CHAPTER 2: The OB Gyne Doctor

1192 Words
Binasa ko ang nasa pinto. Dr. Alexander Lorenzo! Babasahin ko pa sana ang nasa ibaba nun nang makarinig ako ng tinig mula sa loob. "Come in!" Pagkarinig ko nun ay pinihit ko na ang doorknob tsaka pumasok sa loob. May lalakeng nakaupo akong nakita. Nakapikit siya habang hinihilot hilot ang sentido niya. Nagmulat siya ng mga mata at tumingin sa'kin. Ang pogi naman ng Doctor na 'to! Parang pamilyar ang mukha niya. Iniisip ko kung saan ko siya nakita. Ngumiti siya at namumungay ang mga mata na nakatitig sa'kin habang papalapit ako sa kanya. "Hey, it's you!" Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya. Feeling ko familiar din ang boses at ngiti niya. It's you??? Nagtaka ako sa sinabi niya. Nagkita na ba kami? I couldn't stop myself from staring at his face as I approached him. I think nasa mid 30's ang age niya. Napaka gwapo, perfect jawline, matangos na ilong, may kakapalan ang kilay niya at manipis ang labi. Maputi din siya. Hinagod niya ng kamay ang buhok niya. Mabilis na sumabay ang mga hibla nun. Oh gracious, this doctor is a hot freaking man and he's totally my type of guy! Hindi ko napigilang mapangiti sa kilig. Siya yung tipong makalaglag panty sa kagwapuhan. Parang nakikita ko sa kanya si Nadech na Thailand actor. Crush na crush ko ang actor na yun. Pakiramdam ko tuloy kahit buong araw ko titigan ang mukha niya ay hindi ako magsasawa. Namumungay naman ang mga mata niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Bukod sa black tube na suot ko ay naka-black skirt din ako ng hanggang tuhod. Fitted yun at may slit sa left side kaya nasisilayan din ang legs ko. Pansin kong bahagyang namumula ang mukha niya. Parang nakainom siya ng alak. "So, what can I do for you my dear!" Nilahad niya ang kamay sa isang upuan sa tapat niya para umupo ako dun pero tumayo lang ako. My dear?? Ganun ba niya tawagin ang mga pasyente niya. Parang nang aakit ang mga mata niya habang nakatitig sakin. Naiihi na ko at pakiramdam ko lalo akong naiihi sa kilig sa kagwapuhan niya. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at tumingin sa name plate na nakapatong sa table niya. Binasa ko yun. Dr. Alexander Lorenzo, Obstetrics, Gynecologist Nawindang ako nang mabasa yun. Bakit ako nasa OB Gyne, anong konek ng pagbangga ko sa kotse sa kipay ko. Feeling ko nagkamali ako ng pinasok na clinic. "Ahm.. kasi po Doc nabangga ako ng kotse- !" Natigil ang mga sasabihin ko pa ng magsalita siya. "What? What happened? Are you alright? Mag isa ka lang ba? diba may mga kasama ka?" Nag iba bigla ang mood niya. Para siyang nagpa-panic. Nasa itsura din niya ang pag aalala sakin. "Kasama?!" Nagtataka ako na kinikilig sa reaction niya. "Yeah! wait... so dito ka nirecommend ng nurse?" Nakakunot ang noo niyang tanong. Pakiramdam ko hindi gumagana ang utak ko dahil hindi ko maiproseso lahat ng sinasabi niya at nangyayari. "Napaupo po kasi ako sa kalsada kaya masakit yung bandang ano ko kanina!" Nahirapan akong sabihin na sumakit yung pwet ko. "Oh okay!... You may have had a genital injury!" Para akong robot na tumango sa sinabi niya kahit alam kong hindi ganun yun. Nararamdaman kong walang diperensya sa private part ko pero para akong wala sa sistema dahil sa presensya ni Doc na ang tanging nagagawa ko lang ay umayon sa sasabihin niya. Tumayo siya at tinungo ang kama. "Come over here, let me see it!" See it! Anong titignan niya? Yung kipay ko?! Nanatili ako sa pwesto ko. Naalangan akong lumapit sa kanya. Bukod sa chatmate bf kong si Allister na amerikano ay wala nang iba pang nakakita sa perlas ko. Kahit naman ganito ako ay hindi ako papayag ng basta basta na lang may makakita at makahawak ng p********e ko. "Hmm, are you afraid?" Napakunot noo siya. Kinagat niya ang ibabang labi niya tapos ay dinilaan yun para basain. "Eh kasi po-!" Napakamot ako ng ulo ko. Tumaas ang sulok ng labi niya. Mukhang nabasa niya sa mga mata ko ang pag aalangan. "Calm down miss-!" Naghihintay siyang sabihin ko ang pangalan ko. "Pearl!" I said. He smiled. "Hmm Pearl, nice name!" "I'm Doctor Alexander Lorenzo." Lumapit siya sa'kin at nakipag shakehands. Parang casual lang na nagpapakilala ang dating nun sa'kin. "I guess they already informed you at the front desk about my specialization." Sabi niya matapos naming magshake hands. "Ahm eh actually hindi ko narinig yung sinabi ng nurse." Sabi ko ng maalala yun. Napasuklay ako ng buhok ko gamit ang mga daliri ko. Napatitig naman siya sakin at nagspark uli ang mga mata niya. Ganun yung mga matang nakikita ko sa mga lalake na nahuhumaling sa ganda ko. Pati pala sa professional doctor ay umuubra din ang karisma ko. "Oh I see. That's why you're shocked!" Bahagya siyang tumawa. Oh my gosh ang cute niya tumawa. Ang sarap kurutin ng pisngi niya at i-kiss. What? I-kiss?bakit ganun agad yung takbo ng utak ko?! "Miss Pearl, I'm a professional OB gynecologist. Everyday for the past 8 years, I'm examining women's private part. So you don't have to worry sanay na sanay na 'ko. I've seen a lot of that. I've seen different color, size and even the smells." Nasa titig niyang parang kinukumbinsi akong pumayag at maniwala sa mga sinasabi niya. Para naman akong nahiya sa sinabi niya. Feeling ko nagba-blush ako. "To me, there's no malice in it. Trabaho lang 'to para sa akin at walang halong malisya. Ewan ko lang sayo!" He teased me. "Of course not. Hindi lang po kasi talaga ako komportable Doc. Wala pang nakakahawak na lalake sa'kin. Virgin pa 'ko!" Nakagat ko ang dila ko. Tama bang sabihin ko pa yun. Ni hindi nga ako sure kung virgin pa ngang matatawag yun. Si Allister na chatmate ko ang first bf ko at nasa america siya. Video chat ang madalas naming communication. Sa isang taon naming magjowa ilang beses na kaming nag SOC at ang sarili kong daliri ang may sala ng lahat. Pansin kong parang nasorpresa ang mukha niya sa sinabi kong virgin pa ko. Bakit? Nasa itsura ko bang hindi na virgin. Ang judgemental naman ng doctor na 'to. "Alright! You don't have to worry. Again, walang malisya 'to! I understand what you feel dahil ganyan din ang reaction ng mga babaeng nagpa check up sa'kin sa umpisa but later naging komportable din sila. Don't worry akong bahala sa'yo hindi naman kita kakainin eh!" Malakas siyang tumawa. Ang sarap niya talagang tignan kapag tumatawa. Parang gusto ko tuloy magpakain sa kanya. Tumingin at tumitig uli siya sakin. Parang may kung ano sa titig niya na nahihipnotismo ako. Biglang kumalma ang pakiramdam ko. Tingin ko ay tama din naman siya, na baka ako lang ang naglalagay ng malisya dito. "So let's proceed!" Tinapik niya ng kamay ang kama. Gusto niyang pumunta na ako dun. Tumingin uli ako sa kanya at pakiramdam ko ay parang nahihipnotismo na naman ako sa titig niya. Nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad patungo sa kama at umupo sa gilid nun. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD