Napatingin si Hestia sa opisina ng kaniyang Boss Raven. Kausap nito si Sir Glen na nauna na rito kanina sa opisina at talagang hinintay sila. Ngayon ay masinsinan silang nag-uusap. Hindi man niya natatanaw si Sir Glen dahil naka-upo ito, pero si Boss Raven ay nakatayo na parang seryosong nagpapaliwanag. Ano kayang pinag-uusapan nila? haay.. kung ano man, sana hindi tungkol kanina. Pero malabo eh, mukhang tungkol kanina. Pero sana ay hindi ako damay, na sana naman ay hindi maka-apekto yung pagtuloy ko sa bahay ni Boss Raven, sa relasyon nila ni Sir Glen. Napabuntong-hininga si Hestia. "Sir Glen, makinig ka kay Boss Raven, huwag kang magagalit sa kaniya. Huwag kayong mag-break please. Ayoko na malungkot si Boss Raven, kawawa naman siya." bulong niya pa sa sarili. Sa isip ni Hestia ay s