Airah —***— This must be a dream! Walang ibang katanggap-tanggap na rason kung bakit para akong mawawalan ng ulirat dahil sa sobrang sarap at kiliting nagsalimbuyan sa buo kong katawan. May kakaibang init na ginising mula sa kaibuturan ko ang bawat maiinit na haplos at halik sa iba't ibang bahagi ng katawan ko ng di ko naaninaw na lalaki Kakatwang di man lang ako naalarma dahil sa presensiya ng isang di kilalang lalaki rito sa loob ng silid ko at mapangahas na ginagawa sa katawan ko ang mga bagay na wala pang ibang nakagawa. Nagdedeliryo ako sa di maipaliwanag na sensasyon na ayaw kong matigil at gustong-gusto kong malaman kung hanggang saan patungo. Pamilyar ang natural na mabangong amoy na nasasamyo ko mula sa ekstrangherong kasalukuyang nagpakasasa sa katawan ko pero di maalala