Sa daming tao, kahit ano'ng gawin mo may masasabi pa rin sila lalo na't hindi ka gusto ng taong iyon. No matter what you do, kalaban pa rin ang tingin nila sa'yo kahit gumawa ka man ng tama. At sa dami ng tao, meroon din talagang kokontra sa'yo. Ang tanging hindi tumayo ay si Mrs.Conchita at ang apat na panel, kasama na roon si Peter na tumango-tango lang habang nasa folder pa rin ang mga mata. Maski si Monna hindi rin tumayo. Halata ang irita nila sa presensiya ko. Hindi ko talaga makuha kung bakit mainit ang dugo ng mag-ina sa akin? Wala naman akong ginawang mali sa kanila para pag-initan nila ako ng ulo. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko bilang representa sa new product na ilalabas. Pero bakit, halos itapon na nila ang naisip kong produkto. Kung hindi lang siguro kay Peter