CHAPTER 2

1086 Words
"GEORGETTE, mag-ingat ka sa Pilipinas. Doon ka na muna tumira sa Uncle Theo mo. Tawagan mo agad ako kapag nakarating ka na. Pangako, dadalawin ka namin ng Papa mo. Mahal na mahal kita, Georgette.” Sunod-sunod ang naging pagtango ni Georgette habang mahigpit na nakayakap sa ina. Ilang araw na rin ang lumipas at kaagad na naayos ng kanyang ama ang pag-alis niya. “Opo, Mama,” sagot ni Georgette saka niyakap pabalik ang ina. Kanina pa ito iyak nang iyak kaya bakas na masyado ang pamumula ng buong pisngi nito. Nang dumako ang paningin ni Georgette sa kanyang ama ay ngumiti ito at sumenyas na ito na ang bahala sa kanyang ina. Tumango siya at sunod itong nilapitan. “Rage, remember what I told you. Always watch your back,” pagpapaalala ng ama sa kanya. “Opo, Papa,” sagot niya saka ito sunod na niyakap. Nang tawagin na ang kanyang flight ay muli siyang nagpaalam sa mga magulang. Muli na namang naiyak ang Mama niya kaya kumaway na siya sa huling pagkakataon bago pumasok sa departure area. Mahirap na at baka magbago pa ang isip nito. Mabilis ang naging pagkilos ni Georgette. Agad niyang hinanap ang lane papasok sa eroplanong kanyang sasakyan. Bigla siyang natigilan nang harangan ng isang lalaki. Nakasuot ito ng business attire at agad na yumuko sa kanyang harapan. “This way, Madame.” Iginaya siya ng lalaki papasok sa ibang lane. Ayon dito ay nagpa handa ng pribadong eroplano ang kanyang ama na maghahatid sa kanya papunta sa Pilipinas. Bahagya niya ‘yong ikinagulat dahil wala namang nasabi sa kanya ang ama. Buong biyahe na tahimik lamang si Georgette. Nakatingin siya sa labas ng bintana at walang ibang laman ang kanyang isipan ng mga sandaling iyon kung hindi ang mga paraan kung paano niya bubuuin ang pinapangarap na gang. Malaki ang tiwala ng kanyang ama sa kanya kaya hindi niya ito puwedeng biguin. Hindi siya puwedeng umuwi sa Pransiya na walang mga miyembro na tutulong sa kanya sa pamamalakad ng Kingdom oras na manalo siya bilang bagong Queen. Nang tuluyang lumapag ang eroplano na kanyang sinasakyan ay mas lalong nakaramdam ng pananabik si Georgette. Sa wakas, nakarating na rin siya sa Pilipinas. Makakaapak na rin siya sa lupang kanyang pinanggalingan at pinapangarap na mapuntahan. “Welcome to the Philippines, Madame,” nakangiting sabi ng lalaking naghatid sa kanya. Sinuyod ng paningin ni Georgette ang buong airport. Halos lahat ng mga Pilipino na natatanaw ng kanyang paningin ay hindi maipaliwanag ang mga sayang nararamdaman habang sinasalubong ng kani-kanilang mga mahal sa buhay. May mga nag-iiyakan, nagyayakapan at nagtatawanan. Hindi napigilan ni Georgette ang mapangiti. Tama ang Mama niya, malalambot nga ang puso ng kanilang mga kababayan. Agad na nabura ang ngiti ni Georgette nang maramdaman ang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya. Dahan-dahan niyang iginala ang kanyang paningin. At tama ang kanyang pakiramdam dahil ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan niya ay nakatayo ang kanyang Tiyo Theo. Nakangiti ito at agad na kumaway sa kanya. “Uncle Theo!” tuwang-tuwang sabi ni Georgette saka mabilis na tumakbo palapit sa kanyang Tiyo. Niyakap niya ito nang mahigpit na agad naman nitong tinugunan. “How are you, Princess? I miss you so much,” nakangiti nitong sabi saka bahagyang ginulo ang pagkakaayos ng kanyang buhok. “Masayang-masaya po, Uncle. Sa wakas po, nandito na po ako sa Pilipinas!” masiglang sabi niya. Ngumiti ang kanyang Tiyo saka bahagyang inayos ang suot nitong salamin. Hindi man ito magsalita pero alam niya na masaya rin ito para sa kanya. Nagyaya ang kanyang Tiyo Theo na dumaan muna sila sa isang restaurant upang kumain. Nakahanap ng pagkakataon si Georgette upang maglibot-libot kaya kahit medyo malalim na ang gabi ay masigla niya itong sinang-ayunan. Halos hindi siya nakaramdam ng pagod sa loob ng ilang oras na biyahe habang naglalakad papasok ng mall. Hindi maitatanggi na mas maganda ang mga imprastraktura sa Pransiya kompara sa Pilipinas. Higit na mas malaki ang mga mall doon, mas maganda at mas high-tech. Subalit ang higit na nagpapa-espesyal sa Pilipinas kahit na simpleng bansa lamang ito ay ang mga taong nakatira mismo rito. Napatunayan ni Georgette na talagang may mga magandang ngiti ang mga Pilipino, masigla ang aura ng mga ito at walang bakas ng mga problema sa buhay. Talagang masarap sa pakiramdam ang maging isang Pilipino. “I know what you are thinking, Georgette. Kanina ka pa nagmamasid sa paligid,” natatawang sabi ng kanyang Tiyo Theo habang nakatingin sa kanya. “Natutuwa lang po ako, Uncle dahil sa wakas po ay nakita ko na rin po ang ganda ng Pilipinas,” nakangiting sagot ng dalaga. “Nga pala, kailangan ko munang tawagan ang Papa mo. Baka may mga mahalagang bagay siyang ibibilin. Ikaw na ang bahalang mamili ng restaurant na kakainan natin. Susunod agad ako.” PASADO alas dyes na ng gabi nang makarating sa King’s Hall ang dalawa. Ang King’s Hall ang nagsilbing tahanan ng mga magulang ni Georgette noong nasa Pilipinas pa lamang ang mga ito. At bagaman ay labingwalong taon na ang nakalipas, hindi pa rin nagbabago ang ayos ng mansion. Maganda pa rin ito at matibay. Maayos pa rin na nakasabit sa pader ang mga naglalakihang litrato ng Mama at Papa niya. “You really look like your father. Kahit ang mga mata ni Race ay kuhang-kuha mo,” puna ng kanyang Tiyo Theo nang tumapat sila sa litrato ng kanyang ama. Iyan din ang madalas na marinig ni Georgette sa iba. Ayon sa mga ito ay para silang pinagbiyak na buko ng kanyang ama. Wala rin naman siyang tutol doon dahil maging siya ay nakikita rin niya ang katotohanang iyon sa tuwing haharap siya sa salamin. “Sige na, umakyat ka na sa kuwarto mo at magpahinga. Bukas na bukas din ay papasok ka na sa Northeast Academy. Naayos na lahat ng Papa mo ang paglipat mo ng eskwelahan kaya wala ka ng dapat na isipin. Isang buwan lang ang binigay niya sa ‘yo kaya kailangan mong matapos kaagad ang misyon mo at bumalik sa Kingdom. Sige na, magpahinga ka na.” “Opo, Uncle Theo. Good night po,” paalam ni Georgette saka umakyat sa kanyang silid. Agad na naligo at nag-ayos ng mga gamit si Georgette. Inayos na rin niya ang kanyang susuoting uniporme pati na ang kanyang backpack. Hindi napigilan ng dalaga ang mapangiti. Bukas na magsisimula ang paghahanap sa mga miyembro na bubuo sa kanyang gang. Ngayon pa lamang ay nasasabik na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD