EPISODE 5
TATIANA
NICHOLAS’ POINT OF VIEW.
“Tell me everything about this place,” wika ko kay Tatiana na kanina pa nakasunod sa akin.
Pinayagan nila akong makalabas sa palasyo pero dapat kasama ko ang aking protector, si Tatiana. Dinala ako ng aking mga paa sa malawak na garden dito sa palasyo. May iba’t ibang mga bulaklak akong nakikita sa paligid at may malalaking puno. Sa gitna ng malawak ng garden ay makikita ang malaking fountain kung saan dumadaloy ang malinaw na tubig. May nakikita rin akong nagliliparan na mga faries, hindi ko alam kung iyon nga ba ang tawag sa kanila pero para silang ganoon kaya iyon na ang aking tawag.
Tahimik lang si Tatiana na nakasunod sa akin at hindi ko alam kung tao nga ba talaga ang babaeng ito o isang robot. Magsasalita lang siya kung magtatanong ako o hindi naman ay uutusan siya. Wala rin akong makita na emosyon sa kaniyang mukha na mas lalong nagpa inis sa akin.
“Ano ba ang iyong gusto malaman, mahal na prinsipe?”
Matalim ko siyang tinignan habang nakapameywang. Tumigil siya sa kanyang pagsasalita at baghagyang yumuko nang makita niya ang eksprisyon na pinakita ko sa kaniya.
“Tigilan mo na nga ako diyan sa pagtawag mo sa akin ng mahal na prinsipe!” inis kong sabi.
“Patawad, Mahal na—”
“Just… just call me Nick, please.”
Nag angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa kaniyang ekspriyon. Nakita kong parang labag sa kanyang kalooban ang kagustuhan kong tawagin niya akong Nick at hindi mahal na prinsipe. Tanggap ko naman na prinsipe ako, well, slight lang muna. Pero paunti-unti ay masasanay na ako sa buhay ko rito sa mundo ng Adalan, sa mundo kung saan buhay ang makiha.
“N-Ngunit isa kayong prinsipe…” mahina niyang sabi at muling napayuko.
Hindi ko mapigilan na mapangisi habang nakatingin sa kanya na para bang nahihiya sa akin. Akala ko talaga ay robot siya at walang pakiramdam, meron naman pala. Nakakairita kaya pag walang emosyon ang kausap mo, parang hindi nakikinig sa sinasabi o kinu-kwento mo eh.
Tinaasan ko siya ng aking kilay at humalukipkip.
“Then? Ano naman kung prinsipe ako? Protector kita diba? kanang kamay? Gusto kong maging komportable ka lang sa akin. Ikaw ang nag dala sa akin sa mundong ito kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito kaya dapat sundin mo lahat ng aking gusto. Maliwanag ba, Tatiana?” seryoso kong sabi sa haban nakatitig pa rin sa kanya.
Nakita ko ang pag yukom ng kanyang mga kamao na para bang doon kumukuha ng lakas. Muli akong napatingin sa kanyang mukha at bahagyang ngumiti.
“M-Masusunod po, Mahal—N-Nick nga pala,” mahina niyang sabi at muling yumuko.
Ngumiti ako sa kanya at muling bumalik sa aking paglalakad at siya naman ay tahimik na sumunod sa akin. Nang mapagod na ako sa aking paglalakad ay agad akong napapunta sa pinakamalapit na bench na malapit lang sa fountain. Umupo ako at napatingala at pinikit ang aking mga mata habang dinadama ang kakaibang simoy ng hangin. Ngayon ko lang ulit makaramdam ng ganito, ang maging payapa. Hindi ko akalain na makakaramdam pa rin pala ako ng payapa kahit alam kong nasa ibang mundo ako at wala sa normal na mundong kinalakihan ko.
“Paano kita naging protector?” tanong ko kay Tatiana habang nakapikit pa rin sa aking mga mata.
“Dahil iyon ang nakatadhana, Nick.”
Napamulat ako sa aking mga mata at humarap sa kanya. Nakaupo na rin siya sa aking tabi habang nakatingin sa akin. Nakakunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya.
“Paanong nakatadhana?” tanong ko ulit.
“Sa edad naming lima, kailangan naming dumaan sa pasusulit at dito namin malalaman kung ano ang kapalaran namin sa aming paglaki. At ang naging kapalaran ko ay maging protector mo. Isa man akong babae, pero bata pa lang kami ay sinanay na kaagad kami para mabantayan namin kayo at magawa namin ng tama ang aming mga trabaho,” seryosong sabi ni Tatiana.
Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay nagsasalita. Hindi ako makapaniwalang ganito pala ang nangyayari sa mundong ito.
“Hindi ba kayo nag-aaral?” seryoso kong tanong sa kanya.
Muli siyang napatingin sa akin at bahagyang ngumiti.
“Iba ang mundong ito sa mundong kinalakihan mo, Nicholas. Iba ang pinag-aaralan ng mga kabataan dito sa amin kaysa sa normal na mundo. Pero may basic education pa rin dito sa mundo ng Adalan para sa mga batang may iba’t ibang mga kapangyarihan at lahi. Hanggang sixth grade ang basic education dito sa mundo ng Adalan at kapag natapos ka na rito, ang ituturo na sa iyo ay kung paano ka makipaglaban,” sagot ni Tatiana sa aking katanungan.
Napatango naman ako.
“Wait…”
Nag-angat siya ng tingin sa akin at kumunot ang kanyang noo nang seryoso ko siyang tinitigan.
“May problema ba?” tanong niya sa akin.
Hindi ako nagsalita. Lumapit ako sa kanya at hinawi ang kanyang buhok upang makita ko ang kanyang tainga. Mabilis siyang napatayo habang nakahawak sa kanyang tainga at kita ko rin ang gulat sa kanyang mukha. Nakaramdam ako ng hiya sa aking ginawa kay Tatiana. Alam kong mali iyong ginawa ko pero hindi ko lang talaga maiwasan na hindi ko gawin iyon. Matulis ang tainga ni Tatiana.
“I-I’m sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka sa aking ginawa,” sambit ko.
Tumango siya at muling umupo sa aking tabi.
“Matulis ang tainga mo,” muli kong sabi, hindi ko mapigilan na sabihin iyon dahil labis ang pagkamangha ko sa aking nakita.
Hindi ako makapaniwalang makakakakita ako ng isang tao na may matulis na tainga. Nakikita ko lang ito sa mga palabas sa TV at ngayon ay nakikita ko na siya sa dalawa kong mga mata.
“Kalahating elf ako at kalahating Avalonian. Iyong ama ko ang elf at nakatira kami noon sa village namin kasama ang ibang elves, pero nang sinakop ng mga Ravenian ang aming bayan, dali-dali kaming tumakas at pumunta rito sa Avalon at dito namuhay. Tinatago ko ang tainga ko sa aking mahabang buhok dahil kahit mabubuting tao ang ibang avalonian, hindi nila tanggap ang mga elves dahil dati silang kakampi ng mga Ravenian,” pag ku-kwento ni Tatiana.
Napatango ako at hindi na muna nagsalita, respeto na rin sa ginawa ko kaninang paghawi sa kanyang buhok. Sana ay humingi na muna ako ng permiso bago ko iyon ginawa sa kanya.
Humarap sa akin si Tatiana at nguumiti.
“Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kaharian ng Avalon lalong lalo na kay Queen Ariadne. Kinupkop niya ako rito at binigyan ng trabaho bago ko magawa ang trabaho ko ngayon bilang iyong kanang kamay at nakapagligtas. Huwag kayong mag-alala, hinding-hindi ko kayo pababayaan,” wika ni Tatiana.
Nginitian ko siya.
“Wala man akong kapangyarihan kagaya ninyo, lalaki pa rin ako at marunong akong makipag suntukan. Hindi ko pababayaan ang aking sarili at hindi kita bibigyan ng sakit sa ulo,” sambit ko.
Mahina siyang tumawa at tumango.
“Maraming salamat, mahal na—ang ibig kong sabihin ay maraming salamat, Nicholas.”
Nararamdaman ko nang nagiging komportable na sa akin si Tatiana at iyon ang gusto ko. Hbanag nag a-adjust pa rin ako sa kakaibang mundong ginagalawan ko ngayon, gusto kong may pagsasabihan ako sa mga tumatakbo sa aking isipan at sa iba’t ibang katanungan ko sa hinaharap at alam kong matutulungan ako ni Tatiana.
Marami pa akong dapat malaman sa mundong ito at gusto ko rin malaman kung bakit nila ako dinala rito. Isa lamang akong simpleng professor sa isang unibersidad at wala akong kapangyarihan para labanan ang kasamaan kaya malaking katanungan pa rin sa akin kung bakit ako nandito at iyon ang aking aalamin.
TO BE CONTINUED...