Nang tuluyang magpaalam sina Ate Lirah at Vonn ay tsaka pa lang ako nakahinga nang maluwang. Marahas akong napabuga ng hangin at napasandal sa kinauupuan bago tinapunan nang matalim na tingin ang kasama kong naiwan. "You didn't answer my message," nanunumbat kong panimula. Mula sa pagtingin-tingin sa paligid ng opisina ko ay bumaling sa'kin ang mga mata niya. Isang napapantastikohang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Di mo sinabing kailangan ko palang sumagot sa bawat mensahe mo," nanunuya niyang wika. "I don't like your tone," matalim kong sabi. "I'm sorry, Ma'am," kumiling ang ulong paumanhin niya pero naglalaro pa rin ang nakakaasar na ngiti sa kanyang mga labi. Gusto ko siyang murahin mula ulo hanggang paa dahil malinaw na labas sa