Kanina pa pabalik-balik si Celine sa pagta-tally ng mga finances ng hacienda, pero iisang resulta lang ang lumalabas, at iyon ay malaki ang nawalang pera sa hacienda, at hindi lang iyon dahil kahit ang mga businesses na hawak ng kanyang tiyuhin na si Senor Alejandro ay malaki ang nawawalang pera. Hindi maiwasang magtaka ni Celine dahil mahigit isang linggo lang ang nakakalipas, pero ganito na kalaking disparity ang nalalaman niya, kaya naman nagpasya ang dalaga na puntahan ang tiyuhin para tanungin ito. Good morning po. " ang nakangiting bati nito sa asawa ng kanyang tiyuhin na si Señora Leticia, ngunit imbes na batiin siya nito pabalik ay inismaran lang siya nito, at nagpatuloy na ito sa paglalakad palabas ng mansion. Pinagkibit-balikat na lang iyon ni Celine, dahil kilala na nama