Nang tuluyan kaming nakarating sa breakfast table matapos ang higit dalawang oras ay tapos nang kumain ang buong pamilya ko at kasalukuyang nagkakape na lang si Daddy na nakasanayan nitong gawin matapos kumain. Sinadya talaga nilang hintayin kami. Di ko mapigilang kabahan dahil sa isang katulad ng ama ko na bawat segundo ay mahalaga... at nagawa niya talagang maglaan ng oras para maghintay ay nasisiguro kong lahat ng mga mapagdesisyunan sa usapang ito ay papabor talaga rito. Nang saglit na magsalubong ang mga mata namin ay naikuyom ko ang aking mga palad. Wala na palang dapat pag-usapan dahil bago pa kami bumaba ni Calix ay may napagdesisyunan na si Daddy, kitang-kita ko iyon sa kislap ng mga mata niya... at hinintay niya lang kami ngayon upang ipaalam kung ano iyon. As usual... Mikha