Nanginig ang tuhod ko nang matitigan ang nag-aapoy na mga pulang mata ng duke. Ito ang unang beses na tinignan niya ako ng ganitong katindi. Para bang hindi na siya makapaghintay pa na wakasan ang aking buhay. "D-Duke... C-C-Cailen..." pigil hiningang bulalas ko. Lalong nag-apoy sa galit ang kanyang mga mata. "Nasaan si Miss Agatha?!" malakas at galit na tanong niya kasabay ang mahigpit na paghawak niya sa aking mga magkabilang balikat bago madiing itinulak ako sa puno sa aking likuran, "Saan mo siya tinatago?!" Mariin kong kinagat ang aking labi. Nalasahan ko pa nga ang aking dugo mula sa pagkasugat na ng labi ko. Iniling iling ko ang aking ulo para iparating sa kanya na hindi ko sasabihin. Anuman ang mangyari ay hindi ko ipapaalam sa kanya kung nasaan ngayon si Agatha. Lalo na matagu