MULING ipinilig ni Chrislynn ang ulo. "Kalimutan mo na kasi! Hindi ka talaga patatahimikin ng nangyaring iyon kung hanggang ngayon ay hindi ka pa rin maka-move-on. Five days na, Chrislynn Rose, kaya limot-limot din kapag may time at mag-focus ka na sa trabaho mo." Isinubsob ni Chrislynn ang mukha sa dalawang palad. Pagkuwan ay inihilamos iyon sa kanyang mukha. Limang araw na ang matuling lumipas pero heto siya at mabaliw-baliw pa rin sa kaiisip kay Kirst. Totoo nga talaga na hindi iyon basta-basta makakalimutan o mawawala sa sistema ng isang tao lalo na at first kiss at siyang unang beses din niyang makipagsiping sa isang lalaki. Idagdag pa na mula iyon sa lalaking gusto niya. At hanggang ngayon nga ay ginugulo pa rin niyon ang isipan niya. Minsan napapanaginipan pa niya. At sa panaginip