Chapter 4

1455 Words
ANGEL. "What do you want?" Aniya. Parang biglang may bumara sa aking lalamunan. Anong sasabihin ko? Sana pala pinag-isipan ko na agad kanina ang sasabihin ko kapag nagkatagpo kami. Wala na akong ibang inisip kung hindi ang makita at makausap siya. "I-i'm E-eunice." Inilahad ko ang aking kamay kahit nanginginig ako. Parang malulusaw ako sa kanyang titig. "I didn't ask your name. I said, what do you want and what do you want to talk about?" Napaawang ang aking mga bibig. Bakit parang ang lambing ng dating ng boses niya sa'kin kahit mapanganib ito at puno ng awtoridad? Hindi ko maintindihan. Ang gulo. Ang akala ko ay titingnan niya lang ang aking kamay at hindi tatanggapin ngunit nagulat ako nang hawakan niya ako. Napasinghap ako nang maramdaman ang pamilyar na boltahe na bumalot sa aking sistema. Hindi ko alam kung ilang segundo kami nagtitigan habang nagkakamayan. Parang nakikita ko talaga sa mga mata niya si Silver. "I assume you have something you want me to investigate. You could have talked to me in the office." Sumulyap siya sa M&C Building pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. "E-eh k-kasi... K-kasi..." Napakagat ako sa ibabang labi at yumuko. "Kasi?" His voice sounds like teasing. "E-e-eh..." "Y-yung k-kamay ko." Natauhan naman siya at binitawan ang kamay ko. Nahuli ko pang sinundan niya ito ng tingin. "I have more important things to do rather than talking to a stranger---" "Gusto kitang maging kaibigan." I said cutting him off. Bahala na. "You want me to be your FRIEND?" Hindi ko mawari ang tono ng kanyang boses, parang nag-iba. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang mapanuring titig. "H-hindi ba p-puwede?"Hindi niya ako sinagot bagkus ay inayos niya ang pagkakaupo sa kanyang motorbike na mukhang aalis na talaga. "You wasted your time to wait for me here just to tell me that you want me to be your friend? You are obviously have something else to do with me. Nonsense." Aniya at walang anu-anong pinaharurot ang kanyang motorbike. Nabigla ako kaya hindi agad ako nakakilos. Mga ilang metro na ang kanyang layo bago ako natauhan. "Teka... Sandali!" Tumakbo ako para habulin siya. Hinawakan ko sa magkabilang dulo ang shoulder strap ng aking backpack para makatakbo ako ng maayos. Bakit pakiramdam ko nangyari na ito? Na hinahabol ko si masked man? Pumasok sa isip ko ang panaginip ko. Ang pinagkaiba lang ay naka-motorbike ang hinahabol kong masked man, who happened to be Agent Pilak. Takbo lang ako ng takbo habang natatanaw ko ang kanyang papalayong motorbike, na mukhang malabo nang maabutan ko pa. "Tanga!" Hindi ko pinansin ang bulyaw ng isang driver ng sasakyang nakasalubong ko. Bigla kasi siyang nag-preno para hindi ako mabangga. "Hintay!" Para akong tanga na tinatawag si Agent Pilak na hintayin ako samantalang hindi ko naman alam kung naririnig nga niya ako. Bumagal ang kanyang pagpapatakbo nang malapit na siya sa intersection kaya lalo kong binilisan ang aking takbo. Wala sa bokabularyo ko ang sumuko. Maabutan ko rin siya. Ngunit parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang mamataan ko ang isang delivery truck na papalapit sa direksyon ko. Hindi ko agad ito napansin dahil na kay Agent Pilak lang ang atensyon ko. Alam kong kahit tumakbo pa ako ay hindi pa rin ako makakaligtas. Mukhang nawawalan ito ng preno sa sobrang bilis ng takbo nito. Pakiramdam ko literal na tumigil ang pagtibok ng puso ko nang ilang pulgada nalang ito sa'kin kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Maybe I am fated to die as early as my age. Pumasok ang sari-saring imahe sa utak ko. Ang pang-iiwan sa amin ng nanay ko noong apat na taong gulang pa lamang ako at ang pagkawala ni tatay sa murang edad ko. Namuhay akong mag-isa at natutong tumayo sa sariling kong paa . Ni hindi ko manlang naranasan na maging masaya sa piling ng lalaking mamahalin ko. Ni hindi ko manlang nakita sa personal si Rain. Hindi ko man lang naisulat ang dreamed love story ko. Hinintay kong tumama sa katawan ko ang ulo ng truck ngunit wala akong naramdaman. Malakas na pagkabangga ang aking narinig at biglang may humaklit sa akin at natagpuan ko nalang ang sarili kong kumaibabaw sa isang matipunong katawan. Ang bilis ng t***k ng puso ko ngunit mas mabilis ang t***k ng puso ng lalaking kinaibabawan ko. Nakasubsob sa dibdib niya ang aking mukha kaya dinig na dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso. Inangat ko ang aking mukha para makita siya, only to find out it was Agent Pilak. He saved me! Binalikan niya ako? Paano siya napunta dito nang ganun kabilis? "Are you okay?" tanong niya at sinipat ako ng tingin habang ganun pa rin ang aming posisiyon.Wala sa sariling napatango ako. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. "S-salamat..." nauutal na saad ko at dahan-dahang umalis sa kanyang ibabaw. Bumangun rin siya at pinagpagan ang kanyang sarili. Nasa gitna ng kalsada ang kanyang ducati nang tingnan ko ito pero nanlaki ang aking mga mata nang makita ang truck na bumunggo sa poste ng kuryente. Nagkumpulan ang mga tao sa truck na ngayon ay wasak ang bumper at tumagilid din ang poste. Napaluha ako sa aking nakikita at napatakip sa sariling bibig. Hindi ako makapaniwala. Muntik na akong mabangga! Parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib sa sobrang bilis ng t***k nito. Lalo akong napahikbi nang makitang nilalabas ng mga rescuer ang driver nito na duguan. "Shhh..." Napapikit ako nang maramdaman kong niyakap ako ng isang matipunog bisig. For a moment, I feel safe. I feel safe in his arms. Pumulupot sa likod ko ang kanyang kaliwang kamay samantalang marahang humahaplos sa buhok ko ang kabila. Gumanti ako ng yakap. Pakiramdam ko kasi hinang-hina ang aking katawan sa sobrang takot at kailangan ko ng makapitan. Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanatili sa ganung posisyon. Walang nagsasalita at tanging hikbi ko lang ang namayani. Nang humupa na ang hikbi ko ay tahimik niya akong hinawakan sa braso at marahang hinatak patungo sa kanyang motorbike. Nakasuot siya ng motorbike gloves sa kanyang mga kamay kaya nagmistulang stick ang aking aking braso. Nagmistula akong sunud-sunuran sa kanya nag inilahad nito ang kanyang kamay para sumakay sa motorbike. Kinuha niya rin ang aking mga kamay at ipinulupot sa kanyang katawan bago ito paandarin. Natameme ako at hindi ko alam ang sasabihin ko kaya pinili ko nalang manahimik. Hindi rin naman siya nagsasalita pero halata sa galaw niya na parang ingat na ingat siya sa'kin. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil kami sa harap ng isang maliit na bahay. Bungalow type ito ngunit napakaganda. Parang American-inspired house and dating nito. Maraming ornamental plants sa paligid. "D-dito ka nakatira?" Sa wakas ay may lumabas ding mga salita sa bibig ko. Hindi ulit siya sumagot. Hinawakan lang niya ulit ako sa braso saka hinatak papasok. Walang katao-tao sa loob pagpasok namin. Siguro mag-isa lang siyang nakatira dito. Kung gaano kasimple ang labas ng bahay ay ganun din ka-elegante sa loob. Mukhang mamahalin at kumikintab ang mga muwebles pati ang mga kagamitan ay puro modern ang dating. May malaking chandelier sa gitna ng maliit na sala at mayroong malaking flat screen TV. Dumiretso kami sa kusina at lalo akong namangha sa kitchen counter. "B-busog ako. Kakakain ko lang kanina." Natigilan siya sa pagbubukas ng refrigerator at binalingan ako. Wala ba siyang balak na tanggalin ang kanyang face mask? "Alright." Aniya. "You need to rest then." Hindi na ako nakaangal nang muli niya akong hinatak papasok sa isang kwarto. "B-bakit ko kailangang magpahinga?" tanong ko ngunit umupo rin sa malambot na kama. Puro yata itim ang nakikita ko sa kwarto na 'to maliban sa kama na abuhin ang kulay. "Stop asking. You need to rest." Napilitan akong humiga dahil sa tono ng kanyang boses. Bakit pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala? Pinaandar niya ang aircon at inaayos ang comforter sa aking katawan. Bigla kong naramdaman ang pagod dulot ng nangyari kanina. Ngayon lang yata nag-sink in sa utak ko ang lahat. Bakit hinayaan ko ang sarili kong sumama sa agent na 'to? "K-kakausapin mo na ba ako pagkising ko?" Pangungulit ko habang humihikab. Bakit parang bigla ayata akong inantok? Wala akong narinig mula sa kanya kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Ang hirap niyang kausapin! Lalong bumigat ang aking mga talukap kaya napagdesisiyunan kong matulog nalang muna. Pangako, pagkagising ko, sisimulan ko na ang misyon ko. Isang mainit na dampi ng mga labi ang naramdaman ko sa aking noo at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang aking narinig bago tuluyang kinanin ng dilim ang aking diwa. . . . "Sleep tight, my angel." ⓖⓡⓔⓐⓣⓕⓐⓘⓡⓨ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD