Nakakatawang isipin na 'yong pagluhod sa harapan niya ang gagawin ko para lang magmakaawa sa kanya na mahalin niya ako? That's rediculous! Nasa matinong pag-iisip ba siya para sabihin sa akin 'yon? Nagbabanta ba siya? At sino siya sa akala niya para pangunahan ako? Naiisip ko pa lang na gagawin ko 'yon sa kanya gusto ko na lang matawa sa sarili ko. Napaka-tanga ko na talaga para gawin ko ang pagluhod sa isang taong wala namang pakealam sa akin. Isa pa, he's not worth it for my knees on the floor. Tahimik na kaming dalawa pagkatapos ko siyang itulak. Umalis ako sa harapan niya at nanatili na lamang ako sa kuwarto na nandito sa yate. Nakatulog ako agad kahit marami ang bumabagabag sa akin. Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses ni Peter na tinatawag ako. He tap my shoulder w