◇PAT◇ Mijares? Isa lang ang alam kong may ganoong apelyido. Sana tama ang hinala ko. Nabuhayan ako ng loob. Kahit hindi ko maintindihan kung paano ito napunta sa batok ko ay ibinalik ko ito. Wala naman ibang maaaring maglagay nito sa katawan ko maliban sa kanya. Tinapos ko ang aking kinakain kahit pa sobra akong kinakabahan. Hindi ko maiwasang matakot sa anumang mangyari. Sana nga gumagawa ng paraan si Silver para mailigtas ako. Oh God! Sana dumating siya bago ang kasal. Rain obviously not just doubled, but tripled the security. There's no way else for me to escape. Kaya ang dapat ko na lang gawin ay ang magdasal at lakasan ang aking loob. Darating siya. I know he will. Pero hindi ko maiwasang mag-alala para kay Cynthia. I hope she's safe. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may