"It is inevitable in every relationship. But NEVER walk away from the person in a middle of a fight. It will just make the relationship worse and make the other person think that they aren't worth fighting for. If they ever walk away from you, then pull them in your arms, and kiss them. Just like the movies And remember: When you feel like giving up, remember why you held on for so long and just talk things out peacefully so you can find a resolve to the conflict, you know?"---tart2010
CHAPTER 8
Hindi pa rin ako makapaniwala. Kasalukuyan kaming nasa elevator ngayon nitong si Rafael.
"What's wrong with you?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sobrang naiinis ako sa kanya sa pakikisawsaw sa pag-uusap namin ni Angelo.
"What's wrong with you too?" Nagtatagis ang bagang nyang nakatingin sa akin ng masama.
I can't believe him! Wala akong ibang magawa kundi ang mapanganga na lang sa kanya.
"Alam mo, hindi ka dapat nakikialam sa usapan na may usapan. And you're bragging about you being my fiancé. Let me correct it, you're just my FAKE FIANCÉ!"
"Bakit hindi mo sya masagot sa tanong nya? Do you love him or not? At oo nga pala we're faking a relationship. I'm sorry sinira ko ang relasyon nyo ng boss mo." He said sarcasticly.
He's impossible! I don't want to argue with him. I'm outta here!
<3
Isang Linggo ring walang paramdam ang kupal. s**t! Hell I care for him lalo na sa ginawa nya.
Now, Angelo totally avoids me. Hindi ko masabing kinatutuwa ko o kinaiinis ko yun. I still have undecided feeling for him pero sa sinabi ni Rafael parang no choice na ako kundi tigilan na sya. Tsk!
"Ma'am?"
"Yes?" Then I'm back to the world. May staff kasi na magpapachek ng article nya. Wala ako sa mood na purihin o laitin yung gawa nya kaya tumango na lang ako at pinaalis sya. Nito kasing linggo parang magkakasakit ako.
"Ms. Demi tara na't umuwi." Pagyayaya ni Agnes. Saka ko lang namalayang uwian na pala.
Sabay kaming bumaba sa basement para sumakay sa sasakyan namin. Oo, ayus na pareho ang sasakyan namin kaya hindi na namin kailangan mag taxi.
"Demi, lately parng ang glommy mo." Sabi ni Agnes habang nasa elevator kami. Tsk! May naaalala ako.
"Glommy? Lagi naman akong ganito tska masama pakiramdam ko. Hindi ako makatulog ng maayos at masakit ulo ko."
"Pero iba ngayon eh, hindi ka nagagalit sa amin. Tsk! Tsk! Kaya ka hindi makatulog kasi may iniisip ka tapos masakit ang ulo mo kasi hindi mo na sya nakikita."
Kumunot ang noo ko. Ano naman gustong palabasin nitong si Agnes? "So, gusto mo magalit ako lagi? Tska wala naman akong iniisip." Aray nakagat ko ata dila ko.
"Asus! Nagkakaganyan ka kamo kasi no show na yung manliligaw mo."
"MANLILIGAW?" Napabulalas ako kagad. Alam nya bang nanliligaw si Angelo sa akin?
"Ayyiee~~ obvious naman diba? Si Rafael Raymundo. Loka ka teh pag pinakawalan mo pa yun. Kahit crush ko si Sir. Angelo mas go na go ako kay Rafael."
"s-si Rafael?" Ang akala ko si Angelo na. Hay. Hindi ko rin alam. Ang dami kong iniisip. Si Angelo na akala nya fiancé ko talaga si Rafael, yung away namin ni Rafael at yung pag mahal ng presyo ng gasul. Hayy..
"Oo! Grabe ka girl. Pano mo nabingwit yung si Rafael?"
Kung alam mo lang.
Hindi ko na nasagot pa si Agnes kasi tumunog yung phone ko. Kinuha ko yun sa bag ko at nakitang... Si Rafael ang tumatawag. Anong gagawin ko? War kami diba?
"Oh my! Answer it girl! Waahh! I'm so proud of you. May boyfriend ka na. Sagot na!"
Hindi ako yung pumindot ng answer button kundi si Agnes. Ano na sasabihin ko?!
"Hello?"
"What the heck Demi! I called you a million times. Faster, you need to be here at my pad."
Wala man lang 'hi'? Namura pa ako kagad. Kakainis talaga! Gusto kong sigawan sya kaso kasama ko si Agnes. "As if I know where it is."
"I'll send you the address. You need to be here in 30 minutes." Tapos nilapagan nya lang ako. Anak ng!!
"Ano sabi? Ano sabi?" Pangungulit ni Agnes.
"Pumunta raw ako sa condo nya."
"Oh My Gosh! Are you ready? Did you bring... Here, in case wala syang stock." Tapos nag-abot ng c****m ang babae.
"Hell Agnes! I don't need this." Namumula na ata ako sa hiya. May mga nakakakita kaya sa amin.
"I know, but he needs this. Bilisan mo na."
I don't have time to argue kaya pagkarating ko sa kotse ko sumakay na ako at umalis. Kahit papano naligtas ako sa kakulitan nitong si Agnes.
<3
Red Tower
Dito yung binigay nyang address. Pang mayaman na naman etong lugar na ito. Pagkadating ko kasi sa harap ng condo may valet kagad kaya hindi na ako nahirapang mag park ng kotse ko.
Sa lobby ako lumapit kagad kasi doon ako ginuide nung isa sa mga host. Parang hotel lang set up dito. May front desk, valet, conceirge..
"Uhmm.. Room 4500." I said to the receptionist.
"You're Miss?"
"Magsaysay. Demi, Magsaysay."
"Oh, good evening Ms. Magsaysay. Mr. Raymundo is wating for you. Here's the key card."
Nagpasalamat ako at umakyat na. Wait, asan ba dito yung 45th floor? Wala sa button. Mukha akong baliw na binabasa-basa yung mga instruction dun at doon ko napag-alaman na iiinsert ko itong card na hawak ko dito. Tsk! Ganun lang pala.
45th floor.. Pagkarating ko doon isang maliit na square lang yung lugar, tapos sa tapat ng elevator may two-door door. So, ibig sabihin lang nito ay sa kanya buong 45th floor. Iisa lang naman ang pinto diba?
This is it. Makikita ko na yang si Rafael na yan na matapos akong sigaw sigawan, mawawala na lang na parang bula at hindi man lang nagparamdam tulad ng multo. Ni anino nya hindi ko nakita.
Bigla ko na lang binuksan ang pinto at sumigaw ng.. "Hoy RAFAEL! ANG LAKAS DIN NAMAN NG LOO--" s**t! Si Gardo.
"Good evening Demi." Bati ni Gardo na nakataas ang kilay. Nagulat ata sa napakaganda kong entrance.
"Sorry po kung napalakas ang boses ko.." Sa may gilid nakita ko si Rafael na mukhang galit sa ginawa ko. Ano na? Ano na? Think! "..nag..nagkaalitan kasi kami ni Rafael ka-kanina." Dahan-dahan akong lumapit kay Rafael. "Sweetheart.. Ang lakas ng loob mong awayin ako kanina. Pasalamat ka hindi kita matiis." Kahit labag sa loob ko hinawakan ko ang dibdib nya at niyakap sya.
"Pasalamat ka mukhang napaniwala mo." Bumulong sya sa akin. "I'm sorry honey.. Hindi ko naman alam na ikagagalit mo yun." Naramdaman kong pumulupot na lang ang kamay nya sa bewang ko kaya mas lalo akong napalapit sa kanya.
Gaaah! Naaamoy ko sya.. Kahit amoy sibuyas sya kasi nagluluto sya ng hindi ko alam basta mabango parin sya..este yung ulam. Ano ba sinasabi ko?
"AHEEM!"
Napabitaw naman kagad ako kay Rafael para tingnan si Gardo.
"I'm sorry to interrupt you two but I came here just to look if you're okay. Mukha naman ngang...okay kayo." Pilit syang ngumiti. May bahid ng lungkot sa mga mata nya.
"We're okay Dad. I love Demi." Rafael said. Hindi pa rin sya kumakalas sa pagkakayakap sa akin.
"I can see." uneasy nyang sabi sa amin.
"Anyway Dad, I have a free ticket from my friend going to Malaysia. Go there and pamper yourself."
"Bakit hindi na lang kayo ni Demi ang pumunta?" Nagtataka naman si Gardo.
"We're busy. And we want to prepare for our wedding as soon as possible so we can't relax for now. Maybe after the wedding." Tumingin si Rafael sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.
"Well, I guess I'll accept it."
Napangiti si Rafael sa sagot ng kaniyang ama. Sinasabi ko na nga bang isa ito sa mga ways niya para mapalayo ang Dad niya sa Mama ko.
"Want to eat Dad before going?"
Wait! Bakit yayayain pang kumain?
"Sure."
<3
This is bullshit! Bakit kailangan pa kasing yayain yang si Gardo na kumain dito? Now, we are acting as a sick couple that madly in love with each other... Which is NOT!
Nakakailang lang yung mga pagtitig ni Rafael sa akin, yung mga skinship nya sa akin na hindi naman dapat, bakit nakikita ba ni Gardo yung paghawak nya sa hita ko? Asar! Plus pa yung pagtawag nya sa akin ng iba't ibang endearment. Hayy.. Ang mas malala, may audience pa kaming matanda. Baka isipin nya nanunuod sya ng chick flick or worse, nanunuod sya ng p**n.
After so many decades.. Well, 2 hours, umuwi na rin si Gardo. Laking hinga ko nun. Parang nabunutan ako ng tinik.
Naupo na lang ako sa couch habang nanunuod ng TV. Kahit ano lang naman pinapanuod ko. Palipat-lipat. Boring.
Tiningnan ko si Rafael, ayun naghuhugas ng pinagkainan namin. Wala ba syang katulong? Nakakapagtaka, everything about him screams RICH but now seeing him doing chores, na kaka.. Nakaka.. Tuwa. Para kasi akong yung may-ari ng bahay at sya yung muchacha ko.
Tama na nga. Manunuod na lang ako. Ayoko pa umuwi kasi si Mama lang makikita ko, naguguilty na rin kasi ako. I don't want her to sacrifice her happiness for me. Yun yung pakiramdam ko ngayon pag kasama ko sya. Parang ang bigat lang. Pero buo pa rin ang decision ko na paghiwalayin sila ni Gardo.
"here."
I looked up at nakita kong may inaabot syang kupitang may wine.
"Thanks." Tinangap ko na lang. Sya rin may dala para sa kanya. Umupo sya doon sa pinakamalayong upuan mula sa akin. Tsk!
Awkward! Ano naman kasi sasabihin namin sa isa't isa? Kitang magkaaway kami.
Silence..
Silence..
Tsk! Hindi ko na kaya. "Bakit ka na lang biglang walang paramdam?! Alam mo bang galit na galit ako sayo kaya ka nagtatago sa akin?"
Hindi sya sumagot. Napakainam.
"Ano??"
"What is him to you?" Tinanong nya rin ako.
"Who?"
"Angelo."
Sino nga ba sya sa akin? "...."
"Aside from him being your boss."
Bakit ganito ang tanong? Truth or Dare ba ito?
"Demi, answer me."
"Nanliligaw sya sa akin. Okay na?" Makapagdemand naman kasi. Real Fiancé ko? Amp! FF ko lang naman sya.
"And do you feel something for him?"
"Ano ba yang mga tanong mo?" Tumayo ako sa kinauupuan ko, inubos ko muna yung wine bago ko nilapag sa center table. "It's none of your business."
"IT IS!" tumayo na rin sya pero parang sya nagulat sa ginawa nya. "I mean... Sinabi ko na fiancé kita.. Pasesnsya na. Kung gusto mo talaga sya babawiin ko yung sinabi ko."
Speechless.. Yun ba yung kinagagalit nya? Wait, hindi pala sya galit kundi naguguilty sa ginawa nya? Bakit parang dissapo--- NAH!!
"Nadala lang talaga ako nun. Ahh.. 9:30 na.. Umuwi ka na sa inyo."
Huh?! "Para mo lang akong utusan eh noh?" Bigla na naman uminit ang ulo ko sa kanya. "Papapuntahin mo ako kung kelan mo gusto tapos papaalisin mo rin ako pag hindi mo na ako kailangan. OO AALIS NA PO AKO. DAMMIT!" Kukunin ko ang bag ko at aalis na ako!
"OO TAMA KA UTUSAN LANG KITA."
Aba! Nakaka!!! GGRHHH! "ANG KAPAL MO!" Sigaw ko bago isara yung pinto.
"AT IKAW ANG PINAKA DEMANDING NA UTUSAN." Lumabas na rin sya ng pinto habang ako papasakay sa elevator. "Sige umuwi ka na. Yung card sayo na yan. BAHALA KA NA SA BUHAY MO KUNG GUSTO MONG PUMUNTA DITO O TUMIRA NA DITO. TSS.."
Ano?
Asa namang pupunta pa ako dito! Ang yabang! Kapal ng mukha! Pero bakit parang ikinatutuwa ko pa yung sinabi nya? Tsk.