Kabanata VIII Tanaw na tanaw ni Stanley si Jake nang lumabas iyon sa isang maliit na bahay, kabuntot si Savannah, na may kargang bata. Pinagkakasya niya ang sarili sa pagtanaw gamit ang kakarampot na ilaw galing sa poste, sa mismong tapat ng bakuran ng bahay na tinitirhan ni Savannah. His heartbeat raced. Ang batang iyon ay ang anak niya. Yes, he remembered everything, every single thing that happened in his life. Bumalik iyon sa pamamagitan ng isang panaginip and it’s time to move. Huli na ba ang lahat? Umilaw ang smartphone niya sa ibabaw ng dashboard kaya napasulyap siya roon, pero inignora niya nang makita ang pangalan ni Diana, pati na mukha. His phone says, Love calling. Damn it! Wala siyang ibang mahal kung hindi si Savannah lang. Since she was twelve, he started h