Sa loob ng isang linggo na pagtuturo sa akin nina Perenna at Egeria sa mga gawain nila sa loob ng aming mansyon ay nalaman ko na may talento ako sa ganitong trabaho. Kahit nga ang mga tagasilbi ng aming mansyon ay labis ang humanga sa aking kagalingan na matuto ng kanilang mga trabaho. Ang hindi nila alam na mayroon na akong kaunting kaalaman sa mga gawaing bahay dahil na rin sa aking naging karanasan bilang si Liezel Roxas. Kaya ngayon ay kampanteng kampante ako na matatanggap sa aking pag-a-apply sa mansyon ni Duke Cailen. Isang malaking kalokohan na lang kung hindi ako matatanggap nito. "Ate Ada~~~!" magkasabay na pag-iyak pa nina Conall at Minka habang todo ang pagkapit sa aking bewang. Kasalukuyan ko kasi na inaayos ang aking mga gamit sa maletang aking dadalhin patungo sa mansyon