Chapter 3

1723 Words
"This is it!" bulong ko sa sarili. Pagkatapos nagpaalam na ako sa dalawa. Ang totoo kasi hahanapin ko ang Mr. Salvador na ‘yun dahil ayokong masayang ang gabi nang hindi siya nakikita. Hindi naman kasi si Mr. Salvador ang nagbigay ng speech kanina kundi ang tauhan lang niya. Laking dismaya ng mga piling reporter na nakapasok sa mansyon ng hindi na naman ito nagpakita, malaking scope sana ito para sa kanila. Kung sila na dismaya lalong-lalo na ako. Wala kasi kahit anong larawan ito. Kaunting tao lang ang nakakakilala rito. Kahit si Mr. Alfonso hindi pa rin ito nakaharap. “Sa totoo lang napakamisteryoso ng taong ‘yun wala ni isang nakakakilala,” sambit ni Jane, isang araw na napag-usapan naming ito habang naghahanap kami ng larawan niya sa internet at mga magazine. "Baka pangit,” sabi ko kay Jane. “Kaya ayaw magpakita," biro ko. Natawa na lang kaming dalawa. Ayoko naman talagang gawin ito kung hindi lang dahil kay Daddy ‘yun kasi ang dying wish niya. Kaya nandito ako ngayon desperadang naghahanap ng matanda, walang kasiguraduhang magtatagumpay ba ako o mabibigo? “It’s because of her!” may galit sa aking tinig nang maalala ang nakaraan. “No! Not now,” napailing na lang ang ulo ko. Ayaw ko kasing masira ang gabi ko, napupuno kasi nang galit ang puso ko kapag naaalala ang nakaraan. Habang iniikot ng aking paningin ang buong bahay wala talaga akong makitang larawan ng mga ito. “Ano ba namang bahay ‘to?” inis na sambit ko. "Kanina pa ako paikot-ikot pero wala man lang akong nakikita na family picture ng mga ito. Hay naku! Lahat ‘ata ng bahay may picture. Bakit ang bahay na ‘to wala?” napabuntonghininga ako sa naisip. “Bakit nga kaya wala man lang family picture ang bahay na ito? Mga aswang kaya ang mga Salvador? Kaya ayaw magpakita sa mga tao,” kinilabutan kong sambit. "My God!” Paano nga kaya kung aswang ang mga ito o vampira?” tanong ko sa sarili. “Eh, di! Gagawin ako nitong pulutan kapag nangyari ‘yun. My God! Parang ipinain ko naman ang sarili kong buhay kay kamatayan nito,” natatakot ko ng sambit. “Kapag ito talaga, Jane, ikapahamak ko,” may panggigigil sa boses ko. “Kapag ito ikamatay ko mumultuhin talaga kita,” may halong takot na sambit sa ko sarili. Nang may makita akong isang pinto sa dulo ng isang pasilyo, dahan-dahan ko itong linapitan nagpalinga-linga muna ako bago ako nagpasyang pasukin ang kwartong ‘yon pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, nagulat ako nang makarinig ng boses ng isang lalaki. “What are you doing here?" may bahid nang galit na sabi nito. Dahan-dahan akong lumingon para harapin ito, natulala ako sa sobrang kagwapuhan nito para akong nakakita ng isang modelo, ang tangos ng ilong nito at ang mga mata nito ay namumungay at ang labi nitong ang pula-pula at ang sarap halikan. "Are you eye raping me?'' may pangiinsulto na sabi nito. Natauhan ako sa mga sinabi nito at kaya napataas ang kilay ko. "Excuse me!" mataray kong sabi rito habang itinatago ko ang pagnanasa rito. “Nabasa kaya nito iniisip ko?” sigaw ng utak ko. "I said! Are you eye raping me?" mariing ulit nito. Pero hindi ko inaasahan na ilalapit nito ang mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang hininga nitong amoy alak na, mukhang nakainum na ito pero napakabango pa rin ng hininga nito dahil naaamoy ko pa ang mouthwash sa hininga nito. Para akong matutunaw sa‘king kinatatayuan at halos nabibingi na ako sa lakas nang kabog ng dibdib ko at parang may naghahabulang daga sa loob nito, hindi na rin ako makahinga sa sobrang lapit nito atnapapalunok na lang ako, lalo na sa mga titig nito. "H-hindi no!” malakas kong pagtutol kahit nanginginig ang katawan ko. "Eh! Bakit may tumutulong laway diyan sa bibig mo?" nakangiting pangaasar nito. “Ano ba naman ang taong ‘to? Nakakapaglaway naman kasi, as in super yummy!” sigaw ng utak ko. Dahan-dahan kung kinapa ang bibig na sinasabi nito. Napakunot ang noo ko nang walang makapang laway sa bibig ko, tinawanan lang ako nito nang may pangiinsulto. ''Bakit namumula ang mukha mo?'' pangaasar pa nito. Parang gusto kung kainin na lang ako ng lupa sa ginagawa nito dahil sa sobrang kahihiyan at pangiinsulto nito kaya nasampal ko ito nang napakalakas. “Bastos!” sigaw ko. Kitang-kita ang pamumula ng pisngi nito nang hawakan niya ito. Kahit ako nabigla sa ginawa ko. Gusto ko mang humingi ng tawad huli na ang lahat dahil kitang-kita ko na ang galit sa nagbabaga nitong mga mata. Itinulak niya ako pasandal sa may pinto at idinikit ang kanyang buong katawan sa katawan ko at itinaas nito ang dalawa kung kamay, kahit anong pagpupumiglas ko hindi ko kaya ang lakas nito. Ilang minuto rin kami sa ganong sitwasyon, sobrang bilis ang t***k ng puso ko natutunaw ako sa bawat mga titig nito at kitang-kita ko naman sa mga mukha nito ang galit sa ginawa ko. Inilayo ko ang aking paningin baka hindi ko kakayanin at mahalikan ko ang mapupula nitong mga labing nangaakit na halikan ko. “Ano ka ba Curtney?” saway ko sa sarili ko. “Napaka-yummy naman kasi ng taong ‘to,” kinikilig na bulong ng utak ko. Napayuko ako baka makita nito ang namumula kong pisngi. "You sl*t!" galit na sabi nito. “How dare you do that to me? You will pay for it!" mariin at puno ng galit na sabi nito. At bigla itong umalis, iniwan akong mag-isa. Hindi ko maigalaw ang katawan ko parang napako sa sahig ang mga paa ko at hindi ko ito maihakbang, pakiramdam ko ang bigat-bigat nito at hindi ko namalayang isa- isa na pa lang nalaglag ang mga luha sa mata ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, may halong sakit at takot ang namumuo rito. Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit. “Bakit ang sakit? Ano ba 'tong nararamdaman ko?" nagpunas ako ng mga luha. "Bakit ka ba umiiyak?" “You will pay for it!" umi-echo na pabalik-balik sa isip ko ang mga katagang binitiwan nito. "Sino kaya siya? Paano kung totohanin nito ang banta niya?" sunod-sunod kung tanong sa sarili. "No! No! No! Kailangan ko nang makaalis,” kinabahang naisip ko kaya dali-daling kong inayos ang sarili at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Hinanap ko si Jane at Alfonso, pinuntahan ko ang mga ito sa may garden pero hindi ko sila makita. “Nasaan na kaya sila? Oh sh*t! Ang bag ko!" bulaslas ko nang maalala ang bag na naiwan ko. Tatawagan ko sana ang mga ito nang maalalang nahulog pala ang bag ko kanina nang itinulak ako ng bastos na ‘yun. Nagdalawang isip ako kong babalikan ko pa ba ang bag ko. “No! Hindi ako babalik doon, over my beautiful body,” saad ko kaya hinayaan ko na lang ito. Naikot ko na ang buong bahay pero hindi ko pa rin sila nahahanap. “Sa laki ba naman ng mansyon na ito, siguradong hindi na nagkikita-kita ang mga tao rito,” inis kong bulong sa sarili nang hindi makita ang kaibigan ko. “Hinding-hindi ako titira sa bahay na tulad nito para akong nakikipagtaguan sa sobrang laki nito,” inis na sambit ko. Nagpasya na lang akong umuwi mag-isa nang hindi makita ang mga ito. “Makaalis na nga! Baka makita ko naman ang bastos na ‘yun!" inis na inis kong saad. Bago pa man ako tuluyang lumabas sumulyap muna ako ulit sa loob, may bahid nang lungkot ang naramdaman ko. "Hay naku!" buntonghininga ko. "I'm sorry Dad, I failed you,” napaluha ako habang sinasabi ito. Mabigat ang dibdib na nilisan ko ang lugar. Hindi pa man ako nakakalayo nang may pumaradang sasakyan sa harapan ko at bumaba ang driver nito sa harapan ko mismo. “Why are you here? Uuwi ka na ba?” narinig kung sabi nito. Dahil sa may kadiliman ang lugar na ‘yon hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito. Pinunasan ko ang mga matang nanlalabo dahil sa mga luhang naglabasan dito at tinitigan itong mabuti. Napakalaki ng mga ngiti nito na halos kita na ang mga gilagid nito. Nang mapagtanto ko kung sino ito saka ako nag-iwas ng tingin at pinunasan ang mga luha sa mata ko. "Hey, are you crying?" tanong nito nang mapansin ang pagyuko ko. "No! I'm fine," pagsisinungaling ko. "What happened?" nag-aalalang tanong nito. "May bastos lang kasi akong nakaharap kanina,'' ani ko. ''Who is he? Is he your client? Halika puntahan natin siya!” may galit na sabi nito. "It’s fine! I’m fine,' pagpigil ko sa kanya. “He is not a client, he’s just nobody,” mariing sabi ko. “Are you sure?” paniniguro nito. “You’re okay?” Ngumiti at tumango na lang ako. Kahit nagdadalawang isip kong totoo ba ang sinasabi ko naniwala na lang ito. "Fine! Fine! Basta ihahatid kita,” sabi nito. "Just wait me here, papasok lang ako sandali,” nagmamadaling paalam nito. “Sandali lang 'to, I swear,” pahabol pa nito. Gusto ko mang tumanggi hindi ko na lang ginawa, alam ko namang kukulitin lang ako nito. Hindi naman ito nagtagal at bumalik rin kaagad. Wala naman kaming imikan sa loob ng sasakyan, naiintindihan siguro nito ang nararamdaman ko kaya hindi na ito nag-usisa pa. Dahil sa bigat nang nararamdaman ko pilit kung ipinikit ang mga mata hanggang sa makarating kami ng boarding house. "Call me if you need me," pahabol nito bago umalis. Napatango na lang ako. Hindi ko na ito inimbitahan pa sa loob dahil wala na ako sa mood, nagpasalamat na lang ako at umalis na rin ito kaagad. "Bakit kayo magkasama?" galit na salubong ni Nica nang makita kami nitong magkasama. Hindi ko ito pinag-aksayahan ng panahon para sagutin. “Curtney! Answer me!” may bahid ng galit na sabi nito. “Nilalandi mo na naman ba si Bob?” Hindo ko namalayang nakasunod pala ito sa'kin pero hindi ko ito sinagot, halos wala na rin naman kasing boses na lumalabas sa bibig ko. Malakas kong isinara ang pinto ng kwarto at pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama at tuluyang nang nagbagsakan ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD