Nathan’s POV “Kuya!” Sigaw ni Jheny nang patumbahin ako ni Raul sa isang suntok niya. Nagawa naming makatakas sa mga tauhan ng hotel. Mabuti na lamang at magaling si Raul sa pagmamaneho dahil kung hindi baka natambangan na kami. Kaagad na lumapit si Jheny upang daluhan ako. “Nang dahil sa ginawa mo muntik nang masira ang plano natin! Hangang kailan ka ba magdedesisyon ng hindi nag-iisip Nathan?!” Galit na sigaw ni Raul habang sapu ang noo. Alam kong kanina pa siya nagpipigil ng galit sa akin dahil sa ginawa ko. At alam ko din ang pagkakamali ko kaya hindi na ako lumaban pa. “Wala siyang kasalanan! Ako ang pumilit sa kanya na itakas ako!” Angil ni Jheny sa kanya. “I’m sorry Raul, naawa lang ako kay Jheny. Hindi ko siya pwedeng iwan.” Pagdadahilan ko sa kanya. Batid ko na marami ng tin