ONE SHOT STORY
TIMELESS LOVE
(ONE SHOT STORY)
Si Felicia Vera ay lumalaban sa sakit na leukemia sa edad na twenty-four, isang choir sa kanilang simbahan at magaling na volunteer teacher.
Ito ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.
Hiling niya na bago man siya mawala sa mundo ay maranasan niyang may nagmamahal sa kanya kahit sa tingin n'ya ay malabo dahil natatakot siya na baka masaktan siya at iwan dahil sa sakit niya.
Isa pang kahilingan niya ay kahit may boyfriend man o wala ay sana bigyan pa siya ng mahabang buhay para sa kanyang mga estudyante na natutunan na niyang mahalin.
"Malapit na ang pasko, excited na ba kayong makatanggap ng mga regalo?" Tanong niya sa mga bata na kung saan siya nagtuturo ng libre. Sa isang orphanage. Meron naman siyang pagkakakitaan at ito ang pagbebenta ng mga pabango at ang pagsusulat ng mga kanta.
Binebenta niya ito through online.
"Yes, teacher! Excited na po ako makatanggap ng bagong laruan!" Anito sa isang batang lalaki at sumang-ayon naman ang iba nilang kaklase.
Maliban na lamang sa isang batang babae na tahimik lang at parang malayo ang tingin sa sarili at may iniisip.
Pagkalabas ng mga bata ay nilapitan ni Felicia ang batang babae.
"Ikaw Tala. Excited ka ba sa paparating na araw ng Pasko?" Tanong nito at umiling lang si Tala.
"Bakit naman?"
"Kasi… iyan po ang araw na iniwan po ako sa kinilala ko po na mama dito sa bahay-ampunan. Dahil hindi niya na po ako kayang alagaan kaya dito po ako napadpad.”
Hindi alam ni Felicia kung paano niya pasayahin si Tala. Sa anim na taong gulang pa lamang ay ito na ang naranasan niya. Sobrang bata pa na iwan siya ng kanyang ama at pinagpalit ng ibang pamilya, samantalang ang kanyang ina ay namatay dahil sa depression.
"Huwag kang mag-alala Tala, nandito lang kami para sa 'yo. Nandito ako, pwede mo akong maging pamilya kahit na hindi man tayo magkadugo." Sabi ni Felicia sa batang babae na si Tala.
Gustuhin man niyang ampunin si Tala pero nahihirapan siya, lalo at may mga maintenance na gamot din siyang binibili para sa sarili niya. Nag-iipon pa siya ng pera para sa pagpapagamot sa sakit niya sa bone marrow.
Hanggang sa pag-uwi ni Felicia ay dala-dala niya ang sinabi ng kanyang estudyante.
Napabuntong-hininga siya habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada. Malapit lang ang bahay niya kaya hindi na siya nag-atubili pa na sumakay ng jeep. Dadaan siya ng tulay at sa pang tatlong street na madadaanan niya ay doon ang kanilang bahay.
Habang naglalakad at nag-iisip si Felicia na ireregalo niya sa kanyang mga estudyante sa darating na kapaskuhan ay may napansin siyang lalaki na nakatayo malapit sa tulay. Parang may iniisip, malayo ang tingin habang nakatitig sa ibaba ng tulay. "Omg… hindi kaya?" Bulong ni Felicia sa kanyang sarili.
Kaya agad siyang naglakad ng mabilis at agad niyang hinablot ang kamay ng lalaki kaya napasubsob silang dalawa sa lupa. "What the hell? What are you doing?" Nagulat si Felicia dahil sa pagsigaw ng lalaki sa kanya.
Hindi niya pa rin ito binitawan at baka tatalon ito sa tulay. Malalim pa naman ang babagsakan niya kung sakali at hindi niya kayang habulin ang lalaking ito.
Agad niyang pinalo ang balikat ng lalaki habang mahigpit pa rin ang paghawak nitong sa kanyang kamay.
"Magpapakamatay ka ba?" Galit na sabi niya sa lalaki.
"Sino ka ba? Ano naman sayo kung magpapakamatay ako?" Galit na tanong ng lalaki. Pilit niyang hinahawi ang kamay ng babae pero hindi talaga siya nito binitawan.
"Hoy! Aba! Akala mo madali iyon. Oo madali, pero bakit ka magpapakamatay? Iyong iba nga nagdadasal na magkaroon pa sila ng mahabang buhay tapos ikaw… sasayangin mo lang!" Pabalang na sabi ni Felicia sa kanya.
"Wala kang alam!"
"Then, pwede mo naman sabihin ang mga nararamdaman mo sa kilala mo baka matulungan ka nila." Matalim itong binalingan ng lalaki.
"Hindi madali ang sinasabi mo, kahit sabihin ko sa kanila, hinding-hindi na babalik ang mga magulang ko. Hinding-hindi na sila kailanman mabubuhay dahil kinuha na sila sa akin!" Aniya kaya biglang nasaktan si Felicia sa narinig. Ganito pala ang sinapit ng binata kaya siya ganyan mag-isip.
"May dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay na ganyan, sir. Tanging ang Panginoon lang po ang nakakaalam kung bakit maaga niyang kinuha ang mga magulang mo at ikaw-"
"Wag na 'wag mong ibabanggit sa akin ang Diyos mo dahil simula na kinuha niya sa akin ang mga mahal ko sa buhay ay nakalimutan ko na nandiyan siya!" Umiling si Felicia dahil mali ang mga iniisip niya.
"Huwag mong sabihin ang mga salita na 'yan. May mga bagay sa mundo na hindi man natin maintindihan kung bakit kailangan na mangyari ang mga bagay na ayaw natin. Hindi ibig sabihin na kinuha sila ay hindi ka na mahal ng Diyos. Lahat tayo pupunta rin diyan. Lahat tayo mawawala rin sa mundong ginagalawan natin. Hiram lang ang buhay natin sa mundo. Kaya nga di ba? Pahalagahan ang buhay natin sa bawat minuto dahil hindi natin alam kung hanggang kailan na lang ang nalalabing oras natin sa mundo. Gayunpaman, masakit mawalan ng mahal sa buhay pero mas masakit kung ikaw mismo, uunahin mong mawala sa mundo. Marami pang pwedeng mangyari. May iba, lumalaban pa sa buhay para mabuhay pa ng matagal tapos-" Mahinahon niyang sabi sa binata.
Natigilan ang lalaki sa sinabi ni Felicia. Hindi niya alam kung maniniwala ba ito sa sinasabi ng dalaga dahil sarado na ang kanyang puso at isipan.
Ginawa naman niya ang lahat para maniwala na talagang hanggang doon na lang ang sinapit ng kanyang mga magulang.
Gusto na niyang sumama sa mga ito dahil sa tingin niya wala na siyang kakampi. Wala na rin ang kanyang mga Lolo at Lola dahil labing-tatlong gulang pa lamang ang lalaki na namatay sa katandaan ang mga ito.
"Halika ka nga!’’ Tawag ni Felicia sa lalaki. Ngumiti si Felicia dahil ayaw tumayo ng lalaki sa pagkakaupo sa semento.
"Tumayo kana diyan at pinagkakatinginan na tayo ng mga motorista. Baka akala nila inaaway kita.
Pero bago ka tumayo diyan. Huwag kang pumipiglas dahil sa paghawak ko sa kamay mo, naninigurado lang at baka mamaya, tatakbo ka para gawin ang gusto mo. Huwag mo ng gagawin iyon ha! Maliwanag ba?" Saad ni Felicia. Parang bata ang lalaking kinakausap niya at kailangan na ipaintindi sa kanya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin.
Tumango lamang ito sa kanya saka pa siya tumayo. Pinagpag muna nila pareho ang mga damit na may konting dumi. Hinawakan ni Felicia si Ivan, ang pangalan ng lalaki, sa kanyang kanang kamay at naglakad sila patungo sa bahay ni Felicia.
Pagkarating nila sa kalye ay agad silang pinagtinginan ng ibang mga kapitbahay. Hindi naman ikaila na may itsura ang kasama niya.
"Hala! Ang gwapo! Nakabingwit agad si Felicia ng gwapo oh," isa sa mga halimbawa na naririnig nila ni Ivan. Hindi nila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalawa.
"Mama! Nandito na po ako!" Tawag ni Felicia sa kanyang ina.
"O anak, nandito ka na pala. Ayy! May kasama ka pala." Nagulat ang kanyang ina pagbukas ng pinto na may lalaking kasama ang kanyang anak. Pagagalitan na sana niya ang kanyang anak na si Felicia dahil baka sabihin na buntis na siya sa lalaki o boyfriend niya na si Ivan at ngayon lang nagpaalam na mag-aasawa na sila pero inunahan na siya ni Felicia.
"Dito po kakain ang kaibigan ko, mama." Parehong nagulat ang ginang at si Ivan dahil sa sinabi ni Felicia.
"Huwag na po, hinatid ko lang po ang anak niyo." Pareho silang nagkatinginan ni Ivan at Felicia dahil siguro sa sinabi ng binata.
"Dito ka na kumain, iho. Kumakain ka ba ng mga gulay at isda? Bukas pa kasi makakabili ng karne sa palengke." Tanong ng ina ni Felicia.
"Kumakain ka ba? Kung hindi bibili tayo sa palengke ng karne-"
"Kumakain naman, lalo na ang pinakbet. Isa kasi iyan sa paborito ko na niluluto ni mommy sa akin noong nabubuhay pa siya." Saad ni Ivan. Ngumiti si Felicia sa binata at iginaya sa hapag para doon na kumain sa kanila. Akala ni Felecia na hindi kumakain ang mga mayayaman ng mga ganyan, dahil kahit hindi sabihin ni Ivan na may kaya sila ay parang nahulaan na ito ni Felicia.
Bago sila mag-umpisa na kumain ay nagdasal na muna sila. Hindi mapigilan ni Ivan na maging emotional dahil isinama siyang ipagdasal ng dalaga.
Naging masaya ang kwentuhan nila at pakiramdam ni Ivan na nakatagpo siya ng bagong pamilya kaya bago umalis si Ivan ay maraming habilin si Felicia sa kanya. Kinuha niya ang cellphone number nito para matawagan kung nakauwi na ba si Ivan sa kanilang bahay.
Baka mamaya mabalitaan na lang nito na ginawa na pala ang binabalak niya kanina.
Habang nasa mall si Felicia para bumili ng mga gamit ng mga estudyante niya ay nararamdaman niya na may mga pares na mata na sumusunod sa kanya at hindi nga siya nagkamali. Paglingon niya ay namukhaan niya agad si Ivan na sumusunod nga sa kanya. Nag-usap sila kagabi sa phone at doon niya nalaman kung bakit mag-isa na lang siyang binubuhay ang kanyang sarili, kahit may mga kamag-anak naman siya ay hindi pa rin sapat na nariyan sa tabi ang mga mahal sa buhay lalo ang mga magulang.
"Ikaw pala, tinupad mo talaga ang sinabi mo na pupunta ka?"
"Yeah! How are you? Napuyat ka ba kagabi?" Tanong ni Ivan kay Felicia at tumaas ang kilay ng dalaga bago sumagot.
"Medyo, pero kailangan kong gumising ng maaga para dito, dahil mamaya ay ibibigay ko ito sa mga bata na tinuturuan ko," sagot ni Felicia.
"Let me help you," wala nang magawa si Felicia na kinuha ni Ivan ang cart na dala nito at naglibot na sila sa mga pantry kung saan nakalagay ang mga gamit na school supplies at iba pa na magugustuhan ng mga bata. Hindi na rin mapigilan ni Felicia na magdagdag si Ivan ng dalawang cart dahil sa pinamili nila.
Natawa si Felicia, "Uubusin mo ba ang lahat na paninda rito? Paano naman ‘yong iba?" Tanong nito kay Ivan at nagkibit-balikat lamang ang binata.
"For sure paparating na ang mga ibang supplies, kaya huwag kang mag-alala." Tanging katwiran lamang ng binata.
Hindi akalain ni Felicia na marami itong madadala na regalo para sa mga bata dahil hindi lang ang mga estudyante niya ang mabibigyan nila ng mga gift kundi ang ibang mga bata na rin na hindi si Felicia ang nagtuturo. Dahil iyon kay Ivan. Kaya laking pasasalamat niya sa binata. Isang CEO si Ivan Santiago sa kilalang mall sa Maynila na Santiago's Mall.
At ang pinuntahan nila na mini mall kung tawagin ay si Ivan pala ang may-ari. Kaya nagtaka si Felicia kung bakit pinaayos lang niya ito sa mga baggers ang mga napili nila at hindi na raw kailangan na bayaran.
Nagkakamabutihan sina Ivan at Felicia, hanggang nagtapat ng nararamdaman si Ivan kay Felicia na nagugustuhan na niya ang dalaga.
Dahil gustong maranasan ni Felicia na magkaroon ng taong nagmamahal sa kanya, at sa tingin niya na si Ivan na ang ibinigay sa kanya ng tadhana kaya sinagot na niya ang binata.
"Will you marry me, Felicia babe?" Biglang napaahon si Felicia ng kanyang katawan at tiningala ang binata, hindi sigurado sa narinig.
"What did you say?" Nakangiting tanong niya. Nasa tabing-dagat silang dalawa para mag celebrate ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan.
"I said, will you marry me?" Tanong ulit ni Ivan. Agad tumayo si Felicia habang nakaupo pa rin si Ivan sa nilagay nila na sapin sa buhangin na kung saan sila nagpipicnic.
"I do, Ivan."
Kasabay ng pagpatak ng luha ni Felicia dahil sa kasiyahan ay saka naman pumatak ang ulan, kaya imbes na bumalik sa kanilang sasakyan at umuwi ay hinayaan nila ang sarili nilang mabasa ng ulan at sumayaw na tanging hampas ng tubig-dagat at patak ng ulan ang tanging musika ang sinusundan nilang dalawa.
Magkayakap at sumasayaw habang umuulan.
"Mahal na mahal kita, Ivan." Saad ni Felicia habang lumuluha pa rin dahil nag proposed si Ivan.
"Mas mahal kita babe, mas lalo kitang minahal araw-araw. Sa panahon na walang-wala ako. Ikaw ang sandigan at tahanan ko!"
"Thank you sa lahat-lahat," pagkasabi ni Felicia ay agad itong nanigas at kung hindi siya nakayakap kay Ivan ay babagsak na sana ito sa buhangin.
"Babe? Babe! What happened? Wake up! What happened? Babe!" Tanging sigaw ni Ivan sa kanyang kasintahan.
Agad niya itong dinala sa ospital at doon nalaman ni Ivan na may sakit pala ang dalaga. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay bigla na namang gumuho ang mundo niya dahil sa balita.
Habang nakahiga si Felicia sa bedroom hospital ay hindi alam ni Ivan kung saan siya tutungo, naglakad-lakad lamang ito sa pasilyo ng ospital na walang direction ang kanyang mga paa dahil sa bigat ng kanyang dinadala at takot na baka mawala rin sa kanya ang babaeng natutunan na niyang mahalin at nagpapabago sa kanya.
Huminto siya sa paglalakad na may nabasa siya na maliit na chapel na nasa loob ng ospital, kaya agad siyang pumasok sa loob at nakita niya ang nag-iisang cross na nasa harapan. Lumuhod si Ivan at umiyak sa Panginoon.
"Alam ko po na makasalanan po ako na tao, Panginoon. Alam ko na biglang nawala ang tiwala ko sa inyo na susunod-sunod na kinuha niyo sa akin ang mga mahal ko sa buhay, pero God. I'm here, begging you for forgiveness and chances. Huwag niyo pong kunin sa akin ang babaeng binigay niyo sa akin, Lord! Siya na lang ang meron ako. Ibigay niyo muna siya sa akin. Aalagaan at mamahalin ko pa siya, Lord. Hayaan mo na ako muna ang mag-aalaga sa kanya. Pangako. Huwag mo po siyang kunin sa akin. Mahal na mahal ko po siya Lord. Please…. please, dear God." Walang tigil sa pag hagulgol ni Ivan sa harap ng altar habang kinakausap ang Panginoon.
Ginawa ni Ivan ang lahat ng makakaya niya para gumaling si Felicia. Habang patuloy na nagrerespond ang puso ng kanyang kasintahan na nakikita sa monitor ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw makikita niya pa ang mga ngiti ni Felicia.
"I love you, come back to me, okay? Come back soon… for me, Okay? I love you so much." Huling bulong ni Ivan sa kasintahan.
Mag-isang namili ng mga school supplies si Ivan para sa mga bata. Sa ibang mall siya namimili dahil kung doon siya sa sariling mall niya kung saan palagi silang namimili ni Felicia ay maalala niya lamang ang dalaga, kung paano ito nag susungit kapag marami ang nilalagay niya sa cart na hindi naman kailangan.
Kung paano siya kinukulit ng kanyang girlfriend na tikman ang mga free taste. Lahat iyon naaalala niya kaya sa ibang mall siya bumibili ng mga kagamitan para ipamigay sa orphanage.
Bitbit ang mga pinamili ni Ivan ay nagtataka ito kung bakit tahimik sa bahay-ampunan. "Sir! This way po sir." Turo ng isang guard kay Ivan.
Kahit nagtataka sa kilos ng guard ay sinundan naman niya ito at iniwan muna ang mga nasa plastic sa guard house.
Habang naglalakad ay naging familiar kay Ivan ang tulay na kung saan niya nakilala ang dalaga. Ayaw na sana niyang tumuloy dahil maalala niya lang si Felicia pero agad napangiti si Ivan kung sino ang babaeng nakatayo sa kung saang tulay niya unang hinawakan ang kamay ng binata.
"Felicia babe! Dumating ka! Akala ko next month pa." Masayang wika ni Ivan kay Felicia at niyakap ng mahigpit. Isa na siyang ganap na guro at ngayong taon ay doon ginanap ang Teacher's day sa Singapore.
"Eh, sa namimiss kita! Kaya umuwi na ako." Nakangiting sagot ni Felicia.
It was Christmas when miracles happened. Nakatanggap sila ng magandang balita na nakaligtas sa operasyon ang kanyang kasintahan at ngayon masaya na silang magkasama bilang mag-asawa ng pitong taon.
"Mommy!"
"Mama!"
Parehong nakangiti ang mag-asawa na makita ang kanilang mga dalawang anak na si Miracle Kate and Tala. Kinupkop nila si Tala bilang bahagi ng kanilang pamilya at hanggang ngayon tumutulong pa rin sila sa orphanage at tanging hiling at pinagdarasal ng mag-asawa na sana lahat ng mga bata na naroon ay makatagpo ng totoong pamilya.
"Merry Christmas, mom and dad!" Umiiyak na kinakausap ni Ivan ang kanyang mga magulang na kung saan nakaukit ang mga pangalan nila sa kanilang lapida. "Salamat sa paggabay sa akin. Pakisabi kay papa God na maraming salamat na hindi niya ako iniwan na mag-isa sa laban na kinakaharap ko. Salamat dahil pinakilala niya po sa akin ang babaeng nagbibigay sa akin ng pag-asa at walang sawang pagmamahal na si Felicia po na nasa aking tabi at mga anak namin. Mommy… Daddy… Thank you for loving my mommy so much and thank you for loving me unconditionally. Asahan niyo po na maging mabuti at tapat po akong asawa at mapagmahal na ama sa aking dalawang anak.
"Three na po, daddy!" Sabay na wika nina Felicia, Tala at Miracle. Nakangiting inilabas ni Felicia ang pregnancy test sa kanyang bag at pinakita kay Ivan.
"Baby boy is coming, babe. Are you excited? Dream mo ito." Wika nito at hinalikan ang asawa sa noo.
"Jesus Christ, really?"
"Yes daddy!" Sabay ulit ng tatlo.
"Oh my God, Thank you. Let's get married again!" Agad na sabi ni Ivan.
"Again?" Tanong ng tatlong babae.
"I will marry you everyday, my wife." Ani ni Ivan.
"Oh no…" Sabay tampal ng tatlong babae sa kanilang mga noo.
"Hey you, Valentino! I'm going to be a dad again! Yeah! Again! Tell everyone sa Korea ang kasalan ng mga barkada!" Napapailing na lang sa ulo ang mag-ina habang pinagmamasdan nila si Ivan na tumatalon sa sementeryo habang may tinatawagan sa cellphone.
"Ang cute ng daddy niyo mga anak." Natatawa na sabi ni Felicia sa kanyang mga anak.
"Super cute mommy!" Tala agreed.
"Yeah, daddy is so cute and he is the best daddy in the whole world and mommy is the best mother in the whole universe and I… thank you." Wika naman ni Miracle. Kontento at masayang umuwi ang pamilya.
Santiago sa kanilang tahanan.
— WAKAS—