Bulaklak sa Tag-ulan

Bulaklak sa Tag-ulan

book_age18+
22
FOLLOW
1K
READ
submissive
small town
harem
affair
seductive
like
intro-logo
Blurb

Marupok man ako sa inyong paningin, nangangarap din ako na mahalin. Maganda at palaban,-- Nenita ang itawag mo sa akin.

Huwag kang lilingon. Huwag mo akong titigan. Huwag kang patutukso sa aking kagandahan. Dahil ang mukhang ito ay isa lamang pambayad-utang.

Ano ang naghihintay sa isang bulaklak na basang-basa sa ulan?

chap-preview
Free preview
Unang Pagdantay
UWIAN na ng night class ng Dr. Aurelio Zamora Memorial College. Kasalukuyang umaambon at malamig ang simoy ng hangin. Dama ni Luis ang nanunuot na lamig kahit na nakasuot siya ng sweatshirt at school uniform. Marami siyang kasabay na mga estudyante na natambay sa waiting shed. Dumaan sa harapan nila ang pamilyar na pigura ng nakatungong babaeng estudyante. Agad siyang tumabi dito. “Pasabay ha.” Nabigla man sa ginawi ng kaklaseng lalaki ay hindi na umimik si Nenita. Inaasahan naman iyon ni Luis. Ilang araw na kasi siyang iniiwasan nito. Sumabay siya sa paglalakad nito. Iisa lang naman sila ng daan pauwi. Habang naglalakad ay inoobserbahan ni Luis ang kasabay na babae. Tahimik lang ito. Naririnig niya ang malakas nitong paghinga, halatang na- tense sa pagsabay niya rito. Pigil ang pagngiti, hinawakan niya ang kamay nitong may hawak ng payong. Bahagyang nagulat si Nenita sa paghawak niyang iyon. “Baka mapagod ka kaya dalawa na tayong hahawak.” Bumuka ang bibig ng babae, pero walang nanulas na salita mula rito. Natuon ang kaniyang pansin sa mainit na kamay ni Luis, lalo nang nilikot-likot nito ang hinlalaki na parang minamasahe ang kamay ng babae. Pinigilan niya ang malakas na paghinga, sinikap na kumalma. Natuon ang paningin ni Luis sa malusog na dibdib ng kasabay. Kahit nakasuot ng uniporme ang babae ay halata pa rin ang magandang hubog nito. Napalunok siya ng laway. Naramdanan na naman niya ang pamilyar na init ng katawan, ganito ang nararamdaman niya tuwing tinititigan niya si Nenita. Bumuhos ang malakas na ulan. Idinikit ni Luis ang bisig niya sa bisig ng babae, causing friction. Nagkatinginan sila. Idinikit niya ang katawan sa katawan ni Nenita. Napansin niyang itutulak sana siya ng babae pero hindi nito itinuloy, kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na hapitin ang babae. Napaawang ang bibig nito kaya sinunggaban niya ito ng mapusok na halik. Matagal na niyang pinanabikang maangkin ang babae. Ilang gabi na rin siyang halos mabaliw sa kaiisip dito. Ilang saglit lang ay isinandal niya si Nenita sa isang pader. Nahulog ang dalang libro ng babae pero hinayaan lang nila itong mabasa ng ulan. Habang naliligo sa ulan ang libro ay pinaliliguan naman niya ng halik si Nenita sa leeg nito. “Luis, gago ka! Bakit dito?” Nagrereklamo, pero nakasalikop ang mga bisig niya sa leeg ni Luis. Sinabunutan siya ni Nenita sa buhok habang tinatanggap nito ang mga halik at paghimas niya sa umbok ng dibdib ng nito. Tinanggal niya sa balikat ang bag nito at binitiwan. Itinaas niya ang dalawang kamay ng babae at ibinuka ang mga hita nito. Dinunggol niya nang dinunggol ang kaselanan ni Nenita habang tinititigan niya ang reaksyon nito. Ipinasok niya ang dalawang kamay sa palda nito at nilamutak niya ang puwet ng babae. Napasinghap si Nenita. “Ituloy na natin ‘to!” bulong niyang puno ng pagnanasa. “L-Luis!...” “Sige na!” Halos pakurot niyang hinawakan ang kaselanan nito kaya ito muling napasinghap. “M-makikita tayo.” Sandaling luminga-linga sa paligid ang lalaki. “Walang tao. Sandali lang ‘to, sige na.” Paharap sa pader, pinagbigyan ni Nenita ang lalaki. Kagat-labi niyang tinatanggap ang bawat pag-ulos nito sa kaniyang kaselanan. Sarap na sarap naman sa ginagawang pag-ulos sa babae si Luis. Basang-basa ang masikip na ari ni Nenita kaya parang mababaliw siya sa sarap. “Nenita, ang sarap mo!” “Hmmmnhh!... Bilisan mo, baka makita tayo!” Halos pabulong ang pagkakabigkas ng babae. Malapit lang kasi sila sa kalsada kaya hindi imposibleng may makakita sa kanila. Lalong na-excite si Luis. Lalo siyang nasarapan. Gusto niyang bilisan pero ayaw niyang matapos ang sarap na nararamdaman. Kung puwede lang ay iuwi na niya si Nenita. Ayaw na niyang tanggalin ang kaniyang ari sa p********e nito. “Wow! Tigas na tigas!” Iba na ang may-ari ng boses na iyon. Nagmulat siya ng mga mata. Hindi si Nenita ang nasa harapan niya kundi si Karen. At wala silang klase ngayon dahil sabado. Nanaginip lang pala siya. Isang masarap na panaginip na ikinatigas ng kaniyang p*********i, bagay na ikinalaki ng mga mata ng babaeng biglang pumasok sa kuwarto niya. “Aga mo, a,” sabi niyang nakasimangot. “Nag wet dream ka? Ako ba ang napanaginipan mo, love?” Love ang tawag nito sa kaniya. Hindi niya sinagot ang babae. Tumungo siya ng banyo, doon niya itutuloy ang napanaginipan. SA kabilang dako ay abala sa pagsasampay si Nenita. Naririnig niya ang matitinis na paghalakhak ng mga kapatid niyang sina Divina at Jocelyn mula sa may burol. Nangingiti siya habang pinakikinggan ang masayang paglalaro ng dalawang nakababatang kapatid. Pero sandali lang ay napakunot-noo siya. Batid niyang may ginagawa na namang kalokohan ang mga kapatid niya sa may halamanan. Kapag nandoon kasi ang dalawang iyon ay hindi nila nililisan ang burol na walang napipigtal na talulot ng mga bulaklak doon. Kung ano-ano kasi ang ginagawa ng dalawa doon ayon sa kanilang imahinasyon, at ang kawawang mga bulaklak ang lagi nilang nabibiktima. Hinayaan na lang niya ang dalawa na mag-relax doon, tutal ay tapos na sila sa paglalaba. Sinigurado niyang maayos ang pagkakasampay ng lahat. Sabado ngayon at natambak ang labada nila kaya sa may ilog malapit sa burol nila napagdesisyunang maglaba. Halos kasisikat lang ng araw kanina ay nagsimula na silang maglaba. Inipit niya sa apat na dulo sa pagkakasampay ang mga kubre-kama para madaling matuyo. Tinitiis niya ang init ng araw, tinitiyak niyang matutuyo ang lahat nang nilabhan nilang laman kanina ng dalawang bangkat at isang banyera. Habang nakataas ang dalawang kamay sa pag-aayos ng sinampay ay napapikit siya. May naalala siyang eksena. Sumabay sa alaalang iyon ang isang mainit na damdamin. Ang pagdantay ng isang kamay ng lalaki sa kaniyang tiyan habang nakataas ang dalawa niyang kamay at iwinawagayway ang dala niyang placard ay nagdulot ng kakaibang sensasyon sa kaniya. Ang pagdantay ng kamay na iyon ni Luis ang dahilan ng paghinto ng pagwagayway niya ng placard. Unang lalaking nanghimasok sa inosente niyang p********e. Si Luis ang pumukaw ng mainit na sensasyong hindi pamilyar sa kaniya. Sabay sa alaala ng sandaling iyon ang pagbabalik ng kakaibang damdaming iyon. Napasinghap si Nenita. Gusto niya bang maulit ang sandaling iyon? May dumaloy na damdamin sa kaniyang katawan mula sa dibdib pababa sa kaniyang puson. Nagtataka siya sa bagong karanasan, sa kasalukuyang nararamdaman. Ganito ang nararamdaman niya sa tuwing nagkakatitigan silang dalawa ni Luis mula noong araw na pinangahasan nitong hawakan ang kaniyang tiyan, o ang kaniyang puson. May iniwan bang kung anong bagay si Luis sa kaniyang puson at lagi niya itong naaalala? Hinahanap niya si Luis. Hinahanap ng kaniyang katawan ang ganoong sensasyon. Simpleng pagdantay ng kamay, pero bakit may hatid na kakaibang sensasyon sa kaniyang p********e? Ano ang nangyayari kay Nenita? Tinatanong niya ang sarili kung nababaliw ba siya. Si Luis ay kababata niya dito sa San Marcelino. Pero lumaki silang magkaiba ng paaralan. Sa public school siya nag-aaral at si Luis ay sa private school naman. Ngayong kolehiyo lang sila naging magkaklase, mula nang naging scholar siya sa pinapasukang paaralan ni Luis. Business Management ang kinukuha nilang kurso, at dahil ayaw niyang mapahiya sa kababata ay nagpapakitang-gilas siya sa paaralan. Pareho nilang pinili ang schedule ng night class. Bilang scholar kasi ay nagdu-duty siya sa library sa araw. Si Luis naman ay nagma-manage ng sarili nitong hotdog stall sa school canteen bilang pagpa-practice ng kaniyang entrepreneurship skills habang nag-aaral. Hindi siya aktibista, pero isang manggagawang nagrereklamo ang role niya sa drama nila. Bahagi iyon ng midterm exam nila upang i-demonstrate ng grupo ang management skills. Si Luis ang manager ng kumpanyang pinagwewelgahan nila sa drama. Naalala pa niya kung paanong iniiwasan niya ang mga tingin ni Luis sa kaniya upang maibuhos niya ang emosyon ng isang manggagawang humihingi ng pagbabago sa kumpanya. Grado niya ang nakasalalay. “Paano kami mabubuhay sa 8k monthly? Mahal na ang mga bilihin ngayon! Taasan ang suweldo ng tapat na manggagawa!” Wala siyang pakialam kung lumalabas ang litid niya sa pag-i-emote ayon sa linya niya sa script. Marunong yata siyang umarte kahit na walang talent fee. Para sa grado, iiyak siya kung kinakailangan. Hindi siya naging iskolar kung hindi niya ibinibigay ang todo niyang kakayahan. Always giving her best, para manatiling scholar, dahil mahal ang tuition fee. Gusto rin naman niyang maging star para magustuhan siya ng mga guro. Tapos na ang linya niya, tanging gagawin na lang niya ay sumabay sa grupo sa pagwagayway ng placards. Isang pagdantay ng kamay ni Luis sa ibabang bahagi ng kaniyang tiyan ang nakapagpatigil sa kaniya sa pagwagayway ng placard. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang batok. Tila may dumaloy na kuryente sa katawan ni Nenita. Bahagya siyang napalingon kay Luis. Nakita niya ang pag-igting ng panga nito habang humahakbang papalayo sa kaniya. Hindi sinasadyang dumako ang kaniyang paningin sa harapan nito. Napaawang ang kaniyang bibig sa bumakat na matigas na bagay doon. Parang may naninigas na gustong kumawala doon. Napasinghap siya nang mahuli siya ng lalaki kung saan siya nakatingin. Agad siyang nagbawi ng tingin. Nawala na siya sa wisyo. Hindi na siya halos makakilos. Tila may ulap na nakaupo sa kaniyang bumbunan at tumatabon sa kaniyang paningin habang naglilitanya si Luis ng linya niya. Bahagya pa ring nagsi- sink in sa kaniya ang mga pangyayari habang pinapalakpakan ang kanilang grupo. Ang pagtama ng paningin nilang dalawa ni Luis ang nagpalakas ng pagsikdo ng kaniyang dibdib. Ito ang tila gumising sa tila nauulapan niyang isipan. “Exempted na kayo sa written exam for this midterm,” ayon ni Mrs. Antes. Naghiyawan ang grupo sa tuwa. Napangiti si Nenita. Gusto niyang humiyaw rin sa tuwa pero walang lumabas na boses sa bibig niya. Nako-conscious na siya sa presensiya ni Luis na ngingiti-ngiti habang kaharap ang mga kagrupo nila. “Ate, naglalaro ka ba ng statue dance na mag-isa?” Boses ni Divina iyon mula sa kaniyang likuran. Nanunudyo ang pagkakangiti nito. Ni hindi niya ito namalayan habang papalapit sa kaniya. “Iniisip mo si Fabio, ‘no?” “Ssshhh! Fabio ka diyan!” Si Fabio ay matagal nang crush ni Nenita. Senior nila ito ni Luis at pareho sila ng kinukuhang kurso. “Basta si Fabio, ‘di baleng matusta ka na ha, ate “ at tumawa ito nang may panunudyo sa kapatid. Saka lang naramdaman ni Nenita ang hapdi ng balat niya dulot ng init ng sikat ng araw. Kung hindi siya nahinto sa pagbabalik-tanaw niya ay baka nga natusta na siya. “Di ka papansinin ni Fabio ‘pag uling ka na, ate. Morena ka pa naman, sandali lang uling ka na niyan,” patuloy niya sa pambubuska sa kapatid. ‘Papansinin naman ako ni Luis!’ Bigla niyang pinalis ang isipang iyon. Sinaway niya ang sarili sa naisip niyang iyon. Si Fabio ang crush niya. Part ang lalaking iyon kung bakit ginusto niyang mag- Business Management sa paaralang iyon, para mapalapit kay Fabio. Si Luis ay hindi kasama sa goal niya. “Nasaan si Jocelyn?” “Andu’n, nag-i-imagine na naman na prinsesa siya.” “Hinigaan na naman niya iyong mga baby’s breath ni nanay?” “Sinabi mo pa.” Nadatnan nga nilang nakahiga sa mga nakatanim na baby’s breath ang kanilang bunsong kapatid. “Hoy! Tayo ka na diyan. Mapapagalitan tayo ni nanay nang dahil sa ‘yo,” ani Divina. Ni hindi kumilos ang kinakausap na bunso. Nginitian lang sila nito. Walang kibong humiga si Nenita sa tabi ni Jocelyn. “Ate!” “Pagod ako.” Pumikit siya. Walang nagawa si Divina kundi ang manahimik. Hindi nagtagal ay nahiga na rin siya sa ibabaw ng mga bulaklak. Nang mapansing nahiga na rin si Divina ay bumiling patalikod sa mga kapatid niya si Nenita. Pagod siya pero tila ayaw mapagod ng kaniyang isipan sa kai-imagine kay Luis. Ito na ang lalaking gumugulo sa isipan niya ngayon. Pero si Fabio ang crush niya. Ito ang ideal man niya. Mabait si Fabio at palakaibigan kahit sa mga dukha. Higit sa lahat, wala pang nababalitang girlfriend si Fabio, habang si Luis ay kung tawagin niya noon ay ‘easy boy’ dahil sa dami ng nali-link na babae. Pero ginugulo ni Luis ang isipan niya. Ang kamay na iyon na dumantay sa kaniyang tiyan ay nangangako ng kaluwalhatian. Napapikit siya. Ninanamnam niya ang dahan-dahang paggala ng kamay ni Luis, mula sa kaniyang tiyan patungo sa kaniyang dibdib. Naramdaman niya ang mainit na sensasyon kaya napaawang ang kaniyang bibig, na agad namang tinakpan ni Luis ng sarili niyang bibig. Nanigas siya sa sensasyong nararamdaman. At napamulat. Napahawak siya sa bibig. Nagpapasalamat siya at hindi siya napansin ng mga kapatid na pawang nakapikit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
246.7K
bc

My Cousins' Obsession

read
181.9K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
77.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
158.2K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
23.3K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
213.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
71.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook