Chapter 2: POV

1735 Words
Curtney Habang binabaybay namin ang kahabaan ng Edsa hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa loob kasi ng dalawang buwan nang pagtatrabaho ko ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito tulad nang nag-umpisa pa lang ako. Ngayon kasi ang araw na pinakahihintay ko ang makilala ang isa sa Salvador. Sabi nila matandang binata daw ito, pero bali-balita lang 'yon, wala pang nakakakita sa mga ito, kung meron man konting tao lang. Kaya nang malaman ng kaibigan ko na may malaking selebrasyong gaganapin para sa 75th anniversary ang Salvador Empire may nabuong plano ito. Kilala ang Salvador empire sa larangan ng real estate at pagawaan ng mga jewelries, hotels, malls, airlines at halos lahat ng mga negosyo ay mayroon sila. Hindi lang sa Pilipinas kilala ang Salvador Empire kundi sa buong mundo. At halos lahat ng mga negosyante ay sa kanila lumalapit para sa investment pero hindi ganun kadali ang lumapit sa kanila. Wala ring nakaka-kilala kung sino ang mga ito dahil tago ang pagkakakilanlan ng mga ito. Flashback "Hello besh!" saad nito. “Bakit? Hindi ako pwede ngayon marami akong ginagawa," sabi ko rito baka nag-aaya naman itong mag-shopping, saka ipinagpatuloy ko ulit ang ginagawa. Ipinagpatuloy ko kasi ang pag-aaral ko at Business Administration ang kinuha ko para kapag na bawi ko na ang kompanya ng daddy at least may alam ako para patakbuhin ito. "Ang sungit naman nito,” irap nito. Hindi ko na ito pinansin pa. “Tama na muna ‘yan, makinig ka muna sa’kin at may ibabalita ako sa’yo,” paglalambing nito. Pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. “Gusto mo bang mabawi kaagad ang kompanya niyo?” sabi naman nito. Tumigil ako sa ginagawa ko at hinarap ito at kinunutan ko ng noo. “Tama na nga ‘yang mga kalokohan mo Jane," wika ko rito at bumalik ako sa ginagawa ko. "No! I'm serious,” anito. Tinitigan ko siya sa mga mata at sinimangutan ito. “Please, just hear me out. Kapag hindi pa rin ito magwork-out, I swear to God ititigil na natin ‘to, Please...” pangungulit nito. "Fine! Fine!" Itinaas ko pa ang dalawang kong kamay tanda nang pagsuko ko sa kakulitan nito, napangiti naman ito sa ginawa ko. “Kapag ‘to hindi talaga magwork-out, lagot ka talaga sa'kin,” pananakot ko sa kanya. "Ano na naman ba 'yang naisip mo?" "Ok! Ganito kasi ‘yun," excited na sabi nito. “Nalaman ko kay Alfonso na isasama niya raw ako sa 75th anniversary ng Salvador Empire,” masayang sabi nito. "So?” “Pupunta tayo doon.” “Ano naman? Sigurado naman akong pupunta rin ako roon, dahil sa mga client ko,” sagot ko sa kanya. "No! No! Hindi ka tatanggap ng client kasi makakasira sa plano natin ‘yun,” sabi pa nito. Sinungitan ko ito. “Plano?” takang tanong ko sa kanya. “Ano’ng plano na naman ‘yan?” Ngiting may masamang binabalak naman ang sagot nito. Mas lalo ko itong sinungitan at tumawa lang ito nang napakalakas. “Jane!” seryosong sabi ko. Tumigil naman ito sa pagtawa nang mapansin niyang hindi ako natatawa sa mga sinabi nito. "Look Curt! Ganito ‘yun, pupunta tayo roon sa party para makilala natin ang mga Salvador at kailangang maakit mo ang isa sa mga ito,” seryosong sabi nito. "Nagbibiro ka ba? Alam naman nating walang nakakakilala sa mga Salvador na ‘yon, kung mayroon man mga kakilala lang nila at isa pa hindi natin alam kung