mistulang may kumurot sa aking puso. “Ah... bakit ka mahinto sa pag-aaral?” “Isa, itong nangyari sa akin.” “Pangalawa?” “Pangalawa... ito pa ring nangyari sa akin.” Sabay tawa. “Huwag mo ngang idaan sa biro ang kalagayan, mo Jerome.” “Bata, okay lang ako, Steff. Salamat sa concern. Pipilitin ko pa ring makapag-aral syempre.” Tahimik. “Oo nga pala, pinayagan na akong makalabas ng ospital bukas. Hindi naman malubha ang sugat ko sa balikat at sa braso, at ang bali ko sa paa ay puwede namang sa bahay na magpagaling. Pati itong sugat ko sa ulo, gawa ng pagpalo nila ng dos-por-dos ay balat lang naman daw ang napinsala kaya wala ito. Literal na matigas talaga ang ulo ko.” Ang sambit niya sabay tawa. “Ah ganoon ba? Mas mabuti. Bukas ay daanan ka uli namin dito at ihahatid ko kayo sa boarding house ninyo. May wheel chair naman ang kasama ko sa trabaho na hindi ginagamit, hihiramin ko iyon para magamit mo.” Ang sambit ng inay. “Hindi na yata kailangan, Steff. Kaya ko na atang maglakad.” “Kayang maglakad eh, may semento ka sa paa!” “Kaya ko iyan...” ang sambit niya. Paalis na kami nang, “Kung dito ka na lang kaya, July para may bantay si Jerome sa buong gabi.” Napatingin naman ako sa aking inay. “Kaya niya iyan, Nay.” Ang sagot ko. “Huwag na, Steff. Nakakahiya kay July.” Ang sambit ni Jerome. Ngunit nang tiningnan ko siya, tila iba ang mensaheng ipinaabot ng kanyang titig sa akin. Mistulang nagmamakaawa. Kaya “Sige na nga!” ang sambit kong nagmamaktol. Kaya nagpaiwan ako. Nang kami na lang dalawa ang nasa loob ng kuwarto, wala kaming imikan. Nakahiga siya sa kama at ako naman ay naupo sa sofa, kunyari ay nanuod ng TV bagamat hindi pumapasok sa isip ko ang aking pinapanuod. Sabagay, ganyan din kami sa kuwarto, walang imikan. Kapag nagkausap naman kami, murahan, bangayan. Paano, hindi ko pa rin malimutan iyong pagnakaw niya sa motorsiklo ko. Maya-maya ay nagsalita rin siya. “Salamat sa pagtulong mo sa akin.” Na sinupalpal ko naman ng, “Sa inay ka magpasalamat. Siya ang nagbayad ng bills mo sa ospital.” “Iyong pagdala mo sa akin dito.” “Hindi ko ginawa nang dahil sa iyo. Ginawa ko iyon dahil ayaw kong mamatay ka na ako ang kasama mo. Takot akong makasuhan, baka ako pa ang mapagbentangan na nakapatay sa iyo.” “Iyong dugo mo na inabuno sa akin.” “Hindi thank you, iyon, tanga! Idagdag mo iyon sa bayad mo sa motorsiklo ko na ninakaw mo!” Napangiti siya. “Galit ka pa ba talaga sa akin?” “Ano sa palagay mo? Ang motorsiklo ko ninakaw mo. Nasaan ang sinabi mong babayaran mo ako? Wala ka ngang pera eh! At iyong pangha-harass mo sa akin sa kuwarto? Iyong pambabatok mo sa akin? Iyong pamba-blackmail mo sa akin... na sasabihin mo ang lihim ko kapag hindi ako sumunod sa iuutos mo. Malilimutan ko ba ang mga iyon? Kung puwede nga lang ay babaliin ko pa yang isa mong paa eh.” Ang sabi ko. Ewan ko rin ba. Hindiko rin maintindihan ang sarili ko. Sa loob-loob ko ay may awa akong nadarama sa kalagayan niya ngunit sa ipinakita niyang kayabangan ba, o sadyang ganyan lang talaga ang mga matatapang o siga na lalaki, hindi nagpapakita ng kahinaan, kaya inis na inis pa rin ako sa kanya. “Ahh. Shittt!” ang narinig kong daing niya. Pinilit pala niyang bumalikwas at tumayo. “Saan ka ba pupunta?” ang tanong ko. “Naiihi ako.” Ang sagot niya. Dahil hindi ko rin natiis sa nakitang nahirapan siyang maglakad patungo sa banyo, agad ko siyang inalalayan. Nang nasa loob na siya ng banyo, walang kiyemeng hinila niya pataas ang kanyang damit pang-pasyente dahil mahaba ito at inipit sa kanyang baba. Tapos ay hinawi naman ng kanyang kamay ang kanyang brief upang lumabas ang kanyang ari. Ako na ang nagkusang tumalikod. Ganyan naman talaga ang mga lalaki. Kapag kapwa lalaki ang kasama, bale-wala lang kung makita ng kasama ang kanilang ari. Nang matapos na siyang umihi abot-tainga ang kanyang ngiti na tila may nagawang kabulastugan. “Bat ka nakangiti?” ang tanong ko “Wala... naihian ko ang damit ko, pati na ang brief!” ang sagot niyang tumatawa. Marahil ay dahil nahirapan siyang igalaw ang kanyang isang kamay, dagdagan pa sa kanyang paang may semento kung kaya ay nagkaletse-letse ang kanyang pag-ihi. “Eww.” Paika-ikang bumalik siya sa kanyang higaan at pinindot iyong switch na pantawag ng nurse. Nang pumasok ang nurse, doon siya binigyan ng bagong damit. Nang nakaalis na ang nurse, walang kiyeme pa ring hinubad niya ang kanyang damit pampasyente. Kahit hirap na hirap siya sa pagtanggal noon. Pati na ang kanyang brief. At itinapon pa talaga niya ang brief niya sa mukha ko. “Salbahe ka!” ang sambit ko. Ang hindi lang niya alam ay nasinghot ko na ang iba’t-ibang klaseng amoy ng kanyang maruruming brief. Tumawa lang siya. “Hindi ka ba nahihiyang maghubad sa harap ko?” “Bakit ako mahihiya? Nakita mo na ang p*********i ko noong unang araw mo pa lang sa kuwarto natin, ‘di ba? Anong ikahihiya ko? Atsaka ikaw, kung gusto mong maghubad, puwede ka namang maghubad ah! Wala naman akong pakialam kung may bayag ka o wala.” Hindi ko na pinatulan pa ang kanyang sinabi. Nang nakita kong magbihis na sana siya, doon na ako nagkumento. “Magbihis ka na hindi man lang naligo?” Bawal mabasa itong semento sa paa ko at mga sugat ko, kaya hindi ako puwedeng maligo. Puwede sanang kahit punas na lang sa katawan. Kaso wala namang puwedeng pupunas sa katawan ko.” Ang pagpaparinig pa niya. “E di, may isang tao naman siguro rito sa kuwarto na ito na kung pakisuyuan lang ng maayos ay baka papayag naman. Ba’t hindi ka makisuyo sa kanya?” ang sarkastiko kong sabi. “Ah, talaga? Papayag kaya siya?” “E di, subukan mo, tanga! Malay natin.” “Nasaan pala siya?” “Gago! Makaalis na nga rito! Mabuti pang sa labas na muna ako para may makausap namang matino.” Ang pagmamaktol ko. “Huwag ka nang lumabas, bakla. Punasan mo muna ang katawan ko.” Doon na lumaki ang aking mga mata sa sinabi niyang salitang “bakla”. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay iyong tawagin akong bakla. Nilapitan ko siya. “Anong sabi mo? Ulitin mo nga? Mag-ingat ka sa pinagsasabi mo, Jerome. Tandaan mo, tayong dalawa lang nang nandito sa kuwarto na ito. At sa kalagayan mong iyan ay wala kang kalaban-laban kung ano ang gagawin ko sa iyo. Puwede kong baliin iang kabila mong paa o kahit iyang isa mong kamay ay puwede kong hamablusin iyan. Nakita mo iyang flat TV? Lalanding iyan sa mukha mo kapag hindi ka umayos!” Ang pananakot ko. Napangiti siya. “Ang harsh mo naman. Nakakatakot! Mas nakakatakot pa kaysa anim na lalaking nakasagupaan ko.” Ang sarkastiko niyang sabi. “Ang sabi ko lang naman ay punasan mo ang katawan ko.” Dugtong niya. “Kung ganoon, huwag kang feeling amo at basta na lang utusan ako.” “Paano ko ba sasabihin?” “Ano ba ang sasabihin mo kapag nakikisuyo ka sa akin?” “Punasan mo ang katawan ko, bakla.” Doon ko na siya binatukan at pinaghahampas ang kanyang sinementong paa bagamat hindi ko naman nilakasan. “Bakla pala ha bakla pala! Tangina mo! Kahit ganyan na ang kalagayan mo, wala ka pa ring ipinagbago? Salbahe ka pa rin? Ulitin mo! Ulitin mo!” At inulit nga niya. “Punasan mo ang katawan ko, bakla.” “Hindi iyan, putangina! Ginalit mo talaga ako ah!!!” “Ano ba dapat?” “Lagyan mo ng please!!!” ang sigaw ko. “Punasan mo ang katawan ko, bakla. Please...” Napatitig na lang ako sa kanya. Sa isip ko ay hopeless talagang kausap ang isang salbahe. “Ewan ko sa iyo, Jerome.” Ang sambit kong nagdadabog, tinumbok ang banyo. Naglagay ako ng tubig na mainit sa maliit na palanggana. Sinadya kong purong mainit na tubig ilalagay. Nang nasa kalahati na ng palanggana ang tubig, dinala ko ito sa kama ni Jerome. May labakara din naman akong dala, iyon ang ginamit ko. “Purong mainit na tubig ito kaya huwag kang magmatigas d’yan kung ayaw mong malapnos ang balat mo!” “Opo bakla.” “Jerome! Hindi ka ba titigil sa katatawag sa akin ng bakla?” “Tayong dalawa lang naman, dito, di ba? Sikreto natin iyan, bakla.” “At paano kung masanay ka at magkamali iyang bibig mo” at tinampal ko talaga ang kanyang bibig “...at sa harap pa ng aking inay ikaw magkamali, aber?” “Tangina ang sakit noon ah!” “Paano nga kung magkamali ka?” “Ako na ang bahala roon! Pati ang sikreto mo na super crush mo ako, sikreto rin natin iyon. Magkunwari na lang ako na hindi alam para hindi ka naman mahihiya sa akin. Promise di ko talaga alam na bakla ka!” Ang sarkastikong sagot naman niya na binitiwan pa ang nakakalokong ngiti na may pakindat-kindat pa, iyong kindat na nang-aakit. In fairness, ang guwapo talaga ng mokong sa ginawa niyang pagpapa-cute. Lalo na sa kanyang binitiwang ngiti. Tila iyon ang kanyang ultimate na pamatay talaga! Ang sandata niya upang madisarmahan ang sino mang taong gusto niyang mabighani. Iyon pa lang yata ang pangalawa o pangatlong pagkakataong nakita ko siyang ngumiti. Ganoon kadalang siyang ngumiti, ngunit kapag ngumit naman ay tila mawawala ka sa sarili, mistulang maaalipin ka sa kanyang kapangyarihan. Sulit. At bagamat normal lang na pagpapa-cute niya, walang ka effort-effort, talagang litaw ang kapogian niya. Napatitig ako sandali sa kanya. Nabighani. At... “Gago! Hindi na kita crush no! At wala akong crush na kawatan ng motorsiklo!” ang sagot ko namang pagdadabog sabay dampi sa mainit na labakara sa ibabaw ng kanyang tiyan, na dahil sa sobrang init ay nabitawan ko at dumikit sa ibabaw ng kanyang tiyan. Napaigting naman siya at nataranata. At sa kanyang pagkataranta ay simbilis ng kidlat na dinampot niya ang labakara sa kanyang tiyan at itinapon ito sa sahig. “Tangina ang initttt!!!” ang sigaw niya. Dali-dali akong tumayo at naupo sa sofa na hindi magkamayaw sa sobrang pagtatawa dahil sa bilis niyang gumalaw na akala mo ay hindi nabalian at nasaksak. Hanggang sa napaluha ako sa katatawa. “Parang hindi ka baldado sa bilis ng pagdampot at pagtapon mo sa labakara ah!” ang biro ko habang patuloy pa rin siyang pinagtatawanan. “Bakla, kapag ako naman ang naka-isa sa iyo... humanda ka.” Ang pagbabanta niyang tumawa rin. “Iyan ang sinabi ko sa iyo. Mag-ingat ka dahil tayong dalawa lang dito at kahit ano ang gagawin ko sa iyong baldado ka, wala kang magagawa.” Ang sambit ko habang tumatawa pa rin. Natahimik na lang siya. Nakangiting tinitigan ako habang tumatawa. Ewan kung ano ang nasa isip niya. Na-kyutan ba siya sa pagtatawa ko, o gusto lang niyang manahimik. “Talagang sinadya mong magpatawa upang mapansin ko iyang braces sa ngipin ano?” Ang paglihis niya sa topic. Bigla akong nahinto sa pagtatawa. May braces kasi ako dahil iyong dalawang tulis na ngipin ko ay umusli sa linya. “Kahit hindi ako pumapatol sa bakla, naku-kyutan ako sa braces mo. Braces mo ha, hindi iyang pagmumukha mo.” Ang dugtong niya. “Ulol! Dati na akong cute. Kung alam mo lang, may mga secret admirer din ako.” Ang sabi ko. Totoo naman din na may mga secret admirers ako. Marami ring nagka-crush sa akin. Sa katunayan, halos limang libo na ang listahan ng friends ko sa sss at may mahigit limang libo pang nakapending na friend requests. “Mga babae?” ang tanong niya. “Alangan namang mga lalaki. Nagka-crush ba ang lalaki sa kapwa lalaki?” ang pabalang kong sagot. “Mayroon! Iyong lalaking katulad mo.” Bahagyang nahinto siya. “Kawawang mga babae.” Hindi ko na siya sinagot. Mistulang hinataw ang aking ulo ng matigas na bagay sa sinabi niya at bigla akong natauhan. Naisip ko kasi ang sinabi niyang kawawang mga babae na nagka-crush sa akin. Parang ako lang din, kawawa. Isang bakla na nagkaroon ng crush sa isang lalaki, na hindi lang bully at salbahe, imposible pang pumatol sa isang katulad ko. Tila may gumapang na lungkot sa aking sistema sa sinabi niyang iyon. Tahimik na pinulot ko ang labakara na nasa sahig at nilabhan iyon sa banyo. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama niya. Hindi na mainit ang tubig. Tama lang ito. Kaya itinuloy ko na ang pagpunas sa katawan niya. Habang pinupunasan ay kinakausap ko siya. “Kapag magaling ka na, aalis na ako sa boarding house at lilipat na ako. May dating ka batch ako sa high school na sa schoolmate din natin, sa Education department naman siya. May isang bakante raw sa boarding house nila, puwede ako roon.” Ang seryoso kong sabi. “Iiwanan mo na ako?” “Oo. Di ba iyan naman palagi ang target mo? Ang takutin at i-bully ang roommate mo upang umalis? At least sa akin, hindi masisira ang record mo na walang tumatagal na roommate. Ikaw pa rin ang nag-iisang siga sa boarding house na iyan. Isa ka pa ring alamat sa pagpapalayas ng ka roommate” Hindi niya pinatulan ang sinabi ko. Nanatili siyang tahimik. “Wala ka ba talagang mga magulang? O kapatid na mag-aalaga sa iyo?” ang tanong ko. Gusto ko pa sanang sabihin na mas maaga akong aalis kapag may mag-aalaga sana sa kanya. “Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?” ang sagot niya. “Parang hindi naman totoo.” “Nasa iyo iyan kung ayaw mong maniwala. Atsaka okay lang naman kung walang mag-aalaga sa akin. Hindi mo obligasyon iyan, at wala kang obligasyon kahit na katiting sa akin. Kahit may mangyari pa sa akin ay hindi mo ako sagutin. Sino ba ako sa iyo? Ano ba kita? Di ba?” Ang seryoso niyang sabi. Medyo natameme ako sa sinabi niyang iyon. Nahinto ako sa aking pagpunas sa kanyang katawan. Ang tanong niyang iyon ay mistulang isang sibat na tumusok sa aking puso. Tama nga naman siya. Wala akong obligasyon na alagaan siya. Wala kaming relasyon. Maliban sa ninakaw niyang motorsiklo ko, hindi na dapat ako nag-abala pa ng panahon, pagsisikap, pera, at kahit dugo ko sa kanya. Tila bull’s eye na natumbok niya ang pinakasentro ng mga katanungan kung bakit binibigyang halaga ko siya, kung bakit nanatili ako sa poder niya sa kabila ng kanyang pagkasalbahe, sa kabila ng hindi ko siya kadugo o kapamilya. Napabuntong-hininga na lang ako. “Bakit nga ba? Dahil ba crush ko siya? Iyon lang ba ang dahilan?” ang tanong ko sa sarili. Hindi ko na sinagot ang tanong niyang iyon. Pansamantalang itinabi ko ito sa aking isip bagamat nag-iwan ito ng malalim na marka. Itinuloy ko ang pagpunas sa kanyang dibdib, patungo sa kanyang tiyan. Nang nasa may bandang gitnang katawan na ako itutuloy ko pa sana ito sa may singit niya ngunit biglang hinawakan niya ang aking kamay kaya nahinto ang aking pagpunas. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. Nagtitigan kami. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Bigla kong hinablot ang aking kamay. “Tangina! Ang arte-arte! Huwag kang mag-alala, hindi ko pagsamantalahan iyang ari mo! At wala pa akong karanasan sa s*x, lalo na sa kapwa lalaki. At kung gusto ko mang makipagsex, siguraduhin kong gusto rin ako ng lalaki! Hindi ako manyak. Hindi ako r****t! Hindi ako mapagsamantala!” Hindi siya sumagot. Binitiwan niya ang aking kamay kaya itinuloy ko ang pagpunas sa kanyang singit. At syempre, dahil wala naman talaga akong masamang intensyon, pati ang ari niya at hinawakan ko at pinunasan ang kabuuan noon. Hindi naman siya tumutol. Hanggang pinunasan ko na rin ang kanyang bayag, ang kanyang singit patungo ng kanyang tumbong. Sa totoo lang, nag-init ang aking katawan sa ginawa kong iyon. Iyon ang pinakaunang karanasan ko na makahawak ng ari ng lalaki. Iyon ang pinakaunang karanasan ko na sa harap ko ay nakatihaya ang aking crush, ipinagkatiwala sa akin ang kanyang sandata. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakaranas ng s*x. Sa nakita ko sa ang ari niya, nahawakan pa, kulang na lang na paglaruan ko ito sa aking mga kamay o isubo sa aking bibig. Ngunit syempre, sa sinabi ko na, hindi ako mapagsamantala at ayaw ko rin iyong pilit na pakikipagtalik. Nanggigigil at nasasabik man ako, nanaig pa rin ang hiya kung ipagpilitan ko ang aking sarili. Nanaig ang takot na baka pagkatapos ko siyang pagsamantalahan ay ipagkakalat niya na ginamit ko siya, at bababa ang pagtingin niya sa akin at alipustain niya ako. Tama nang alam niya na crush ko siya. Hindi ako bababa pa sa level na ako na mismo ang bumalahura sa pagkatao at reputasyon ko. Iyon lang ang maipagmamalaki ko. Nang matapos ko na siyang punasan kinuha ko ang brief na dinala ko para sa kanya. Doon na siya nagreact. “Parang wala yata akong natatandaang brief na ganyan...” ang sambit niya. “Talagang wala dahil brief ko to!” ang sagot ko naman. “Pinapasuot mo ako ng brief mo?” “At ano ang ipapasuot ko sa iyo? Iyong mga brief mo na butas-butas? Iyong mapanghi? Amoy ewan? Puro marurumi?” “Inamoy mo ang mga brief ko?” “Jerome, kahit hindi ko pa amuyin ang brief mo, kahit nasa labas pa ng kuwarto ang tao, amoy na amoy na ang mabaho mong brief na nakatambak sa labahan mo!” ang mataray kong sagot. “Huwag ka nang mag-inarte. Limang beses ko pa atang nagamit iyang brief na iyan. Bagong laba iyan.” Ang dugtong ko habang sinimulan ko na itong isukbit sa kanyang paa. “Magpasalamat ka pa nga na kahit papaano ay may maisuot ka!” “Wala kang buni?” Tinampal ko ang bibig niya. “Kung may buni man sa ating dalawa, ikaw iyon dahil sa dumi ng mga gamit mo!” Wala na siyang nagawa pa kundi ang isuot ang aking brief. Iyon ang eksena namin sa ospital. Okrayan, bangayan, barahan, patutsadahan, at mayroon ding seryosohan at prangkahang usapan. Ngunit kahit ganyan kami, hindi ko maipagkaila sa sarili na iyon ang isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Kahit pagod ako at walang tulog, parang napakataas na aking energy. Ewan. Galit ako sa kanya ngunit may kakaiba akong naramdaman sa kaloob-looban ng aking puso. Kinabukasan ay sinundo kami ng aking inay. Dahil wala namang pasok kung kaya ay hindi kami nagmadali. Ang inay naman ay may dadaluhan daw na meeting kaya hindi rin siya nagtagal. Nang nasa loob na kami ng aming kuwarto. “Dahil baldado ka na, gusto kong ang rules ko ang masusunod sa kuwartong ito habang nandito pa ako.” Ang sambit ko habang nakahiga siya sa kanyang kama. “Aba... exciting ito.” Ang sarkastikong sagot niya. “Una, ako ang masusunod sa mga channel ng TV. Ako ang hahawak ng remote. Pangalawa, dahil baldado ka nga, papayagan kitang manigarilyo sa loob ng kuwarto ngunit kapag hindi ka na baldado, kung gusto mo talagang manigarilyo, sa labas. O mas maigi ay huwag nang maninigarilyo. Pangatlo, dapat ay walang kalat sa kuwarto na ito. Dapat ang lahat ay nasa basurahan. Dapat ay malinis ang sahig at lahat ng gamit. Kung may lumabag sa rule na ito, babalian ko ng buto sa binti o di kaya ay sasaksakin ko sa braso o sa balikat....” Natawa siya dahil iyon ang mga natamong pinsala niya. “Pang-apat, ang mga labahan ay dapat labhan kaagad. Hindi iyong ipinaghalo ang marumi sa malinis. Kapag may naamoy akong brief na mabaho, isasabit ko iyan sa labas ng pinto ng kuwarto na ito, at tatakan ko ng pangalan ng may-ari ng brief.” Tumawa uli siya. Alam niyang siya ang pinatatamaan ko sa lahat ng rules na iyon. “Approved ba ang rule na ito sa iyo, Dado?” “Dado ka d’yan. Anong Dado?” “Short for baldado. Dado!” Natawa siya. “Okay. Approved sa akin iyan, bakla!” Tawanan kaming dalawa. Ngunit may pahabol siya. “Kapag gumaling na ako, rules ko naman ang masusunod.” “Yes, dahil kapag gumaling ka na. Bago na ang ka-kuwarto mo at siguradong takot iyon sa iyo.” Ang sagot ko rin. Natahimik siya sa pagkarinig niya sa sinabi kong iyon. Tila may lungkot sa kanyang mga mata. Ngunit hindi ko na ito binigyang pansin. Sumunod naman siya sa rule. Ngunit sa akin pa rin ang bagsak ng marami. Dahil baldado nga siya, ako ang naglilinis ng kuwarto, ako ang naglalaba ng aming mga damit, pati ang mga brief niyang halos inaamag na. Ako ang nag-aalaga sa kanya, nagdadala ng pagkain sa kuwarto para sa kanya na halos ay susubuan ko na lang, ako ang taga-bili ng kung anong gusto niyang ipapabili, ako ang taga-paligo sa kanya. Ako ang alila. Pero sa kabuuan, happy pa rin ako. Akin ang lahat nang gawain ngunit unlimited ang motivation. Palagi kaming nag-aalaskahan ngunit sobrang inspired. Isang araw ay may kumatok sa pinto ng aming kuwarto. Nang binuksan ko ay nakita ko ang lalaki na nasa 30 ang edad. May hitsura, maganda ang pangangatawan. Kasing tangkad ni Jerome. Makinis ang kutis, magarang manamit, at mamahalin ang kanyang mga suot na gamit. Sa tingin ko ay anak-mayaman siya o galing sa isang mayamang angkan. “Sino po ang kailangan nila?” ang tanong ko. “Nariyan ba si Jerome?” ang tanong niya. “N-nandito po.” Ang sagot ko. At baling kay Jerome na kasalukuyang nanunood ng TV, “Jerome! May bisita ka!” “Itanong mo ang pangalan. Kung siya si Allan ay huwag mong papasukin. Itanong mo kung ano ang pakay.” “K-kayo po ba si Allan?” Tumango ang lalaki. Agad akong lumabas at isinara ang pinto. “Ang sabi ni Jerome ay itatanong ko na lang daw sa iyo kung ano ang pakay ninyo.” Ang sambit ko. Kitang-kita ko sa mukha ng lalaki ang pagkadismaya. “Tsk! Tsk! Lintek na buhay ito, o...” ang narinig kong pagmamaktol ng lalaki. Agad niyang tinungo ang pinto at kinatok ito nang kinatok. “Jerome! Tol! Papasukin mo ako! Kausapin mo ako! Gusto kang makausap ni Dad!” “Wag niyo akong gamabalain Tangina ninyooooooo! Wala akong pakialam sa inyoooo!” ang sigaw ni Jerome sa loob ng kuarto. Ako mang ay nagulat sa inastang iyon ni Jerome. “S-sir, kung maaari ay bumalik na lang po kayo sa ibang araw. O puede ring kung may mensahe kayo sa kanya, ako na lang ang magsasabi kay Jerome.” Ang sambit ko. May hinugot siyang sulat mula sa kanyang bulsa. “Pakibigay na lang ito kay Jerome” ang sabi niya. Pagkatanggap ko ng sulat ay dali-dali ring umalis ang tao. Agad kong ibinigay kay Jerome ang sulat. Binuksan niya ang envelope at binasa iyon. Pagkatapos niyang mabasa, galit na nagalit na nilamukos niya ang sulat at itinapon sa basurahan. “PUTANGINA NILAAAAAAAA!!!” Ang galit na galit na sigaw ni Jerome. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD