Don't dress too slutty or get really pissed/be rude. TBH if you're a relatively nice person you can't go far wrong--- Myron_R_Gainsborough
CHAPTER 6: MEET HIS BESTFRIEND
Why am I here? Why am I here?!
It's Saturday in the morning, the day I could sat around and read as many books as I can but here I am infront of a big mansion. Kanino nga pala ito? Sa bestfriend lang naman ng mapapangasawa ko KUNO.
"Be good. Wag magtataray, at tigilan mo nga ang paghigit pababa ng damit mo pag yan napunit."
Tss.. Hindi na po! At tungkol naman sa dress na ito... Bakit kailangang below the knee? Tsk! Ang hirap kumilos.
Patuloy lang kami sa paglalakad pero wala naman atang tao dito. The place is huge. Nasabi ko na naman dibang mansion ito? Pero ni katulong ata walang nakatira. Sure ba talagang dapat dito kami pupunta. And what's the use of having his bestfriend now? Is he rich? Can I ask him for an interview too? Or maybe I can asked him to marry me baka yun LESS jerk and p*****t.
"RAFA!" A Squeel coming from the second floor echoed around the Mansion and there is a girl in pink.. Sexy, tall and girly. Okay, maybe the bestfriend's sister. "Rafa! Namiss kita!" Sabay yakap ka Perverted Jerk.
"Namiss din kita. How's Paris?" Binalik naman nya yung yakap ni babae. Ohhh.. So, The bestfriend's sister is his girlfriend?
"Fine and I bought a lot of pasalubong for you... Oh! There she is, your fiancee." Napabitaw na sya sa pagkakayakap kay Rafael at mataman naman akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Sure she's different. True love blinds people." Tumango-tango sya na para bang nandidiri.
Is she insulting me?!
"Anyway I'm Kendra Lim Rafa's bestfriend."
WHAT? Kung may iniinom siguro ako nabuga ko na. Talaga lang huh? Etong girly barbie na ito? Sure sya?
"I know you're shock but Kendra use to be a tomb---"
"Shut up Rafa! Ikaw nga jan ang bakla dati."
"As if! Sa tingin mo ba magpapakasal ako ngayon kung bakla ako? Tss.. Ewan ko sayo. Aakyat muna ako sa kwarto mo ah. May shirt pa ako dun diba? Magpapalit lang ako. Napakainit kasi ng damit ko."
That made me speechless for so many reasons. First, this girly was a tomboy before? Second, the first thing I think might not be true and Rafa being gay is the TRUTH. Third, Rafael left his clothes in her room? Uhmmm? Somethings fishy. And I'm not jealous. Just clearing my conclusion.
"So... Demi right?" Tumango na lang ako. "Okay, Demi.. I can't believe that Rafa will marry you. I'm sorry for being mean but I know his type and your not totally his type."
"I know." Matipid kong sabi. Baka kasi kung ano pang masabi ko at masakal itong babaeng ito o kaya naman pasakan ng kung anong bagay yang bibig nya sa kadaldalan. Nakakainis pa naman yung tono ng boses. Napakatinis.
"Maybe he really likes you" Nalungkot nama yung mukha nya na kinabigla ko. "Well, uhmmm.. Alam mo ba dati si Rafa back when we are elementary, nangungunang bully yan."
Hindi na nakakapagtaka.
"Ako naman yung sidekick nya. Kaya nga nasasabihan akong lesbian kasi sya lagi kong kasama at walang babaeng friend. Then when were in higschool he was known as a 'Man of Pranks' like he did everyone in school a blah..blah..blah.."
Lumilipad na ang isip ko. Ayoko nang pakingan ang kwento nya tungkol kay Rafael na kala mo alam nya lahat ng tungkol sa lalaking yun. Kung alam mo lahat, bakit di mo alam na fake lang ang relationship namin? Asar talaga ako sa kanya. Sana manahimik na sya at tigilan na ang pagkukwento! Wala naman akong pakiaalam kay Rafael at sayo!
"Demi? Hello? Back to earth Demi."
Then I snapped back. Kaharap ko pa nga pala itong babaeng ito. Maayos pa at maganda tingnan. Sa utak ko kasi lasug-lasug na katawan nya.
"Yes?"
"I am asking you. How did you met Rafael? I want to know. Wala kasi syang nakukwento sa akin."
Pano kami nagkita? Sa hotel kung saan magtatapat ang mga parents namin na magpapakasal sila. Can I say that? No. What to do? What to say? Can I just make a story? Pano kung may alma na sya ng kaunti? Pano kung iba masabi namin ni Rafael?
"Huh? Uhmm.. It's a long story. Maybe, Rafael can tell you."
"Pero gusto ko na malaman."
Ang kulit mo alam mo yun? Sakalin kaya kita? "Later lunch. Mas maganda kung magkasama naming ikukwento ni Rafael." At pinilit kong ngumiti ng pagkatamistamis.
<3
Lunch na at...
Anong pinagsasabi nitong si Rafael na to? Sa bar daw kami nagkita? As if namang nagbabar ako! That place is full of flirt girls and I'm deinitly not the one!
"What Rafa?" I giggled kahit na ba ang gusto kong gawin ay saksakin sya ng dinner knife na hawak ko. "Hindi kaya tayo unang nagkita dun. Remember sa mall tayo nagkabunggo?"
"Mall?" Nagtataka naman si Kendra. "You went to mall? Without me?"
Hindi ba kaya mag mall ang lalaking ito mag-isa?
"I mean, you won't go malling or shopping if I don't insist." Dagdag pa nya.
"Huh?" Sinisiko naman ako ni Rafa. Masakit ah! "It's an urgent matter. Uhmm.. May kailangan lang akong bilhing..." Siniko nya uli ako.
"Book!" Sabat ko. Sa bookstore lang namang ako nagpupunta pag nagmamall ako.
"Tama. Book. May client kasing sasagutin lang yung deal pag binili ko yung book."
"Oohhh... Tapos?"
"Tapos nagkasabay kaming kinuha yung book you know Why Do Man Love Bitches? That's the book."
What? Sa tingin mo magbabasa ako ng ganyan?! "I--"
"Diba Demi?" Nakangiti sya pero tinatapakn yung paa ko. At yung ibig sabihin nun: 'Makisama ka na lang'.
OKAY! Tss! "Yup."
"Ayun, nagkwentuhan kami saglit tapos niyaya ko sya mag Starbucks."
"Sturbucks?" Ako iinom ng kape dun? I'm a loyal Figaro coffee shop consumer. "Baka Figaro."
"Okay Figaro. Tsk! Doon na kami nagkakilanlan tapos sa bar uli kami nagkita."
Ngayon ako na yung tumatapak sa kanya. Why do he keep insisting that BAR part?
Hindi na ako nakipagtalo pa. Baka humaba pa ang aming magulong kwento basta to summarize it up ganito yun:
5 months ago nagkita kami sa Bookstore at nagkasabay ng kukuning libro then nagkailanganan kami sa pagkuha nung nag-iisang stock ng book. Dahil sa mabait ako pinagbigyan ko sya. Para naman makabawi si Rafa, nilibre nya ako sa Figaro at dun na kami nagkakilala ng lubos. We excahange numbers pero wala na kaming sumunod pang paguusap until we met again at a bar. Mejo lasing na raw ako (which is not true kasi never pa akong nalasing. I don't drink duh?!) at may nambabastos sa akin kaya tinulungan ako ni Rafael (Like I can do it myself. Black belter kaya ako ng Taekwando). Nakilala nya daw ako noon tapos nasukahan ko raw sya at bigla na lang nawalan ng malay (heck!). Dahil daw sa gentleman sya, he helped me check-in in a hotel and didn't took any advantage of me. Pero yun ang simula raw ng lahat. Lagi ko na raw syang tinatawagan (kelan pa?) at nag insist daw akong makipag-date sa kanya to make it up for him. (Eto nakialam na uli ako kasi laging in favor of him) Then, he enjoyed my company. Sya naman ang nagyayang magdate until we become close at yun.. Kami na sa pang 5 date (gusto ko nga 10 kaso lang tinapakan na naman yung paa ko). We are so in love kaya eto kami ngayon engage.
Galing talaga gumawa ng story ng FF ko. Note the sarcasm.