◇PAT◇ IT'S been one week, eight days to be exact, that I haven't heard anything about Silver. Walang text o tawag mula sa kanya. Ugh! I forgot, wala nga pa rin pala akong cellphone. Pero hindi manlang siya tumawag sa telepono. Hindi naman siguro puwedeng wala siyang numero ng telepono dito sa bahay nila Cynthia. Hindi ako pinayagan ni Cynthia na umuwi sa apartment ko. Ang sabi niya baka daw hindi safe. I agreed to that. Kahit na alam kong nasa kulungan na si Rain, hindi ko pa rin maiwasang matakot. Mayaman siya, at siguradong may mga galamay siya dito sa labas. Cynthia also offered to buy me a phone, but I refused. Sobra-sobrang tulong na ang ibinigay niya sa'kin at ayaw kong isipin ng iba na sinasamantala ko ang kabaitan niya. Binilhan na nga niya ako ng mga damit, na hindi ko na nagaw