Magda's Pov. NAALIMPUNGATAN akong nagising dahil sa nakakasilaw na liwanag na nangagaling sa glass na bintana dito sa kwarto ni Steve. Bumangon akong masakit ang kasu-kasuan lalo na ang gitna ko. Halos gabi-gabi kaming nagtatalik at nakakailang rounds kami. Nakakainis nga kasi hindi ako makaayaw. Sa t'wing magdadantay ang balat niya sa akin ay nanghihina ako. Pakiramdam ko ay hinehele ako para ipikit ang mata at sumabay sa agos. "Good morning, baby." Nakangite nitong bungad sa isang tabi. "Kanina ka pa d'yan?" Konot-noo kong tanong dahil ngayon lang ito nagsalita kahit na kanina pa ako bumangon. "Yeah. Pinagmamasdan kita habang nakapikit. Kinakantahan pa nga kita kaya ka siguro nagising. Nadisturbo ba kita, baby?" Pag-aalala nitong tanong at tumayo sabay lapit sa akin. Sumeryoso