Sobrang pagkagulat ko sa pagsisigaw ni Jerome na iyon. Bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. Bagamat naka-sling ang kanang braso niya, sinutok-suntok ng kaliwang kamay niya ang dingding na semento. Nilapitan ko siya. “Bakit? Anong nangyari?” ang tanong ko. Ngunit hindi siya sumagot. Huminto siya sa pagsusuntok sa dingding at hindi na umimik. Halatang tinimpi niya ang kanyang nararamdaman. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin. Hinayaan ko na lang siya. Halatang tuliro ang kanyang utak at ang kanyang tingin ay mistulang tumatagos sa dingding ng kuwarto. Nang magtanghalian na, tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang kainin. Sabado kasi iyon kaya wala kaming pasok. “Wala akong gana.” Ang sagot niya. “Gusto mo sa labas tayo kakain?” “Kakargahin mo ako?” “May wheel chair naman