CHAPTER 16 Lulan ng elevator ay pumanhik ako papuntang hotel room ni Adam. Titignan ko kung gising na ito nang sa gano'n ay makapag-usap kami at nang makapagpaalam na rin ako sa kanya ng maayos na sasama ako sa pag-a-island hopping. Maingat kong binuksan ang pinto para lang masaksihan ang topless na babae na nakapatong kay Adam. Magkalapat ang kanilang mga labi. Sa posisyon nila ay sapat nang isipin ko ang masidhing malisya sa kanilang ginagawa. Hesusmaryusep! Useless pala ang pag-order ko ng pagkain. Nakapag-breakfast na pala ang lintik! Nandilim ang paningin ko. Parang wala pang kinse minutos akong nawala tapos ganito na ang madadtnan ko? Bago pa man maghiwalay ang katawan ng dalawa ay nahatak ko na ang buhok ng babae atsaka walang habas na sinabunutan at sinampal. Gigil na gigi