Mapangahas Na Kamay

1726 Words
First time na makaligo sa isang ilog ng mga bisita ni Luis mula sa siyudad kaya excited ang mga itong agad na nagtampisaw sa tubig. Nakasuot ng hapit na short shorts ang mga babae tulad ni Karen. Halata na ang hiwa ng kanilang p********e sa nipis ng tela at hapit ng shorts nila. Bumabakat din ang mga tarugo ng mga kalaki sa suot nilang hapit na shorts. Para silang mga contestant ng bikini open na rumampa sa ilog. Tanging si Luis ang hindi pa naghuhubad ng pang itaas na damit. “Love, come here!” Mapang-akit ang pagyayaya ni Karen kay Luis para lumusong na rin ito sa tubig, pero abala ang lalaki sa pagsuyod ng kaniyang paningin sa ilog hanggang sa kayang abutin ng kaniyang paningin. Tila isang animal na may gusto siyang makita o maamoy dito. Gusto niyang makatiyak kaya nagpalinga-linga siya. Nang rumehistro ang mukha ni Nenita sa kaniyang isipan ay uminit ang pakiramdam niya. Napahawak siya sa tumigas niyang tarugo. Inayos niya ang puwesto nito sa loob ng kaniyang brief at kinalma ang sarili. Nang hindi makita ang hinahanap ay halos laglag ang mga balikat na naghubad siya ng suot na tee shirt at lumusong na rin sa tubig. Ang hindi alam ni Luis ay pilit siyang itinatanggi ni Nenita sa isipan nito. Nakakunot-noo itong nagpabiling-biling habang nakahiga, iwinawaksi sa isipan ang pagpapantasya kay Luis. Pabalik-balik sa isipan ni Nenita ang paghawak ni Luis sa kaniya at ang mainit nitong hininga, gayundin ang umbok nito na tila gustong lumabas sa pantalon. Malinaw pa sa alaala niya ang pagpitlag niya nang mahuli siya nitong nakatingin sa nakatagong alaga ng lalaki. Kilala niyang babaero si Luis. Kilala niya ang ilan sa mga naging syota nito. Magaganda. Puro tisay. Mga anak-mayaman. Wala siyang panama sa itsura sa mga babaing iyon. Ang pinay niyang itsura ay hindi magandang luminya sa mga half-pinay na mga nakarelasyon ni Luis, lalo na ang cute niyang ilong. Magiging tila sisiw ito sa mala-turkong ilong ng mga babaing iyon. At kung dadaanin sa pera, lalong wala siyang panabla. Sila ay anak ng mga pulitiko at negosyante dito sa San Marcelino, samantalang siya ay anak ng isang magtataho at labandera. ‘Tumba si Nenita!’ Natawa siya ng payak sa naisip. Iiwas na siya kay Luis. Hindi maganda ang nangyayari sa kaniya dahil sa lalaking iyon. Minamaliit niya ang sarili nang dahil sa isang Luis Policarpio. Samantalang positibo ang pananaw niya habang ang nasa isipan niya noon ay si Fabio Villar. ‘Erase! Erase ka, Luis!’ Bumiling siya at pumikit ng mariin. “Ate, latang-lata na ang baby’s breath, kabibiling mo!” Napamulat ng mata si Nenita. Bumangon na pala si Jocelyn at nakaharap ito sa kaniya. “Lagot ka kay inay, ate. Bakit kasi pabiling-biling ka pa?” “Nanaginip ako ng masama,” alibi niya. “Masamang panaginip? Kaya pala parang hinihingal ka.” Napatda si Nenita sa tinuran ng bunsong kapatid. Pakiramdam niya ay uminit ang kaniyang pisngi. Dapat pala siyang mag-ingat sa pagpapantasya niya kay Luis. Ayaw niyang mabisto na may s****l fantasy na siya sa kababata. Bakit nga ba kasi kakaiba ang nararamdaman niya sa lalaking iyon ngayon? HABANG dala ng magkakapatid ang mga tuyo nang nilabhan pauwi ng bahay nang hapong iyon ay dumaan sila sa may gilid ng ilog kung saan sila naglaba kanina. Bitbit ng dalawa ang mga bangkat habang nakapatong sa ulo ni Nenita ang banyera. Narinig nila ang hagikhikan sa may ilog kaya napalingon sila. May isang grupo ng mga kabataang lalaki at babae ang naliligo doon. Kasama nila si Luis. Tiyempong pagtama ng paningin nina Nenita at Luis ay ang paghaplos ng isang humahagikgik na babae sa hubad na dibdib ni Luis. Hindi niya inaasahang makita iyon, lalo na ang parang bumundol na damdamin sa kaniyang dibdib, at ang pagkawala ng kaniyang balanse. “Ate!” Hindi nakatulong ang malakas na pagsigaw ng dalawang kapatid. Tuluyang nahulog ang dalang banyera ni Nenita. Tumilapon ang ibang labada nito. “Arayyy!” Masakit ang kaniyang paa. Sinubukan niya kasing ipangsalo sa nabitiwang banyera ang kaniyang mga hita pero nawala pa rin siya sa balanse. Masakit sa pakiramdam. Napilayan yata siya. Napilayan din yata ang puso niya sa nakitang iyon. Ang higit na parusa ay kailangan niyang labhan uli ang mga damit na natapon. Iika-ika man ay kailangan niyang bumangon para muling maglaba.Tinulungan naman siya ng mga kapatid sa pagkukusot ng damit. Habang naglalaba ay naririnig nila ang mahinang pagtawa ng mga babaing kasama nina Luis. “Wala ba silang washing machine? Sana nagpa-laundry na lang sila.” Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Divina sa naririnig. Sumingasing ang ilong nito, handa nang makipagbardagulan. Agad niya itong hinawakan sa kamay. “Kailangan nating matapos ‘to.” Ilang beses ding lumaki at lumiit ang butas ng ilong ni Divina bago siya tuluyang kumalma. Minabuti ng magkapatid na mag-focus na lang sa paglalaba kesa ipaliwanag sa mga iyon ang kanilang kahirapan. Kung bakit may inanod pa ng tubig na hindi nila napansin. Narinig na lang nilang nagtawanan ang grupo nina Luis. “Hey, I think it’s yours! Hahaha!” “No, gosh! Hahaha!” Paglingon nila sa grupo ay nakita nilang pinagpapasa-pasahan ng mga iyon ang isang panty. “Ate, panty mo ‘yon!” Tila masusuka si Nenita sa kumpirmasyong nanggaling kay Divina. Kaniya nga ang pulang panty na iyon. Iyon ang kaisa-isang bikini niya. Nahihiya man ay nagpapasalamat siya na bago ang inanod na panty at hindi iyong pinagreglahan niya kahapon. Ayaw magpautos ng dalawa kaya iika-ika siyang lumapit sa grupo. “Guys, paabot naman.” “O, sa ‘yo pala ‘to?” Nanunudyo ang ngiti ng lalaking may hawak ng panty niya. Hinagod siya nito ng tingin. Pumormal ng mukha si Nenita habang pinagmamasdan ng mga ito ang kaniyang itsura. Nakasuot siya ng maluwang na tee shirt at hanggang tuhod na colots, pero nahalata niya ang pagliwanag ng mukha ng lalaking may hawak ng kaniyang panty nang makumpirma nito ang angkin niyang kaseksihan. Halata pa rin kasi ang magandang kurbada ng kaniyang katawan kahit maluwang ang suot niya. Nakangiti itong ibinigay sa kaniya ang kaniyang panty. “What’s your name and number?” “Nenita ang pangalan ko. Salamat. Bye.” Agad niyang tinalikuran ang grupo nang mapasakanya na ang panty. Hula niya ay nangangamatis na ang mukha niya sa nararamdamang kahihiyan lalo na’t nakita niyang nakatitig sa kaniya si Luis. Humakbang pa ito papalapit sa kaniya pero hindi niya ito pinansin. Inabot yata siya ng malas, nadulas naman siya sa nilumot na bato. “O, ingat!” Mabuti na lang at agad siyang naalalayan ng may-ari ng boses na iyon. Pag-angat niya ng mukha ay nalaman niyang si Luis ang umaalalay sa kaniya. Nalanghap niya ang mainit nitong hininga. ‘Ganito pala ang amoy ng hininga ng lalaki.’ Kung puwede lang ay manatili na lang sila sa ganoong sitwasyon. Hawak siya ng lalaki at lalanghapin niya ang hininga nito hanggang sa dumantay ang bibig nito sa kaniyang bibig. Napaawang ang bibig niya sa naisip. Pinaupo siya ng lalaki sa malaking bato sa may lilim ng punong balete. Hinawakan nito ang kanan niyang paa. Aayaw sana siya pero hindi siya nito tinitingnan. Nakatuon ito sa paa niya. Hinimas-himas nito ang naturang paa. “Masakit ba?” Saka ito tumingin sa kaniya dahil sa kawalan niya ng sagot. “O-oo.” “Basic massage lang ang alam ko, mas mabuting patingnan mo pa rin ito ‘pag sumakit uli.” Tumango siya, umiiwas na magtama ang kanilang paningin. Napapakagat siya sa labi sa sakit na nararamdaman habang minamasahe ni Luis ang kaniyang paa. Ayaw niyang umaray at magmukhang weak sa harap ng babaing sumunod sa kanila para mag-usisa. Ito iyong humarot kay Luis kanina. Feeling close pala talaga ito kay Luis. “Ano ba ‘yan?” “Paa.” Tumawa ang babae sa isinagot ni Luis. Nang hindi ito nilingon ng lalaki ay niyakap niya ito mula sa likod at pinaghahalikan sa balikat. ‘Hayup! Minumukbang pa talaga sa harap ko!’ Napansin ni Luis ang pagtiim ng kaniyang mukha. “Cut it, Karen! I’m busy.” ‘So, Karen pala ang pangalan mong malandi ka! Atat kang magmukbang, ha! Magselos ka ngayon!...’ “Dahan-dahan. Masakit.” Nagpapaawa niyang sabi kay Luis. “O-okay.” Magaling palang talagang magmasahe si Luis. Hindi lang ito nag-concentrate kung paano maampat ang sakit, napa-relax pa nito ang kaniyang pakiramdam. “Good?” Tumango siya. “So let’s go,” ani Karen kay Luis. Napaawang ang bibig ni Nenita. Wala siyang maisip na idadahilan para ‘manalo’ siya sa points laban kay Karen ngayon. “You go. Maligo ka na du’n kasi.” Hinawakan ni Luis ang kaliwang paa ni Nenita. “Bakit kasama pa iyan?” “To balance, ‘di puwedeng isa lang. Punta ka na du’n kasi. Mamaya pa ako matatapos dito.” Nakasimangot na umalis si Karen. Feeling winner si Nenita, pero agad na lumakas ang pagkabog ng dibdib niya habang hinihimas-himas ni Luis ang kaliwa niyang paa. Wala naman kasing masakit sa bahaging iyon. Banayad na tila nagti-trace ng mga ‘di nakikitang ugat ang mga daliri ni Luis. Nagdulot ito ng kakaibang kuryente sa katawan ni Nenita. Dumako ang daliri ni Luis sa mga daliri niya sa paa. Isa-isa itong hinaplos-haplos ni Luis. Nagdulot ito ng kakaibang kiliti sa babae, lalo na nang dumako ang daliri nito sa talampakan niya. Hindi niya inaasahan na puwede pala siyang angkinin ng kaharap sa paghawak lang nito ng kaniyang paa. Nagdudulot kasi ito ng kakaibang srnsasyon at kiliti sa kaniya. Hinilot din naman siya noon ni Aling Elsa at Mang Kanor, pero hindi niya naramdaman sa kanila ang ganitong sensasyon. Paakyat ang paghagod nito. Gusto niyang pahintuin si Luis sa ginagawa nito pero hindi niya kaya. Napahawak siya sa ugat ng balete. Napadiin ang paghawak niya sa ugat nang dumako ang daliri nito sa likod ng tuhod niya. May kiliti pala siya doon, hindi niya alam. Nakikiliti siya pero hindi siya natatawa. Papaakyat na ang daliri ni Luis. “Luis! Luis!” Nilingon ni Luis ang tumatawag na kagrupo. “Let’s go, pare!” Tiningnan naman ni Luis si Nenita. Halos hindi siya makahinga sa tinging iyon ng lalaki. “Till next time.” Sinundan na lang niya ng tingin si Luis habang papalayo ito. Till next time? Ano, magpapapilay siya uli?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD