Asawang Hibang

7958 Words

May kalakasan ang hangin habang naupo kaming dalawa ni Jerome sa malaking bato sa may sea wall. Low tide kasi sa gabing iyon at sa ibaba lang ng sea wall ay may mga nakausling malalaking bato na maaaring upuan, maaari ring pagtaguan. Kadalasan ay doon nagpupunta ang mga magkasintahan, doon nagdi-date. Malalaki kasi ang mga bato at maaari kayong pumili ng mauupuan. Nakaharap sa dagat ngunit hinaharangan naman ng mas malalaki pang mga bato sa likuran. Doon ko dinala si Jerome sa gabing iyon. Nag take out lang kami ng pagkain mula sa isang fast food at dinala namin iyon sa sea wall. Gusto ko kasi ang ambiance ng lugar. Habang pinagmasdan ko ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan, sinasamsam ko rin ang presko at malamig na hangin, dagdagan pang nagpakita ang malaking buwan sa langit, walang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD