Chapter 2

1222 Words
SILVER. "Sandali!" malakas na sigaw ko at hinabol siya. Patuloy ko siyang tinatawag ngunit parang wala siyang naririnig. Dire-diretso lang ang kanyang paglalakad at unti-unting napapalayo ang kanyang pigura sa aking paningin. Nagsimulang pumatak ang malalaking butil ng ulan. "Sandali lang, please?!" buong pagmamakaawa ko habang tumatakbo ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maabut-abot samantalang naglalakad lang naman siya. Gusto kong makita ang kanyang mukha. Gusto kong magpasalamat sa kanya. Gusto ko siyang mahawakan. "Pakiusap, hintayin mo 'ko!" Malat ang aking boses at hindi ko alam kung naririnig pa niya ako. I feel strange. Pakiramdam ko iniiwan ako ng pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Unti-unting bumalong ang luha sa aking mga mata kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Tumakbo ako ng mabilis nang unti-unti nang nilalamon ng kadiliman ang kanyang pigura. Nananakit na aking paa pero wala akong pakialam. Basang-basa na rin ako. Tumatakbo ako na parang hindi nakaapak sa lupa ang aking mga paa. Malapit ko na sana siyang maabutan ngunit bigla akong natalisod at natumba. Napahiyaw ako sa sakit. Natusok pala ng matulis na bato ang talampakan ko. Wala na. Nawala na siya sa paningin ko. Hindi ko na siya naabutan. Napaiyak na lamang ako. Bakit hindi manlang niya nagawang hintayin ako? Para akong basang-sisiw na nakalupagi sa gitna ng daan at umiiyak. Bakit ang sakit sa pakiramdam? Nanlalabo ang paningin ko dahil sa masaganang luha na dumadaloy mula sa aking mga mata. Bahagyang tumatalsik pabalik sa katawan ko ang mga putik. Yumuko ako ngunit dalawang pares ng itim na sapatos ang aking nakita. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang likod ng braso ko at tumingala. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagsino ito. Bumalik siya! Bumalik si masked man! Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako ngunit muntik na akong matumba at napaigik sa sakit. May sugat pala ako sa paa! Ngunit bago ko pa man maramdaman ang pagbagsak ko ay maagap na pumulupot sa bewang ko ang mga matitipunong braso. Tulad ko ay basang-basa na rin siya ng ulan. Tumutulo ang tubig mula sa maskarang nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha. "You're still the same stubborn stalker I used to know." Napasinghap ako nang marinig ko siyang magsalita. Sinalubong ko ang kanyang tingin na tila inaarok ang pagkatao ko. There's something in his eyes that captivates the deepest part of my being. Or maybe it's the reason why my blood circulates abnormally through my veins. "T-thank you," I uttered. His lips formed a lopsided smile. With just a blink of an eye, I felt his lips against mine. Suddenly I felt the world stopped for a while. This is the most sensual feeling I ever felt. Strange yet magical. Pakiramdam ko nasa ibang dimensyon kaming dalawa. I feel loved with his kisses. Parang kinikiliti ang aking tiyan. Just then, I found myself closing my eyes to deepen the kiss. Napabalikwas ako ng bangon at hapong-hapo. A dream. It was just a dream! Napahawak ako sa aking mga labi. Sino ba ang masked man na 'yon? Bakit ko siya hinahabol? Bakit nasa panaginip ko siya? And why on earth am I kissing him?! Tumungo ako sa mini-kitchen ko at uminom ng tubig. Namamawis ang aking noo at hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagrarambolan ng kung anu-ano sa aking dibdib. Halos maubos ko ang kalahating pitsel ng tubig. This is weird. Bumalik ako sa kwarto at binuksan ang cellphone ko. It's 2:05 in the morning. Pumasok sa isip ko ang lalaking nakabunggo ko sa park. Kamukhang-kamukha niya ang masked man na 'yon sa panaginip ko. I calmed myself. Siguro epekto lang 'yon ng masyado kong pag-iisip. Kung anu-ano na tuloy ang napapanaginipan ko. Humiga na lamang ako at pinilit ang sariling makatulog. Kailangan ko pang magmatyag mamaya sa M&C Detective. Sana makilala ko na si Agent Pilak. *** ILANG beses na akong humikab ngunit parang naghihintay pa rin ako sa wala. Sinadya kong magpaaga para makakuha ako ng magandang puwesto dito sa park. Agent Pilak nasaan ka na ba? Naisipan ko na lang buksan ang laptop ko at gumawa ng story premise. Mainam na rin para may magawa naman ako habang naghihintay. Sumandal ako sa puno ng indian mango na katabi ng inuupuan ko saka kinandong ang laptop at nagsimulang magtype. Wait-- Hindi pa pala ako nakapag-isip ng pangalan ng bidang lalaki. Maybe I should use Silver since si Agent Pilak naman ang inspirasyon ko dito. Hmm... Silver... puwede. Silver Valderama, a professional detective was hired to guard a tycoon's only daughter. The thing is, he has to disguise himself as a suitor of-- Wait. Wala pa pala akong naisip na pangalan ng babae. Tss. Kung pangalan ko na lang kaya? Maria Patricia Eunice? Nah... Masyadong mahaba. Maybe I should look for a short but rare name for the girl. Silver, Silver, Silver, ano bang magandang pangalan ang ipareha sa pangalan mo? Silveria kaya? Para girl version. Hindi rin. Baduy. Marissa? Hmm... Shiela? Mikaela? Laila? Hayy... Angelina? Allenda? Carmela? Petra? Tekla? Kurdapya? Tsk! I shook my head. Seriously? May ganung pangalan? "Arrgh!" Napasabunot ako sa buhok ko at tumingin sa harap ng M&C Building. Wala pa ring bakas ni Agent Pilak. "BAHALA KA NGA SA BUHAY MO! MAGHANAP KA NG SARILI MONG ASAWA, SILVER! KAINIS!" hindi ko napigilang isigaw. This is really making me frustrated. "Hey, did I just hear my name?" Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang magtagpo ang aming mga mata. Binalot ng kakaibang kaba ang aking dibdib. One word to describe this man in front me is breathtaking. Tumutulo pa ang pawis nito mula sa kanyang noo. Shems! He looks hot! Super duper extra hot! Wala sa sariling sinundan ko ng tingin ang isang butil ng pawis na tumutulo sa kanyang leeg patungo sa malapad niyang dibdib. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok. Ano kaya ang pakiramdam na makulong sa matitipunong bisig na 'yan? Deym! Nagkakasala na yata ang mahalay kong utak. But I can't help it. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na ganito ka gwapo. Perfect is an understatement. "Hey!" he snapped. Bigla akong natauhan sa pagdi-dayream. Holy s**t! Did I just drool over this gorgeous man?! Nakakahiya ka Patricia!!! "H-hi... hehe." Kagat-labing umiwas ako ng tingin. "I was jogging around when I heard you, yelling my name" aniya. Namula ang aking mukha at biglang naalala ang isinigaw ko. "A-ah. Y-you mean... Silver ang pangalan mo?" "Exactly." He smiled, showing his perfect set of white teeth. Pakiramdam ko lumuwag ang garter ng panty ko. Shet! "A-ah... Wala lang 'yon. Nagkataon lang siguro na pareho kayo ng pangalan. P-pasensya na..." He smiled again for the second time. Holy s**t! Ang sarap niyang halayin! "I see. By the way, I'm Silver. May I know your name, Miss?" He asked and offered his right hand for a handshake. "A-ah... I'm Eunice." Tinanggap ko ang kanyang kamay ngunit nagulat ako nang makaramdam ako ng kakaibang boltahe na dumaloy sa mga ugat ko. Hindi ko nagawang tanggalin ang kamay ko. It was a firm and long handshake. Nagkatitigan kami sa mga mata. And there... It hit me... Those gray orbs looks familiar to me. Saan ko nga ba nakita ang abuhing mga matang iyon...? ⓖⓡⓔⓐⓣⓕⓐⓘⓡⓨ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD