Lahat ay hindi makapaniwala sa nakikitang paggalang ni Charles kay Wilson, sino ba naman ang hindi makakakilala kay Charles na siyang kanang kamay ng may-ari ng AGOC. Kahit nga sinong nasa mataas na katungkulan sa kumpanya ay kailangan magbigay ng galang sa taong ito, pero sa harap ng isang hamak na messenger ay para itong maamong tupa na naghihintay lang ng utos ni Wilson. "Sino ka ba talaga?" ang katanungan ng lahat ng tao sa opisinang iyon, habang patuloy na nakatingin kay Wilson. Kakaibang takot ang naramdaman ni Andrew habang nakatingin sa taong gusto niyang paghigantihan, hindi niya nagugustuhan ang naglalaro sa isip niya nang mga oras na iyon, at nang tignan nito ang ama ay nakita niyang hindi lang siya ang labis na nag-aalala. "Uhmmm... Sir Charles, baka may pagkakamali dito, b