Halos kalahating oras nang nagsimula ang birthday party ni Daddy. Nagsidatingan na halos lahat ng mga bisita pero di ko pa namataan ang partikular na bisitang kanina ko pa hinihintay. Paimportante ang magaling na lalaki! "Are you sure Calix is coming?" untag sa'kin ni Ate Lirah. Isang pekeng ngiti ang ibinigay ko rito at agad ding napalis iyon dahil nahagip ng tingin ko ang kamay ni Vonn na nakahawak sa baywang nito. "He will come," sigurado kong sagot bago nagbawi ng tingin. Hindi ako bibiguin ni Calix lalo na at naibigay ko na ang pauna kong bayad sa kanya para sa gagawin niyang serbisyo ngayong gabi. "Oh, there he is," biglang bulalas ni Ate Lirah. Agad kong sinundan ang direksiyong tinitingnan nito. At tulad nga ng sinabi nito ay naroon si Calix. Naningkit ang mga mata ko n