AKALA ni Florence ay ang pagkakakulong na ni Colin ang pinakamabigat na pagsubok na pagdaraanan nila. Hindi niya akalain na gigising siya isang araw sa isa na namang masamang balita. Wala na siya halos maiiyak. Kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa isip niya habang papunta sila ni Nana Eliza sa ospital. “Sana naman ay maayos si Colin…” Narinig niyang panalangin ni Nana Eliza. Kapit siya nito habang papasok sila sa emergency room. Una niyang nakita ay ang nakaposas na kamay ng nobyo sa rails ng hospital bed. Gising ito at kasalukuyang ginagamot ng nakatalagang nurse ang duguang tagiliran. Patakbo siyang lumapit sa kama ng nobyo. Nasa tabi nito si Captain de Vera. “S-sweetheart?” “Florence! P-pano’ng-?” “Sinabi sa akin ni Jason. H’wag mong sabihing hindi mo gustong makarating sa