9: ENGAGEMENT

1370 Words
"Love does not consist of gazing at each other, but in looking together in the same direction." --Antoine de Saint-Exupery CHAPTER 9: ENGAGEMENT "Pumunta na dito at tumira na dito..." I said dreamily. Hanggang ngayon kasi nagtataka pa rin ako sa sinabi nyang yun. Ano naman kaya ibig sabihin nya nun? Bakit naman ako titira dun? Bakit para kong gustong tumira dun? Aiissh!! Natural, mas maganda dun kesa sa bahay. Flat screen TV, comfortable, malawak at tahimik. Sa bahay kahit malawak wala namang TV at parang hindi ako comfortable kay Mama ngayon. "Malala ka na talaga." "Agnes, hindi ka na naman kumatok." "Ang aga-aga wala ka naman sa sarili." "Agnes tigilan mo nga ako. Asan na yung mga kailangan ko?" "Here." Inabot nya yung mga files. "So, ano nangyari kagabi?" Tumataas-baba pa yung kilay nya. "Wala okay? Wag ka makulit." "Tss.. Eto rin pala yung set of question para sa interview mo sa bf mo." "Bakit ako?" "Duh? Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang gusto nya mag interview. Napag-usapan na natin yun diba?" "Tss... Hindi ko boyfriend yung Rafael na yun." "Asus! Kung ako sayo tawagan mo na sya at mag set kayo ng date para sa interview. Ay.. Di nyo na pala kailangan kase lagi na kayong may time para sa isa't isa." Tapos mabilis na pumuslit yung babae yun. Hayy.. <3 "Sabi ko na babalik ka." Pambungad nya yan ng pumasok ako sa pad nya. Aisshh! Eto pala ang ibig sabihin nya sa akin nun. Pinahirapan ko pa ang sarili kong isipin yung meaning ng sinabi nya. Tsk! Asa naman ako diba? Natural ibig sabihin nun babalik at babalik ako dito kasi may kailangan ako sa kanya. "So, dito ka na ba titira?" Nag smirk pa sya. "Asa!" Inilabas ko yung interview question at hinagis sa kanya. "Sagutan mo yan." Pagkatapos nun feel at home akong gumala sa kusina nya at uminom ng tubig. Bakit walang pagkain? Puro lang lata ng soda at alak yung nandito sa loob ng ref. Nagugutom na panaman ako. Sana pala bumili na lang ako bago pumunta dito. "Hindi ba dapat tinatanong mo ako nito." "BUTIKE!" Naitulak ko sya kasi naman ramdam ko yung hininga nya sa batok ko. "Nakakabasa ka naman diba? Sagutin mo na lang ang tanong." "Ayoko nga. Trabaho mo to. Ganun na--" "Oo na. Akin na yang papel." Kinuha ko yung bag ko para irecord sa phone ko yung mga pinagsasabi nya. "So, how do you become a successful businessman?" Ayun nga, sinagot naman nya lahat ng itatanong ko. Nalaman ko na sinikap nyang maging katulad ng ama nya at nalampasan nya pa ito. Bukod sa pagtatrabaho mahilig sya sa adventure tulad ng hiking, surfing, camping, diving. Sa trabaho dapat laging straight forward. Kaya kahit alam nyang pwede syang masakit sinasabi nya pa rin. Well, respected naman sya dahil dun. Tapos marami pa. Sa record nyo na lang pakingan pwede? Hirap ikwento. Matatapos na kami pero hindi ko ata kayang itanong itong last 2 question. About ito sa love life. Eto ang ayaw ko eh. Kaya pasalamat ako at chief-editor ako kagad hindi ko kailangang magtiis sa ganitong part pag kailangan mag-interview. "Ano ba yan? Akin na nga. Di mo man lang mabasa." Inagaw nya yung papel sa akin. "Every girl dreams about you as their man. How about your love life? Can you share it to us?" Nagisip muna sya saka ngumiti. "Great. Actually I'm getting married." Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya tinurn-off ko ma yung recorder ng cellphone ko. "Huh? You're getting.." "married to you remember?" "Bakit kailangan mo pang sabihin yun dito sa interview?" "Malalaman din at malalaman ng lahat ang tungkol sa pagiging engage ko sayo. Lalo na't isang linggo na lang ang official engagement party natin." "A-ano?" "Narinig mo naman diba?" Kinuha nya yumg phone ko at kinalikot yun. "Ano ang tipo kong babae? Uhmm.. Concervative, mature, simple." Sabi nya yun habang nakatingin sa akin. "A girl who is funny yet witty. a girl who is shy talking about love, I actually, find it attractive. A girl who I can teach how to love and be love. And a girl who can be my woman." That almost take my breath away. Parang sa akin nya sinasabi yun. Parang ako yung dinidescribe nya. "Tapos na tayo. Nakakagutom pala eto." Tumayo na sya at pumunta sa kusina nya samantalang ako tulala pa rin. Bakit ganun? Affected ako masyado. Syempre Demi ikaw yung idedescribe nya, kasi ikaw ang ipapakilala nyang mapapang-asawa sa maraming tao. Kunwari lang ito. Kunwari. Fake. Sya ang FF ko.. Ang Fake Fiancé ko. <3 At ito na ang Linggong pinakakatakutan ko. Engagement party na namin!! Sa ngayon kilala na ang pangalan ko ng buong bansa. Hinihintay na lang nila ang apperance ko at WAPAK, kilala na ako ng buong bansa at buong babaeng pumapantasya jan kay Rafael na yan. "Relax girl. Hindi pa ito ang kasal mo pero kabang kaba ka na." Sabi ni Agnes na kasama ko dito sa isang room. Alam na pala ng buong company na pinagtatrabahuan ko na ako yung babaeng mapapakasalan ni Rafael. Maski sila hindi makapaniwala. Bulong-bulungan ako sa office. Si Angelo hindi ko na nakita pa. "Girl, umupo ka nga. Baka malukot yang gown mo. Tska, pagpawisan ka nyang ginagawa mo masisira ang make-up mo. Asar ka Demi, ang ganda mo pala pag walang salamin. Try mo ngumiti mas lalong gaganda ka." "Agnes, alam mo hindi ka nakakatulong." Gusto ko pa sana sya pagalitan kaso lang narinig ko na yung palakpakan sa labas. Si Rafael na yung magsasalita, meaning ipapakilala nya na ako. Marami pa syang pinagsasabi. Hindi ko na narinig pa yun kasi nabibingi na ako ng dagundong ng t***k ng puso ko. Idagdag mo pa yung tiyan kong kumukulo sa kaba. Never pa kaya akong humarap sa maraming tao at sa media, syempre isa ako sa media kaya hindi ako yung hinahaharap kundi ako yung humahaharap. Tama ba itong pinagsasabi ko? Naloloka ako! "...let me introduce to you my future wife Demitria Magsaysay." "Ikaw na girl! Bilisan mo na." "Tek--" Wala na naitulak na ako papalabas sa kwarto. Shocks! Nakakasilaw yung mga flash ng camera. Wala na nga akong makita at halos matumba na ako. Naagapan naman kaagad ang pag tumba ko ng may humawak sa bewang ko. Hindi ko alam kung sino yun pero dahil nagpalakpakan ang mga tao may kutob na ako kung sino. "Rafael.." Nasambit ko na lang. Parang lutang ako ngayon. "Demi relax. This will only take an hour tapos, tapos na. Makakapagpahinga ka na." Ako naman si tango. May mga sinasabi sya sa mga tao na nandoon. Hindi ko na rin masyadong inintindi. Hinahanap kasi ng malabo kong mata si Mama. I'm not sure if she comes. Si Gardo kasi nakita ko, nandito sya at pormal na pormal ang ayos. "Demitria" "Huh?" Tinatawag na pala ako ni Rafael. Asan ba... Nakaluhod sya! "Pagpasensyahan nyo na po. Hindi sanay sa harap ng kamera." Sabi nya sa mga media. Tsk! Sa pang-aasar nya nabubuhayan na naman ako ng dugo. Parang tumataas pa nga. "So, Demitria Magsaysay... Will you marry me?" Pinractice na namin ito kagabi pero iba ngayon. Nakatitig na kasi ako sa mga mata nya, parang totoo lang. Kailangan ko lang naman sumagot ng 'yes' pero parang naiiyak ako. Kahit fake lang ito, naiiyak pa rin ako. Never pang nagcross sa utak ko na sasagot ako ng 'yes' pag may nangalok sa akin ng kasal. Hindi ko nga inisip na ikasal! Ayoko, takot ako. Ayokong matulad kay Mama. Ayokong masaktan. Ayokong iwan. Tumingin ako sa paligid searching for my Mama. Nakita ko sya sa sulok. Magkahawak ang dalawang kamay nya na nakatakip sa bibig nya. Nakikita kong dumadaloy ang luha nya pero nakangiti. She's happy I can say. Pero Ma, hindi ito totoo.. Ibinalik ko ang tingin ko kay Rafael. Hindi ko mahulaan ang iniisip nya. Tiningnan ko naman yung kahon na may singsing. Nagdadalawang isip ako. Natatakot ako na baka pagtinanggap ko ito kahit kunwari lang, masaktan ako. Takot akong masaktan. "Demi..." Mahinang sabi ni Rafael na para bang nakikiusap. Si Rafael ang kaharap ko ngayon. Ang lalaking kinaiinisan ko. Sya ang kunwaring nagpopropose sa akin. Mapagkakatiwalaan ko ba sya kahit kunwari lang itong engagement namin? "Yes."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD