"Basahin at pag-isipan mong mabuti, Ada," seryosong sambit ni Sir Oscar nang maiabot ang kontrata para sa pagtratrabaho ko sa mansyon ng Elrod, "Sa oras na pumirma ka ay wala ng urungan ito." Tumango ako at sinimulan na basahin ang kontratang inabot niya. Naglalaman ito ng mga batas ng duke sa loob ng mansyon. Kasama na roon na bawal siyang tignan sa mukha nang lampas ng tatlong segundo. Maganda naman din ang benefits at malaki rin ang kanyang ibinibigay na pasahod. At triple pa ang kikitain ko rito sa kinikita ko sa pagsusulat. Hindi na masama... Iniling ko ang aking ulo sa pagka-tempt sa benepisyo ng kontrata... Kailangan ko isipin na pasamantala lang naman ang pagtratrabaho ko rito hanggang hindi ko nagagawa na pagkitain sina Prinsipe Beau at Agatha. Hindi ako maaaring malihis sa