CHAPTER 1: The Accident

1610 Words
"Come on Pearl let's dance!" Hinila ako ni Faith sa dance floor. Bigla akong nakaramdam ng hilo habang hinahatak niya ko papunta sa dance floor. Hindi ko na mabilang kung ilan yung bote ng nainom kong alak. Mild lang naman yun pero mukhang tinatamaan na ko ng kalasingan. Pagdating sa dance floor ay nagsayawan kami. Humihiyaw kami kasabay ng pag indayog ng katawan. Panay ang giling ko ng katawan ko kaya alam kong may tama na nga ako ng alak. Tumingin ako sa paligid. Ilang pares ng mga mata ng mga kalalakihan ang nakamasid sa'kin. Hindi ko naman sila masisisi kung matulala sila sa ganda at karisma ko. Panay ang sway ko sa straight hair kong kulay pula at lampas sa kili-kili ang haba. Last week lang ng magpakulay ako ng buhok. Pinagalitan pa ko ng isang professor sa university namin dahil sa kulay ng buhok ko. Bawal daw yun pero marami namang estudyante ang may ganun ding kulay. Dahil pasaway din ako ay hindi ko pa rin yun pinapalitan ng kulay. "Hi!" Napalingon ako sa likod ng marinig ang tinig ng isang lalake. Nakangiti siya habang nakatitig sa'kin. Bahagya kong binagalan ang paggalaw ng katawan ko. "Are you having fun, Miss beauty?" "Huh?!" Nakakunot ang noo kong sabi. "Ahm I'm Paul, and you are?" "Pearl!" Ngumiti ako. Gwapo siya pero hindi ganun ang type ko. "Oh nice name, Pearl. Very pretty like you!" His eyes sparkled. Yung ganung tingin ng lalake alam kong may gusto sa'kin. "Where're you from?" He asked. "Lateneo!" Sagot ko. "Oh really! So magkalapit lang tayo ng school. I'm from UPI." He said smiling. "Can I take you to our table. My friends want to meet you too." Malakas ang music kaya nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko para marinig ko yung sinabi niya. Tinuro niya yung table nila. Kumaway yung ilang kalalakihan na nandoon. "Go girl!" Bahagya akong tinulak ng kaibigan kong si Arelle gamit ang balakang niya palapit kay Paul. Hinawakan ako ni Paul sa braso para alalayan papunta sa table nila. Naisip kong magpapakilala lang naman kaya sumama na din ako. "Guys, she's Pearl!" Pakilala sa akin ni Paul sa mga nandoon. Nag uunahang lumapit sa akin ang mga lalake para makipag shakehands. Sinasabi nila yung mga pangalan nila pero wala akong natandaan ni isa. Lima silang lalake na nandoon. "Let's cheers!" Inabutan ako ni Paul ng basong may alak. Kinuha ko yun at nakipag toss sa kanila. Ininom at inubos ko yun. Nang maubos ko yun ay nagpaalam na kong babalik sa mga kaibigan ko. Pinipigilan nila ko pero wala rin silang nagawa nang umalis na ko. Nasa table na ang mga kaibigan ko pagbalik ko. "What happened there?" Faith asked. "Nakipagkilala lang!" Sagot ko. Kinuha ko yung isang bote ng sanmig light at ininom yun. "Let's play a game!" Napatingin ako kay Aiza nang sabihin niya yun. "Okay! Spin the bottle!" Kinuha ni Liane ang isang boteng wala ng laman. "Game ako jan!" Natuwang sabi ni Krista. Anim kaming magkakaibigan ang naghang out sa bar na yun. Weekend naman at walang pasok kinabukasan. Pare pareho kaming 3rd year college sa course na Physical Therapist. Sinimulang paikutin ni Liane ang bote. Tumapat yun kay Faith nung tumigil. "Dare!" Mabilis niyang sabi. "Lapitan mo yung lalakeng naka red na yun tapos sayawan mo!" Tinuro ni Liane yung lalakeng nakaupo sa tapat namin. Agad namang sumunod si Faith. Lumapit siya sa lalake. Hinawak niya ang dalawang kamay sa balikat nito at gumiling. Panay ang hiyawan ng mga lalakeng kasama ng lalakeng sinasayawan niya. Bumalik na siya sa amin matapos ang dare niya. Naghiyawan din kami pagbalik niya. Pinaikot naman ni Faith ang bote at sumentro yun kay Aiza. "Natatakot ako sa ipapagawa niyo sakin kaya truth na lang!" "Hays ang boring mo naman!" Sambit ko. "Okay truth, choice mo yan ha!" Pilyang sabi ni Faith. "Saan at kailan yung huling beses na nagsex kayo ni Jaypee?" Nagtawanan kami sa tanong ni Faith. "Ahm... Kanina lang sa CR sa admin building!" Mahinang sabi ni Aiza. Naghiyawan kami. "Huy grabe ang tindi niyo, nakapag s*x kayo dun!" Bahagyang tumawa si Arelle. "Oo, masarap nga eh may thrill!" Nagtawanan kami. Pinaikot na ni Aiza ang bote at tumigil yun sa akin. "Dare!" Mabilis kong sabi. "Dare ha. Siguraduhin mong gagawin mo to!" Sambit ni Aiza. "You know me! Wala akong papalagan!" I flipped my hair. "Take off your bra and wave it!" Naghiyawan ang mga kaibigan ko. Napatingin ako sa paligid. Parang nakakuha kami ng atensyon sa paligid sa ingay namin dahil nakatingin sila sa amin. Naalangan man, ginawa ko pa rin. Hinubad ko yung bra ko at winagayway yun paikot sa ere. Naka-tube ako kaya strapless bra ang suot ko. Naghihiyawan at palakpakan ang mga kaibigan ko pati na rin ang ibang kalalakihang nanonood sa amin. Hindi ko napansin na napapalakas yung wagayway ko sa bra ko. Tumilapon yun sa kung saan. Nang sundan ko nang tingin kung saan yun babagsak ay na-shock ako nang saktong bumagsak yun sa mukha ng isang lalakeng nakaupo sa bar counter. Dali dali akong lumapit doon. "Sorry po!" Sabi ko sa lalakeng nahagisan ko ng bra. Hawak na niya yung bra ko. "It's okay!" He said in a husky voice. Tumingin siya sa dibdib ko. Napatingin din ako dun. Bahagya na palang nakababa ang black tube na suot ko. Kitang kita ang cleavage ko. Nakabakat pa yung n****e ko dahil wala akong suot na bra. 34 ang bustline ko kaya may kalakihan yun. Nakita ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa labi ng lalake. Napahatak ako pataas sa tube ko para itago ang lumabas dun. Inabot niya sakin yung bra ko. Umalis na ko pagkuha ko nun. Nagtatawanan ang mga kaibigan ko pagbalik ko sa kanila. May ilang minuto pa kaming naglaro hanggang sa tumigil na kami at nagkayayaan ng umuwi. Sinundo si Liane at Aiza ng mga boyfriend nila kaya nauna na sila. Si Arelle, Krista at Faith ay pareho ang way pauwi kaya magkakasama sila sa isang taxi. Naiwan akong naghihintay ng taxi pagkaalis ng tatlo. Nakakaramdam ako ng hilo dahil sa kalasingan ko pero kaya ko naman ang sarili ko. Ilang beses ko ng ginagawa to kaya sanay na ang katawan ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bag. May 300 pa ko. Kasya pa yun na pambayad ng taxi. Bukas pa ko padadalhan ng pera ni Mama na allowance ko for the whole month. Nasa probinsiya ang pamilya ko. Tanging ako lang ang nandito sa Manila para mag aral ng kolehiyo. Sa bahay ng tita ko ako nakatira. Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Gusto ng magulang ko na dito ako sa Manila mag aral ng kolehiyo dahil mas mataas daw ang antas ng edukasyon kahit tingin ko ay pare pareho lang naman. Syempre hindi na ko umayaw dahil gustong gusto ko rin yun. Bigla akong naguilty dahil walang alam ang mga magulang ko sa pinaggagagawa ko sa Manila. Isasara ko na yung wallet ko nang bigla yun dumulas sa kamay ko. Muntik na mahulog yung wallet mabuti nahawakan ko uli, kaso nahulog yung 20 pesos coin ko at gumulong. Sinundan ko yung paggulong nun. Hindi ko napansin yung papalapit na kotse at madaplisan ako sa balakang. Napaupo ako sa kalsada. Huminto yung kotse. May babaeng tantya ko ay nasa edad 60 ang bumaba dun at lumapit sa akin. May kasunod siyang lalake na tingin ko ay asawa niya. "Oh my goodness! Sorry miss! Okay ka lang ba!" Nataranta niyang sabi. "Okay lang po!" Sagot ko. Hindi naman gaanong masakit ang balakang ko. Yung pwet ko ang medyo masakit nung napaupo ako. "Are you sure? We'll take you to the hospital para makasigurado" Sabi ng lalake. "Ay hindi na po masakit lang yung pwet ko dahil napaupo po ako." Protesta ko. "Sumama ka na samin. May malapit namang ospital dito eh para macheck up ka baka nabalian ka!" Wala akong nagawa ng hawakan nila ko sa magkabilang braso at inalalayan sa pagtayo at paglalakad hanggang sa kotse nila. Dinala nila ako sa ospital. Kinausap ng mag asawa ang nurse na nasa front desk ng ospital. Ako naman nakaupo lang sa waiting area. Natuwa akong mabait yung mag asawa. Dinala pa nila ako sa ospital para macheck up kahit hindi naman kailangan. Wala na kong nararamdaman na masakit sakin. Nawala na din ang pagkahilo ko dahil sa kalasingan. Ang tanging nararamdaman ko lang ay naiihi ako. Lumapit sakin ang mag asawa. Binilinan nila ako na maghintay na tawagin ng nurse. Umalis na din sila dahil may pupuntahan pa raw sila. Binayaran na nila yung checkup fee ko at inabutan din ako ng pera. Nahihiya man na kunin yun ay kinuha ko na rin. Dagdag allowance ko rin yun. 5,000 yun nung binilang ko. Binigay din nila yung cellphone number nila para matawagan ko daw sila kung may problema. Pag alis nila ay naisipan kong umalis na rin dahil wala namang problema sakin. At isa pa kailangan kong maghanap ng CR dahil naiihi na talaga ko. Pagtayo ko ay siya namang tinawag ng nurse ang pangalan ko. "Pearl Fajardo!" Lumapit ako sa nurse. "Proceed to Doctor ----" Hindi ko naintindihan ang sumunod niyang sinabi dahil biglang may nag page. "Ano po yun?" Tanong ko. "Yung clinic sa left side." Sagot niya. Tinuro niya yung isang hallway. May taong lumapit sa kanya at kinausap siya kaya doon na nabaling ang pansin niya. Tinungo ko na lang yung sinasabi niyang clinic. Left side daw. Dalawa yung kwartong nandoon. Hindi ko alam kung alin doon kaya yung kwartong nasa tapat ko ang napili kong pasukin. Kumatok muna ako. Binasa ko ang nasa pinto. Dr. Alexander Lorenzo ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD