Nathan’s POV Tatlong araw na ang inilagi ko sa ospital. Sinabi sa akin ni Raul na nakalabas na daw si Tamara at nakauwi na sa mansyon. Gustuhin ko mang lumabas na ay ayaw akong payagan ng doctor. Noong nakaraang gabi naganap ang lihim na pag-uusap namin ni Mr. Mendoza. Ipinaalam namin sa kanya ang mga nalaman namin sa negosyo ni Mr. Yao na ‘black rose bar’ at pati na rin sa casa na involved si Mr. Ramon at Mr. Diego. Na sa ngayon ay nasa list na rin upang imbestigahan. Pati ang naganap sa Fairmont view hotel at ang pagsulpot ni Zax Yao ang anak sa labas ni Mr. Yao. May mga binigay din kaming detalye na pwedeng makatulong sa aming misyon. Bukod sa aming misyon ay ipinaabot niya sa amin na mag-iingat kaming dalawa. Lalo pa ngayon dahil sa emosyon ko ay basta na lamang akong nakakagawa ng mg