Napapikit-pikit si Hestia, iniisip kung namamalikmata lang ba siya. Ngunit sa tuwing idinidilat niya ang kaniyang mga mata ay nasa harapan niya pa rin si Boss Raven. Halata rin ang gulat sa mukha nito. Ngunit hindi nagtagal ay napatitig na lang ito sa kaniya. At tila may laman ang titig nito, laman na mga katanungan. At alam niyang lagot siya. Nananaginip lang ako 'di ba? hindi totoo ito. Wala sa harap ko si Boss Raven. Pinaglalaruan lang ako ng isipan ko dahil l ko siya. Tama, guni-guni ko lang ito. Hindi totoo na si Boss Raven ang nasa harapan ko. Na hindi totoo na pamilya-- "Hestia," Para siyang binuhusan ng malamig an tubig. Dahil hindi niya lang nakikita ito sa kaniyang harapan kundi naririnig pa. Syet! si Boss Raven nga! Mukhang wala na siyang lusot pa, talagang boss niya ang