Mabilisang kumain ng agahan si Diego. Sobrang gutom, parang nanggaling sa laban ng boksing. "Hoy, dahan-dahan at baka 'di ka matunawan." "Gunom na gunom ago eh." Pagsasalita nito habang punung-puno ang bibig. "Do not talk when your mouth is full. Kadiri ka." Lumunok muna ng ilang ulit saka uminom ng tubig bago nagsalita. "Sorry, sabi ko gutom na gutom ako eh." Sumubo ulit ng sinangag at itlog saka kumagat ng pandesal. Nakatitig lang ako habang umiinom ako ng juice. Gwapo siya, matangos ang ilong, manipis na lips, makapal ang kilay saka medyo bumbayin ang mga mata, at ang haba ng pilik. Ang mga weakness ko sa lalaki. Napatingin siya sa akin. "B-bakit? May problema ba sa mukha ko?" "Wala. Natutuwa lang akong makakita ng gutom na gutom. Ang tambok ng pisngi mo tuloy." Saka ako tumawa.