babae ba o lalaki ang namamahala ng Salvador Empire ngayon,” paliwanag ko rito. Napaisip ito baka tama lahat ang sinasabi ko. "No! Hindi! Hindi! We still have to try," pagtanggi nito. “Jane! Ano ka ba? Susugal tayo sa walang kasiguraduhan?” “At bakit hindi besh? Ito lang ang tanging pinakamabilis na paraan para sa problema mo, pakakawalan mo pa ba?” mariing sabi nito. Napaisip ako sa sinabi nito. “Wala namang mawawala sa'tin besh kung susubukan natin,” patuloy pa nito. Napabuntonghininga na lang ako sa sinabi nito, tama naman kasi ito wala namang mawawala sa'min kung susubukan ko. “Fine! Payag na ako,” sabi ko rito. “Thank you besh, wag kang mag-alala nandito ako sa tabi mo para suportahan ka,” masayang sabi nito habang yakap nito ang likod ko. *** Biglang bumalik ang diwa ko nang makarating na kami sa aming pupuntahan. "Nandito na ‘ata tayo,” excited na sabi ni Jane. Pumasok sa isang napakalaking gate ang sinasakyan namin, kita sa loob ng sasakyan ang laki at lawak ng paligid. Marami na ring tao sa loob dahil sa dami nang nakaparadang sasakyan. Habang hinihintay namin ang pagbukas ng driver sa sasakyan, walang kasing bilis ang t***k ng dibdib ko, unang bumaba si Jane at mabilis akong sumunod. "Napakalaki talaga ng mansyon na ito,” sambit ni Jane. Pareho kaming namangha sa ganda at laki ng mansyon, napapaligiran ng mga ilaw ang buong paligid nito. Habang papalapit nang papalapit kami sa may pinto mas lalong kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Napatigil ako sa paglalakad at hinawakan ang kamay ni Jane. "Are you okay? Ang lamig ng kamay mo ha,” tanong nito. Nang wala akong maisagot dahil nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba, pinisil nito ang kamay ko. “Don't be nervous matagal na nating hinihintay 'to. You're just one step closer para makilala ang mga Salvador,” malungkot na sabi nito para palakasin ang loob ko. “You can do it. Nandito lang ako.” Napangiti na lang ako at mahigpit na niyakap ni Jane nabawasan ang kaba ko sa ginawa nito. “Ready?" tanong nito. Napatango na lang ako nang may biglang nagsalita. "There you are, beautiful ladies," lumapit ito at naunang humalik sa pisngi ni Jane. He is Mr. Alfonso, Jane's date tonight and also her boyfriend. "Y-you're!" nabubulol na sabi nito. “You’re so gorgeous! What a beauty?” humalik din ito sa pisngi ko at napayuko ako sa hiya. “Siguradong marami ang matutulala kapag nakita ka nila and I'm sure isa na roon ang mga Salvador,” nakangiting sabi nito at kumindat pa kay Jane. “Di ba honey?” “Ano’ng sinasabi nito? Alam ba niya ang plano namin ni Jane? Ang babaeng ‘to talaga!” naiinis na napatingin ako kay Jane, ngumiti lang ito at sinimangutan ko naman ito. "Sorry besh! I have to tell him siya kasi ang source ko, sorry," paglalambing niya, alam niya kasing magtatampo ako. "Don't worry, your secret is safe with me," sabi naman ni Mr. Alfonso. “Sabi ko nga kay Jane, I can help you do that, pero sabi naman niya hindi mo naman daw tatanggapin ‘yun.” "Thank you Mr. Alfonso, but I can't really do that and Jane knew it.” "Alfonso na lang para namang ang tanda-tanda ko na kapag tinatawag mo akong Mister,” natatawang sabi nito. Nagkatawanan na lang kaming tatlo. "But if you change your mind,” sabi ulit nito. "Okay, Alfonso pag-iisipan ko,” nakangiti ko namang sagot. “Thank