Kahit hindi nakakasigurado ay pinuntahan ni Señor Alejandro ang nabanggit na lugar nang nakausap nito kahapon. Hindi nga sigurado ito kung totoo nga ba ang sinabi ng taong tumawag dito, pero masyado ng desperado ang matanda kaya naman kahit walang kasiguraduhan ay minabuti pa din niyang makipagkita sa taong iyon. Isang linggo na lang kasi ang nalalabi mula sa palugit na binigay sa kanya, at mukhang wala na din namang paraan para mailigtas niya ang hacienda, at ang kanyang mga negosyon kaya naman mas mabuti na nga sigurong ibenta na lang niya ang lahat ng iyon para kahit paano ay may makuha pa siyang pera. Madaling magsimula kung meron kang perang magagamit, pero kung tuluyang maiilit sa kanya ang lahat ay wala na talaga siyang magagamit para makapagsimulang muli. Sa isang sikat na rest