Tamara’s POV Pagkatapos kong maitali ang mahabang tela sa kanyang mga mata ay inumpisahan ko nang halikan siya sa labi. Kaagad kong hinubad ang hospital gown niya na nakatali lang sa kanyang likuran. Malaya kong pinagmasdan ang kanyang katawan. Matagal ko nang napapasin ang iilang peklat na nakikita ko sa kanyang likod at harapan pero hindi ako nangahas na magtanong. Ayokong malaman ang totoong pagkatao niya. Una dahil ayokong malaman ang mga pinagdaanan niya. Maaring sa unang tingin ay pinapakita ko ang kawalan ko ng emosyon ngunit lingid sa kanilang lahat kapag mag-isa na lamang ako sa aking kwarto doon ko binubuhos ang aking luha. Kahit sa ganoong paraan ay mabura lahat ng pinagdaanan kong hirap. At ang pagkitil ng buhay. Una kong naranasan ang pumatay nang minsan akong isama ni Mr.Yao