you.” "So, let’s go at mukhang maguumpisa na,” aya nito na pumasok na kami sa loob. Nakahawak kami pareho sa braso ni Alfonso pagpasok sa napakalaking pinto. Napakaraming tao na sa loob at hindi lang mga ordinaryong tao ang mga naroon, halos lahat ng bisita mga bigatin. May mga kilalang personalidad, artista, modelo at mga mayayamang negosyante at mga sikat at piling mga taga-media lang nakapasok sa loob. Ipinakilala kami ni Alfonso sa mga kakilalang nadadaanan namin at hindi ako nagkamali agaw-attention ang ganda ko lalo na sa mga kalalakihan at nagtataasan naman ang kilay ang ipinupukol ng mga kababaihang kasama ng mga ito. Nakangiti pa rin ako sa mga kaharap kahit hindi ako mapakali, kanina ko pa kasi inililibot ang aking mga mata nagbabakasakaling may lahi ng Salvador akong makita. Pero kahit ano'ng hanap ko wala talaga, wala naman talaga kasi akong idea sa itsura nito. Baka nasa harapan ko na pala na hindi ko namamalayan. Kaya I give my best smile baka isa sa lumapit at magpakilala sa'kin isang Salvador at hindi naman ako nagkamali napakarami ang gustong makipagkilala sa'kin, but I’m not interested kapag hindi Salvador ang apelyido. “Ano ba naman ‘tong ginagawa ko? Para akong naghahanap sa butas ng karayom," bulong ko sa sarili. Naagaw ang pansin ng lahat nang may magsalita sa harap ng mic. “Good evening everyone!” sabi ng emcee. “The most awaited moment that we've been waiting for. The face behind the Salvador Empire,” anunsyo nito. Nagpalakpakan ang lahat at nakatuon ang attention ng lahat sa sinabi ng tagapagsalita, nakahanda na rin ang cameraman at media. Halos lahat hindi maalis ang mga mata sa harapan at kitang-kita sa mata nito ang excitement kung sino talaga ang Salvador na’to ang lahat ay hindi kumukurap masilayan lang ito. “Please welcome, Mr. Brint Salvador." Nagpalakpakan ang mga tao pero laking pagkadismaya ng lahat na hindi ang tunay na Salvador ang lumabas. “Good evening everyone! Mr. Salvador wants to apologize for not making it tonight for some important reason, but he wants to thank you all for coming here and celebrating with us. As we celebrate the 75th anniversary of the Salvador Empire. Thank you and enjoy the party.” Lahat na dismaya lalo na ang mga taga-media. Kakaibang kaba at saya ang nararamdaman ko nang tawagin ang pangalan na Brint Salvador, sa wakas makikita ko na rin siya. Pero nang iba ang lumabas parang may konting kirot akong naramdaman, disappointed dahil akala ko ito na ‘yun kaso hindi pa pala. Kilala ko na kasi ang lumabas hindi ‘yun isang Salvador isa ito sa pinagkakatiwalaan ng mga Salvador, siya kasi palagi ang humaharap sa tuwing may interview ang pamilya Salvador, halos lahat nang-interview mukha nito ang nakikita. Kaya kitang-kita rin sa mga taong nandoon ang disappointment nang lumabas ito. Makikitang may edad na rin ito pero kita pa rin ang matitikas at malusog nitong pangangatawan. Napabuntonghininga na lang ako at nagpaalam kina Jane at Alfonso na mag C.R. lang. Jane insist na samahan ako pero tinanggihan ko. “It's okay. I can manage,” sabi ko rito. “Go for it! Plan B,” nakangiting sabi nito nang maintindihan ang ibig kung sabihin sa pag-iwan ko sa kanila. She smiled, and I smiled back, huminga muna ako nang malalim bago sila iwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD