Nagpatuloy sa pagmamaneho si Wilson, wala nga itong kaalam-alam na dahil sa gamit nitong sasakyan ay natawag ito ng atensyon mula sa mga taong nakakita dito. Ang tanging nasa isip ni Wilson ay makarating sa hacienda upang damayan si Celine sa pagkawala ng kanyang abuelo, ayon kay Andres ay kakalibing lang ng matanda ngayong araw. Dalawang araw lang binurol ang labi ni Señor Agapito, sobrang bilis na para bang hindi makapaghintay ang anak nitong si Señor Alejandro na matapos ang burol na iyon. Mabilis na nakarating sa hacienda si Wilson, padiretso na sana ito sa mismong tapat ng pintuan ng mansion nang magbago ang isip nito. Naisip kasi ni Wilson na takaw pansin masyado ang sasakyan na pinadala ni Charles, kaya naman minabuti nitong iparada na lang ang sasakyan sa isang tagong bahagi n